Hindi na ako nagpaalam sa kanila at inayos ko na lang ang mga gamit na kailangan ko saka umalis, alam na naman na nila na kapag nawala ako ay may importante akong nilalakad. Hindi na bago ‘to sa kanila, ang pag alis ko ng walang paalam at babalik na lang ako kapag tapos na ako sa ginagawa ko. Lumabas na ako ng bahay at alam ko naman na walang makakakita sa akin ngayon dahil nasa bukid silang lahat at may inaasikaso ‘don. Kapag kasi nalaman ni Arron na luluwas ako ng maynila ngayon sasama pa ‘yon at hindi pwedeng walang maiwan kay nanay at tatay lalo na ngayon na may sakit pa si nanay at kailangan n’yang inumin ang gamot n’ya. Nang makarating ako sa sakayan ng bus ay sumakay agad ako sa byaheng papuntang Maynila at nasaktuhan naman na paalis na ‘yon kaya hindi na rin ako naghintay ng mataga