Chloe's POV:
Nang umalis na ung staff at naiwan nalang kaming tatlo nina Niki at Mrs. Gutierrez ay mabilis kong hinampas sa braso si Niki.
“Bwisit ka talaga! Ano na-enjoy mo yung pang-aasar mo sakin?” Singhal ko sakaniya. Ang loko imbis na mag-sorry, tinawanan lang ako. Bwisit talaga! “May nakakatawa ba, Niki Rook?” inis na tanong ko sakaniya.
“Meron. ‘Yang mukha mo.” Sagot niya at muling humagalpak ng tawa. IIling-iling na lang si Mrs. Gutierrez at tinawanan kami.
“Diyaan nagsimula ang lolo at lola ko, iho’t iha.” Aniya. Agad kaming ngumiwi at nag-act na nasusuka. Tumingin din kami sa isa’t-isa ni Niki at muling nag-act na nasusuka.
“Eww tita. Kadiri.” Ani Niki at mabilis na nagtago sa likod ni Mrs. Gutierrez dahil inambaan ko siya ng hampas.
“Che! Diyan ka na nga. Kala mo naman ang gwapo mong lintik ka.” Inis na saad ko at tinalikuran siya.
“Anong akala? Totoo namang gwapo ako ah. Ang dami ngang nagkaka-crush sakin sa campus eh.” Mayabang na saad niya.
“Wala akong pake.” Baliwalang sagot ko at naglakad papunta sa parking lot.
“Wala man lang goodbye kiss for your future husband, huh?” Hindi talaga marunong tumigil ‘tong kupal na ‘to.
“Isa pa talaga Rook tatamaan ka na sakin nab-bwisit na talaga ako sayo.” Ani ko at inambaan ulit siya ng hampas. Nagmamadali akong nagtungo sa kotse ko at nagtaka nang nakasunod siya saakin. “Ano? Huwag mong sabihing wala kang dalang kotse? Bahala ka diyan hindi kita isasabay!” Singhal ko.
“Huwag feelingera, Valencia. Andito ang sasakyan ko.” Okay. Napahiya ako doon ng mga 5%.
Hindi nalang ako sumagot pa dahil baka lalo akong mapahiya. Kawawa naman yung natitira kong dignidad. Nagpaalam na ako kay Mrs. Gutierrez bago binuhay ang kotse ko at umalis.
Pagka-uwing pagka-uwi ko ay agad akong sumalampak sa sofa. Walang gana kong tinanggal ang suot kong 3-inched heels at itinakip ang braso ko sa mga mata ko.
“Oh, good you’re here. How’s the food tasting?” Napadilat at napaayos ako nang upo nang marinig ang boses ni mom.
“You’re here too? Tapos na meeting?’ She nodded and took a bite from the cookies she’s holding, which I guess, she baked.
“Yes. Maagang natapos ang meeting. May ibang hindi naka-attend for some personal reasons.” She explained and walked towards my seat. She sat beside em and offered me cookies. “What happened to the food tasting? Is it good? Did it go well?” She asked.
“Yup.” I said and took a bite. “The foods are amazing. And I can see the way they served me; they’re not just trying to impress me. It’s their natural way.”
“I’m glad you liked it. Anyways, here. Take a look at this. Ito yung mga gowns na nakita ko kanina. And I think pasok ‘yan sa taste mo.” She said and handed me a blue clear folder. Binuklat ko iyon at isa-isang sinuri ang mga nakitang gown ni mom. Tama siya, lahat ito ay pasok nga sa taste ko. But may kulang eh. May hinahanap talaga ako na hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag kung ano yung bagay na hinahanap ko sa isang gown, pero wala talaga dito sa mga tinitingnan ko.
“Ayun!” Bulalas ko at tinuro yung gown. Eto na. nahanap ko na! Ito na ang simple but elegant gown an hinahanap ko!
“You want that?” Mom asked and looked at the gown. I nodded and smiled at her. “Sure. I’ll give them a call. Magpahinga ka na muna. I know you’re tired.”
“Okay. Love you.” I said and walked upstairs.
“Ay anak.” Mabilis akong lumingon kay mom.
“Yes, mom?” I asked.
“I almost forgot. The wedding day was moved. Sa Friday na.” Nanghinayang ako dahil doon. “Hindi daw kasi available si father sa Sunday.” Paliwanag niya. Sayang naman, maganda sana kung linggo.
“It’s okay mom. Basta matuloy.” Sagot ko at ngumiti. Muli akong nagpaalam sakaniya at umakyat na sa kwarto ko.
Patulog na sana ako dahil na-preskuhan na ako matapos kong maligo at mag-ayos kaso biglang nag-ring yung phone ko.
“Yes, Markus?” I said after I answered the call.
“Hoy bakla ka mag-seen ka sa gc! May announcement si maam!” Sabi niya. Magsasalita pa sana ako kaso binaba na niya yung tawag. Ay bastos.
Nagbukas ako ng messenger at nag-backread sa group chat namin.
Kumunot ang noo ko matapos mabasa ang message ni Mrs. Cordova. She said we need to have a meeting tomorrow at school, 9 am sharp.
Nag-like lang ako sa message niya at in-off na ang phone ko. Kailangan kong matulog ng maaga dahil siguradong marami ulit akong gagawin bukas.
---
“Ah, Ms. Valencia. Akala ko wala kang balak siputin ang mga ka-club mo.” Salubong saakin ni Mrs. Cordova.
“Eto naman si maam. 2 minutes late lang naman ako.” Kamot-ulong sagot ko at naupo.
“Time is gold, iha. Bawat segundong nasasayang ay napaka-importante.” Aniya at umiling-iling. “Anyways, kaya ako nagpatawag ng meeting ay para sabihing simula today, this exact time, magsisimula na ulit ang practice niyo for the MathGen Competition.” Kanya-kanya kaming kumento matapos amrinig ang announcement na ito ni maam. Bakit napaka-aga naman yata?
“Maam bakit parang napaka-aga naman po ata? Hindi po ba next month pa iyon?” Takang tanong ko.
“Oh, didn’t you read the MathGen group page? Iniba na nila ang date.” Sagot niya.
“So kelan na po, maam?” Tanong ng isa sa mga ka-member ko.
“Sa Friday na.” Pareho kaming napatayo ni Veli nang nanlalaki ang mga mata/
“Sa Friday?!” Magkapanabay na sigaw namin.
“Oh, bakit parang gulat na gulat naman kayong dalawa? We still have 3 days left to practice.” Ani Mrs. Cordova at nagpaypay.
“Maam! Hindi pwede ‘to!” Sigaw ni Veli.
“Araw ng kasal ko ‘yun!” Naibulalas ko. Huli na nang ma-realize ko iyon. Agad akong napatakip sa bibig ko.
“IKAKASAL KA NA?!”