Chloe’s POV:
It’s been a week since I entered the legal stage of my life. Pasahan nalang din ng requirements for the last sem kaya medyo relax na ako since maaga kong natapos lahat ng activities.
“Eto anak? What do you think?” Mom asked and showed me another wedding gown.
Yes. It’s also been a week since we started preparing for my wedding. Punong-puno yung schedule ko simula noong nag-18 na ako. Training, observing, school, isabay mo pa itong kasal-kasalan na ito.
“That’s too much. Mas simple ma diyan, mom.” Sagot ko. Tumango siya at muling naghanap. Ang sabi ko kasi ay ako nalang pero mapilit siya. Ayaw niya akong napapagod or naii-stress lalo na’t sa linggo na ang kasal.
Biglang nag-ring ang phone ko na nasa loob ng bag ko. Ibinaba ko ang magazine na hawak ko at dali-daling kinuha ang phone.
Mrs. Gutierrez calling…
“Hello Mrs. Gutierrez?” Bungad ko pagkasagot ko. Mrs. Gutierrez is our wedding organizer, a close friend of mom and tita Nicole, mom ni Niki.
“Hello iha? Where are you?” Kumunot ang noo ko at pilit inalala ang schedule ko. Sa pagkakatanda ko ay wala akong naka-sched ngayon. So why is she asking where am I?
“I’m at the boutique with my mom right now.” I answered politely. As if on cue, mom came back in front of me, holding another gown. I raised my hand and pointed at my phone. She nodded and sat down on the sofa near her.
“Have you forgotten iha? You have your food tasting scheduled today. You said it yourself.” My eyes widened. Oh shoot! Now I remember. I do have something planned for today!
“Right! I’m so sorry Mrs. Gutierrez. I forgot about that. I’ll be there in 30.” I apologized and quickly stood up.
“Make it 20, darling. The caterers are expecting someone after our allotted time.” She said. I bid my goodbye and let her end the call.
“What is it?” Mom asked, reading the panic in my face.
“Mom, can we move this tomorrow? I forgot I have something scheduled for today. May food tasting pala kami ngayon.” Paalam ko habang inaayos ang purse ko.
“It’s okay, nak. Sige na tara na. Susunod nalang ako doon.” She said and smiled. I kissed her cheek and ran towards my car. Yes. I have my own car now, it’s a present from mom and dad. Don’t ask how and who taught me how to drive. It’ll be another long story.
May sarili ding dalang sasakyan si mom dahil ang usapan sana namin after maghanap ng gown ay de-deretso siya sa company dahil may board meeting daw sila.
Mabilis kong pinaandar ang kotse ko at nag-drive papunta sa meeting place. Mabuti na lang at hindi ganon kabigat ang trapiko ngayong araw. Panay ang tingin ko sa digital clock ng kotse ko habang nagmamaneho.
“I’m here!” I announced. I bent down, placing both my palms on my knees, catching my breath.
“Oh, thank goodness darling—did you run?” Mrs. Gutierrez and guided me towards one of the chairs. She asked one of the staffs for a glass of water.
“Yeah. The parking lot’s far.” I said and accepted the water. After some time of catching my breath, it finally evened ang came back to normal.
“Let’s start.” I said with a smile. As if on cue, I heard footsteps behind me, walking towards our direction, I guess.
Saktong paglingon ko ay nakita ko ang mala-imapktong mukha ni Niki. Nakangisi at nakapamulsa siyang naglalakad patungo sa direksyon namin.
“Anong itinatawa-tawa mo diyan?” Inis na tanong ko.
“Pfft. Wala. By the way, you look good today.” Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan siya nang nakangiwi. “Mukha kang basang sisiw.” Aniya at biglang humaglpak nang tawa.
“Kesa naman sayo mukhang taong grasa.” Balik ko at inirapan siya. “Oh, magpunas ka! Nakakahiya ka ang dumi-dumi mo. Saan-saan ka ba kasi nagsusuot?!” Singhal ko at inabutan siya ng extrang bimpo na nasa bag ko. Tinanggap niya iyon at mas lalong ngumisi.
“Naks ang alaga at caring naman ng future wifey ko. Lika nga dito.” Pang-aasar niya at akmang yayakapin ako. Mabilis akong yumuko at lumusot sa gilid niya kaya muntin pa siyang masubsob.
“Why can’t you keep your mouth shut, Rook? Mas madaldal ka pa kaysa saakin.” Seryosong tanong ko at tumayo nang deretso. Muli akong bumalik sa tabi ni Mrs. Gutierrez at pinagkrus ang mga braso ko.
“Excuse me, Mrs. Rook.” Sa hinid maipaliwanag na dahilan ay bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko nang tawagin akong Mrs. Rook ng isa sa mga staff.
“Rinig mo ‘yon? Mrs—” Agad kong pinutol si Rook sa akmang pang-aasar nanaman niya.
“We’re not yet married. It’s still Ms. Valencia.” I said and smiled. The staff immediately apologized.
“I’m so sorry, Ms. Valencia, Mr. Rook. Please, follow me.” She said and started walking. Tiningnan ko nang masama si Niki bago sumunod kay Mrs. Gutierrez at dun sa staff.
“It is an honor to serve at your wedding day, Ms. Valencia and Mr. Rook. We will serve the best food and best service we can.” The staff said. She started talking about their available foods, starting from the main course, up to the desserts. Dinala niya kami sa isang malaking kwarto. She pressed something and the door at the other side of the room opened. May mga lalaking pumasok na may tulak-tulak na malaking table.
Isa-isa nilang tinanggal ang mga takip at inayos ang mga ito. Mrs. Gutierrez motioned for us to start. Sinanggi ako nang mahina ni Niki at sinenyas na lumapit na ako. Sinamaan ko siya at pasimpleng hinampas siya. Ngumisi ako nang makitang ngumiwi siya.
Lumapit ako sa isa sa mga putahe at tiningnan muna ito. Inabutan ako ng kutsara ng isa sa mga nagse-serve. Ngumiti ito saakin kaya ngumiti din ako sakaniya. Nang tikman ko ang pagkaing nasa harapan ko ay nilasahan ko ito ng ilang segundo bago tumango-tango.
Muntik pa akong mapaigtad nang makaramdam ng brasong pumupulupot sa bewang ko at hinila ako palayo.
“Niki!” Pabulong na singhal ko sakaniya.
“Bilisan mo may next client pa sila. Nakikipag ngitian ka pa diyan.” Aniya at sinungitan ako. What the heck?! Galing netong lalaking ‘to ah!
“Walang malisya ‘yun t*nga.” Sagot ko. “At tsaka hindi mo pa natitikman.” Sabi ko pa.
“You choose the food. Ikaw na bahala.” Aniya at umiwas ng tingin. Kinunotan ko siya ng noo pero lumingon ulit siya saakin at tinaasan ako ng kilay.
“Isa pang taas ng kilay na ‘yan aahitin ko talaga ‘yan.” Banta ko at umalis sa pagkakahawak niya.
---
Halos lahat ay natikman ko na at nasa dessert section na kami. May isang cake na nakakuha ng attention ko kaya mabilis ko itong nilapitan. Muli akong inabutan ng for ng isa sa mga staff. I took a piece of cake and placed it inside my mouth. I hummed in satisfaction before looking at Niki and giving him a thumbs up.
He leaned forward and opened his mouth. I raised my eyebrow at him and handed him the fork.
“My hands are dirty. Subuan mo ko.” He said and showed his hands. Tiningnan ko siya ng masama at inirapan. In the end wala din akong choice kundi subuan siya.
“Oh, eto na po mahal na señorito. Ibuka niyo na po ang bibig niyo.” Sarkastikong sabi ko at itinapat ang tinidor sa bibig niya. Nginisihan niya muna ako bago ibinuka ang bibig niya. Pinigilan ko ang sarili kong isalaksak sa lalamunan niya ang tinidor na hawak ko. Kung makangisi kala mo nanalo sa lotto.
Tumango-tango siya at nag thumbs up din. Nawala ang pagkakaunot ng noo ko at napalitan ng ngiti dahil sang-ayon siyang masarap nga yung cake.
“Thank you so much maam. Congrats in advance!” The staff said and waved at us.