LaC 020

1831 Words
Chloe’s POV: “NIKI ROOK YUNG NILULUTO MO NASUSUNOG NA!” Gigil na sigaw ko habang inaapula ang apoy na nanggagaling sa niluluto ng kumag na ‘yun. Pinatay ko ang stove at yung gaas at pinagpag gamit ang basang tela yung apoy. “Sh*t! Nakalimutan ko!” Humahangos na saad niya. Nang masigurong wala ng apoy ay tsaka ko siya hinarap at sakaniya ko naman ihinampas ang basang tela. Nanlilisik ang mga mata ko habang hinahampas samantalang siya naman itong hindi magkanda-ugaga kaka-iwas. “Aray naman Chloe! Masakit!” “Ayan! Kaka-ML mo ‘yan! ML pa! Muntik mo nang masunog yung kusina natin!” Gigil na singhal ko sakaniya. Tumigil na ako sa paghampas sakaniya dahil nangangawit na ang braso ko at hinihingal na din ako. “Kumalma ka nga! Hindi naman nasunog, di ba? Huwag ka nang magalit!” Katwiran niya kaya lalong uminit ang ulo ko. “Eh kung ipakain ko sayo ‘yang ML mo?! Ha?! Bakit, kapag na-victory ka ba diyan maibabalik mo sa dati yung niluluto mong tutong na sa sobrang sunog?! Nagsasayang ka ng hotdog! Kung hindi pa ako bumaba malamang hindi lang yung hotdog at kawali ang nasunog mo kakalaro ng ML!” Muling singhal ko sakaniya at inambaan siya ng hampas. Humarap ako sa kalan at naawa sa halos itim na hotdog. Kawawang hotdog. May your meat rest in piece. “Kasalanan ko bang nagyaya sila insan—“ “Ayan sige! Mangatwiran ka! Linisin mo yung kalat mo dito!” Singhal ko sakaniya at nag walk out. Nakita ko pa ang pagkakamot niya ng ulo bago sumunod sa ipinagawa ko. “Tch. Masyadong highblood.” “May sinasabi ka, Rook?” Muli akong humarap sakaniya nang marinig kong bumubulong siya. Humarap din siya saakin nang nakangiti. “Wala po, Mrs. Rook.” Aniya at nilakihan ang ngiti. Ngumiwi ako sa itsura niya bago siya inirapan. “Tumigil ka sa kakaganyan mo. Mukha kang aso.” Ani ko at tuluyang lumabas ng kusina. Sakto naman ay tumunog ang doorbell. Inayos ko muna ang sarili ko bago naglakad palapit sa pintuan at binuksan ito. “Tita—I mean mom! Napadalaw po kayo?” Bati ko sa mom ni Niki, na mom ko na din ngayon? Ay basta. Hindi pa din ako sanay na tawaging mom and dad ang parents ni Niki. Nakakapanibago. Ganito naman siguro ang natural na pakiramdam ng mga bagong kasal, hindi ba? “Ah, good morning iha! Did we wake you up?” Mom Nicole asked. I immediately shook my head and smiled at her. “No, mom. Saktong kakagising ko lang din po. Pasok po kayo.” I said and stepped aside as I let them enter the house. “Kamusta ang unang gabi—what is that smell?” Dad Kiel said and sniffed the air. Ngumiwi at tumingin sa kusina. “Uhm…your son, he…burned the kitchen—“ “Hoy! Grabe ka! Hindi ko sinunog yung kusina natin!” Agad na depensa ni Niki na naglalakad na ngayon palapit sa parents niya. “What’s your reason this time?” Nakangiwing tanong ng mom niya. Kamot-ulong bumeso siya sa nanay niya at niyakap naman ang kaniyang tatay. “Naglalaro po ‘yan ng ml kasama si Mikael.” Sagot ko at sinamaan siya ng tingin. Nakatanggap din tuloy siya ng batok mula sa mom niya. Ayan deserve. “Aray ko naman ma!” Agad an reklamo ni Niki pero pinandilatan lang siya ng mata ni mom Nicole. Tanging paghimas nalang sa spot na tinamaan ni mom Nicole ang nagawa niya. “Ano ba naman ‘yan anak ang tanda mo na nakakasunog ka pa din ng mga niluluto mo.” Sermon naman ni dad Kiel. “Sorry na nga. Anyways, have you guys eaten na?” Niki asked. “I’ll go prepare po muna.” I said and was about to walk away pero agad din nila kaming pinigilan. “No need, iha. Kumain na kami. We came here to drop these.” She said and showed the plastic bags at the door. Napatango ako at ngumiti. “Naisip kasi namin na baka pagod kayo from yesterday and don’t have time to buy groceries so we did it for you instead.” Dad Kiel said and smiled. “You didn’t have to do that, mom, dad.” Niki said kaya pasimple ko siyang siniko. “What he meant to say is thank you so much.” Nakangiting saad ko ang tumingin kay Niki bago siya pinandilatan ng mata. Ngumiwi siya dahil doon. “Yeah, thanks. Sure ba kayong ayaw niyong kumain dito?’ Tanong niya. Umiling naman sina mom Nicole at dad Kiel. We tried convincing them but they insisted that they’re not hungry. Nagtagal pa sila nang ilang minute bago nagpaalam dahil may pupuntahan pa daw sila. “Hindi ba’t may schedule din kayo ngayon? Anong oras ‘yun? Baka gusto niyong sumabay na saamin?” Dad Kiel offered. “Pictorial for the front page ng LADC Magazine, 10 am. But sa isang araw pa po iyon.” Sagot ni Niki. “Tita Laine asked us if we could be their front page for the rest of the week. I can’t say no, pero gusto ko sana next week na. Kaso may naka-reserved na daw next week.” Ani Niki at bakas ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Maski ako ay gusto ko lang sana magpahinga ngayong week kaso mukhang minamadali ata kami ng lahat. “Ah, ganun ba? Well then, aalis na kami. Take care, both of you. I’ll send some of our maids here to help you with the household. I hope both of you can adjust and adapt easily with your new environtment. Bye!” Paalam na ni mom Nicole bago sila umalis. Hinatid namin sila sa labas at tinanaw ang papalayong kotse nila. “Bukas yung pictorial?” Agad na tanong ko. Paglingon k okay Niki ay taka siyang nakatingin saakin. “Bakit parang hindi mo alam?” Nagtatakang tanong niya. “Dahil hindi naman talaga. You didn’t tell me. Wala ding nakalagay sa schedule ko bukas.” Ani ko. I took my phone out of my pocket as we walked inside the house. Ipinakita ko sakaniya ang Reminder app ko at wala talagang nakalagay doon. “I’m sure I told you that.” He said with a shrug. “Makakalimutin ka na talaga.” Dagdag niya pa. “I’m not! Especially when it comes to situations like this. Ikaw ang makakalimutin dahil hindi mo nasabi saakin!” I said. Nagsisimula nang uminit ang ulo ko dahil ipinagpipilitan talaga niyang sinabi siya saakin kahit na wala naman talaga! “I’m 100% sure I told you that. Dahil right after sinabi saakin ay sinabi ko din kaagad saiyo.” Pilit niya. “Sige nga, kailan mo sinabi?” Tanong ko sakaniya. Tumahimik siya at nag-isip. Pinagkrus ko ang braso ko at hinintay siyang makasagot. “Nung Friday. Sinabi ‘yun saakin nung Friday, yung secretary pa nga ni tita Laine ang nag-email saakin. Finorward ko ‘yun saiyo.” Aniya. Binuksan ko ang phone ko at chineck ang mga emails saakin. Pero ni isa walang galing kay Niki. “Wala.” Sabi ko at muling ipinakita sakaniya ang phone ko. Kumunot ang noo niya. “Huh? Pero…sinabi ko ‘yun.” Sinamaan ko siya ng tingin. Tignan mo ‘to ipipilit pa. “Anak ng…sinabi ngang wala! Ayan oh may patunay! Wala kang sinabi, wala!” Singhal ko sakaniya at tuluyang pumasok ng bahay. Dumiretso ako sa sala at inayos yung mga groceries. “Wala na kung wala. Eh ano bang ipinuputok ng buchi mo diyan at galit na galit kang hindi nasabi sayo? Bukas pa naman yun ah!” Katuwiran niya. “Oo nga, bukas pa, pero may lakad ako bukas.” Saad ko at muling tumayo para dalhin sa kusina ang groceries. “I-move mo nalang ‘yan. Bakit kasi gumawa ka ng appointment bukas. Saan ba ‘yan? Makakapaghintay naman siguro—“ “Eh kung alam ko lang na meron tayong naka-schedule bukas edi sana hindi ako nag-schedule bukas!” Galit na saad ko at humarap sakaniya. “Oh, bakit nagagalit ka nanaman?” Inis na tanong niya. “Kasi importante yung kailangan kong i-move, Niki! Napaka-importante!” Sagot ko at sinamaan siya ng tingin. “Can you please stop shouting at me?! I’m not deaf!” Singhal na din niya. “You’re the one shouting at me!” Tumalikod nalang siya at napabuga ng hangin. Ganun din ang ginawa ko para palihim na punasan ang luhang tumulo galing sa mata ko. D*mn why am I crying at this? “I’m sorry. Huwag ka nang umiyak diyan.” Rinig kong sabi niya. Pinunasan ko ang mukha ko at nagpatuloy sa pag-aayos. “Hindi ako umiiyak.” Sagot ko nang hindi siya hinaharap. Ngunit nanigas ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko at iharap sakaniya. “Hindi daw umiiyak pero namumula yung mata.” Aniya. Bilang lumawak ang ngisi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Ayan oh tulo pa sipon m—“ “T*rant*do.” Sabi ko at hinambas sa ulo niya yung karton na hawak ko. Nagsimula siyang humagalpak ng tawa na akala mo ay pinatawa ng clown. “Masamid ka sana.” Bulong ko at muling humarap sa counter. “P-pero eto seryoso na. Saan ba ‘yang lakad mo na ‘yan?” Nagseryoso siyang bigla kaya humarap ulit ako sakaniya. Punong-puno ng kuryosidad ang mga mata niya at talagang mahahalatang interesado siya. “Sa bahay ampunan. Near downtown.” Maikling sagot ko. Tumagilid nang kaunti ang ulo niya. “Hindi ba’t doon kayo palagi nagpupunta ni Molina? Every anniversary?” I squinted my eyes at him. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang tinatanong niya kung bakit ganon ang reaksiyon ko. “How did you know that?” Nagtatakang tanong ko. “Your boyfriend is an extrovert person who likes to post everything that’s happening in his life.” Sagot niya. “Naka private account siya, Rook. Paano ka nakapasok sa account niya?” Tanong kong muli. “I...we’re mutual before he decided to change his account.” He answered and looked at the kitchen counter. “So, bakit mo siya fina-follow—“ “Correction, siya ang nag-add saakin. I’m just being kind so I added him too.” Depensa niya. Ngumisi lang ako dahil napaka defensive niya. “Chill. You sound defensive. Kung nasa korte ka lang, kanina ka pa nahatulang guilty.” Sabi ko at tumawa. “I’m not guilty and defensive. I’m explaining the situation.” Sabi niya at inirapan ako. Tusukin ko kaya mata neto? “Anyways, ang tanong, naka move on ka na ba?” I stopped for a few moments. Napaisip din ako sa sinabi niya. “What do you mean? Of course! Magpapakasal ba ako sayo kung hindi.” Sagot ko. “We’re married for business, Chloe. Remember that. We’re not in love.”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD