Chloe's POV:
“15 π centimeters.” Nanlaki ang mata ko matapos marinig ang sagot nila. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang tense at excitement. Pwede pa kaming manalo! May pag-asa pa!
“15 π…is wrong. Squadratics, what’s your answer?” Lahat sila ay napatingin sa grupo namin. At ang mga ka-grupo ko naman ay sabay-sabay na tumingin saakin. Sinenyas nilang ako ang sumagot with matching tango at ngiti pa.
“10 π centimeters.” Nanginginig ang boses ko nang magsalita ako, pero wala na akong pake. Lalong humigpit ang hawak namin sa isa’t isa ni Veli at hinintay ang sagot ng emcee.
“10 π centimeters…is correct. Congratulations, Squadratics of Easton International School.”
Hindi namin napigilang mapasigaw ni Veli at mapayakap sa isa’t-isa. The judges went up the stage and congratulated us. After that, they gave the trophy to us and took photos. Pagkatapos na pagkatapos ng pictorial ay nagmamadaling tumakbo ako pababa ng stage.
Sinalubong ako ni Niki nang nakangiti. Oh, he’s smiling? Not smirking?
“We won! We won Rook!” Tuwang-tuwang saad ko at hindi napigilang mapayakap sakaniya. I could feel him he froze for a few seconds before tapping my head.
“Y-yeah. Congrats. Now, let go.” He said and slightly pushed me by my forehead. Natauhan naman ako at kumalas. Kusa akong apatingin sa wristwatch ko.
“Hala tara na! 1:15 na!” Sabi ko at naunang tumakbo palabas. Magkasabay kaming tumakbo ni Niki palabas ng auditorium. Nakasabay ko pa ang naglalakad na si Veli at ang parents niya. Hindi ko na sila nabati pa dahil sa sobrang pagmamadali.
“Oh.” Inabot saakin ni Niki yung helmet kanina. Tinulungan niya ulit akong umangkas bago siya sumakay at paandarin ang motor niya. Muntik pa akong mahulog dahil doon mabuti nalang at nakahawak ako kaagad sakaniya.
Mas mabilis ang takbo niya kaysa kanina at talagang parang nakita ko ng naghe-hello saakin ang langit.
“Bilisan niyo.” Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa simbahan. Hawak-hawak ni mom ang kamay ko at hinila na palayo kay Niki. Ipinasok nila ako sa isang kwarto kung saan may tatlong babaeng naghihintay saakin. Tinutukan nila ako ng electric fan at pinaupo sa isang stool. Sabay-sabay nilang inayos ang mukha, buhok at kuko ko. Ilang minuto ang tinagal niyon bago ko nasuot ang gown. Hindi ko na tinanggal yung slacks na suot ko sa ilalim. Inayos din nila ang veil bago ako tinulungang makalabas. Muntik pa ngang makalimutan yung sapatos ko dahil sa sobrang pagmamadali.
“Ayos ka lang? Komportable ka ba? May makati? Masikip?” Sunod-sunod na tanong ni mom. Sinalubong ako ni dad ng yakap at halik naman sa noo kay mom.
“Mom, I’m fine. Chill. Okay?” I said and laughed. Tumango siya at huminga din ng malalim. Saktong Pagtayo namin sa harapan ng simbahan ay 1:30 na. Tumunog ang kampana at unti-unting bumukas ang pintuan.
A Better Together by Jack Johnson piano version was played as I walked down the aisle. Everyone stood up and looked at us, at me to be specific. I smiled at my teammates, who waved at me. Parang mga tangang kinikilig ang mga ito kaya natawa ako.
Sunod kong nakita ay si Avelia na nakangiti nang malaki. Nag-thumbs up pa siya at halos matapilok ako dahil ngumuso siya at kunwaring may kini-kiss. Loka talaga.
Muli akong tumingin sa harapan at huminga ng malalim. Oh my gosh. This is it. There’s no turning back now.
Nang marating namin ang dulo at dahan-dahang kumalas sina mom and dad saakin. Sinalubong kami ni Niki. Nakipag-kamay siya kay dad at bumeso naman kay mom bago hinawakan ang kamay ko. Napasinghap ako dahil sa lamig ng kamay niya. Pinigilan kong ngumisi dahil pasimple niya akong sinamaan ng tingin.
“Don’t you dare.” He whispered. Tumango lang ako at kinagat ang ibabang labi ko. Kinakabahan din si t*nga!
Sabay kaming naglkad palapit sa latar, sa harapan ng pari.
“Welcome family and friends. We are gathered here today to witness and celebrate the marriage of Chloe Valencia and Niki Rook. This is not the beginning of a new relationship but an acknowledgment of the next chapter in their lives together. Chloe and Niki have spent years getting to know each other, and we now bear witness to what their relationship has become. Today, they will affirm this bond formally and publicly.”
Tahimik kaming nakikinig sa mga sinasabi ng pari. Nakasukbit parin ang braso ko kay Niki. Matapos ang ilang minute ay naupo kaming dalawa sa nakalaang upuan sa amin.
The whole time they were talking, hindi ako mapakali. Parang sinilihan yung pwet ko at parang gusto kong mag-cr. Jusko po, matagal pa ba?
Naka-attend na ako sa mga kasal dati, pero hindi ko na-imagine na ganito pala ang feeling ng ikasal. Ni hindi ko nga na-imagine na ikakasal na agad ako eh. Iba ang naiisip kong pangyayari once I turned 18 kesa sa pangyayari ngayon.
Sabi nga nila, expect the unexpected.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang dumating na ang exchange of vows. Ay jusmiyo. Tulungan niyo po ako.
Unang nagsalita si Niki. Hawak niya ang kamay ko at nakatingin ng deretso sa mga mata ko.
“Chloe, I promise to cherish you always, to honor and sustain you, in sickness and in health, in poverty and n wealth, and to be true to you in all things until death alone shall part us.” He said that naturally. As if hindi iyon scripted. Nuxx, galing naman um-acting.
“Niki, I promise to cherish you always, to honor and sustain you, in sickness and in health, in poverty and in wealth, and to be true to you in all things until death alone shall part us.” Mabuti nalang at hindi nanginig ang boses ko. Dahil kabang-kaba na talaga ako. Ngumiti siya kaya automatic na napangiti din ako. Ang lakas makahawaka ng ngiti niya eh.
Th ring bearer brought the ring to us. We took it and held it.
“With this ring I, Chloe, take you, Niki, to be no other than yourself. Loving what I know of you, and trusting you what I do not yet know, I will respect your integrity and have faith in your abiding love for me, through all our years, and in all that life may bring us.” I said as I slip the ring to his ring finger.
“With this ring I, Niki, take you, Chloe, to be no other than yourself. Loving what I know of you, and trusting you what I do not yet know, I will respect your integrity and have faith in your abiding love for me, through all our years, and in all that life may bring us.” Kagaya nang ginawa ko ay sinabi niya ang mga salitang iyon habang isinusuot sa palasingsingan ko ang singsing.
Nang maisuot niya iyon saakin ay tila may kung anong tinik ang nabunot sa dibdib ko.
“By the power vested upon me, I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride.”
Naghiyawan ang mga tao nang dahan-dahang i-angat ni Niki ang veil ko. Napalunok ako at naipikit ang mga mata ko nang unti-unting lumapit ang mukha niya saakin.
Hanggang sa may naramdaman akong malambot sa noo ko kaya automatic na idinilat ko ang mata ko. Nakangisi siyang nakatingin saakin. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya kusa na akong nag-iwas ng tingin. Mabuti nalang at nilagyan ako ng blush on nung make-up artist kanina kaya hindi masyadong halata yung pamumula ng pisngi ko.
Naunag naglabasan ang mga guests bago kami lumabas ni Niki. Paglabas namin ay nagsaboy sila ng mga flower petals habang nagpapalakpakan.
Agad kaming pinasakay sa kotse nila Niki. Papunta na kami sa reception kung saan magka-kainan at kung ano-ano pa.
“That was something.” He said as he loosens his tie a bit. Napabuga din ako ng hangin at sumandal sa upuan.
“Your hands are cold.” Wala sa sariling saad ko. Napatingin siya saakin bago na-realize kung ano yung tinutukoy ko. He chuckled a bit.
“So as yours. Guess we’re both nervous.” He stated, looking outside the window. It’s a good thing kuya Obet is our driver. Kaya malaya kaming makakapag-usap ni Niki without hiding or pretending to be anything or anyone at all.
“I never imagined getting married at a young age.” I said. Nagkibit balikat siya.
“Well, I expected this. Coming from a family with a big business, arranged marriage is not unexpected.” He said with a shrug. I nodded and looked outside.
Yeah. He’s right. Napaka-common an sa isang pamilyang namamahala ng napakalaking business ang arranged marriage, lalo na kung gusto ng dalawang kumpanya mag-merge, o pagtibayin ang partnership.
But in my opinion, I think it’s unfair for the one who’s going to get married to someone they don’t know, or if thy do know this person, maaring hindi naman nila mahal. Marriage is something serious. It should be done by two people who loves and cherish each other. Hindi dapat ginagawang dahilan o paraan para sa sariling Kagustuhan.
In my part, yes, I think it’s a bit unfair for me. I wanted to do a lot of things once I turned 18. Especially because once I turned 22, I will be tied with the company works. Makahanap man ako ng time para magawa ang mga gusto ko, mababa lang ang tiyansa.
“Huy. Tulala ka nanaman. Ang panget mo mag-zone out.” Sinamaan ko ng tingin si Niki at hinampas. Ang kapal ng mukha neto kala mo napakagwapo niya.
Well, he does look good in a suit. But definitely not my type. Eww.
Bago ko pa man siya masinghalan ay nauna siyang lumabas ng sasakyan. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni kuya Obet at inalalayang makababa. Ngumiti ako at nagpasalamat sakaniya. Tumabi naman saakin si Niki na nakangisi nang mapang-asar.
“Ang sarap mong ingudngod, alam mo ba ‘yun? Sana matapilok ka.” Sarkastikong bulong ko at nginitian siya ng matamis.
“Kapag natapilok ako, my dear wife, damay ka dahil nakahawak ka saakin.” Aniya at ngumiti din ng matamis. Nginitian ko siya ng sarkastiko bago inirapan. Bwisit talaga.
Pagpasok namin sa reception ay binati agad kami ng mga guests. May mga nagbigay ng regalo, speeches, pakimkim, and of course, the dance.
The party went well. Pero nakakapagod pa din kahit na nakaupo lang naman ako. Ikaw kaya magsuot ng mabigat na gown, tapos hindi ka komportable. Tapos dapat always kang naka-smile dahil there are cameras everywhere!
Like what your husband said, expect all of this. For you are the daughter of the rank 1 beverage company.
Napangiwi ako. Did the other side of my brain call Niki ‘your husband’? Oh my gosh. Hindi ko kinaya iyon at napangiwi na lamang.
Maagang natapos ang party dahil may pupuntahan din kami bukas. Kahit na ikinasal na kami’t lahat-lahat, hindi pa din ubos ang laman ng schedule namin for this month.
“Hoy ano? Diyan ka matutulog? Tayo na.” Sabi ni Niki. Naupo kasi ako sa bench malapit sa front door ng ‘bahay namin’. Nakakapagod jusmiyo!
“Teka lang naman ang bigat ng gown ko. Matutong maghintay, Rook.” Walang enerhiyang saad ko at ipinikit ang mga mata ko.
Ngunit agad ding dumilat at napatili nang maramdamang bigla akong umangat.
“Putcha! Hoy ibaba mo ako! Marunong akong maglakad!” Singhal ko at hinampas siya. He carried me bridal style like I weighed nothing!
“Mrs. Rook…” Ngumiwi ako at napairap. “Didn’t you know? Ito daw ang ginagawa ng mga bagong kasal bago sila pumasok ng kanilang tahanan. So be quiet.” He said and walked in. Napakadilim sa loob. Ni isang ilaw ay walang nakabukas. Akala ko nga ay walang bumbilya itong bahay or brown out.
Pero natulala ako nang buksan ni Niki ang ilaw at tumambad saakin kung gaano kaganda ang kabuuan ng first floor. Ang aesthetic ng dating!
“Ibaba mo na ako. Kaya kong maglakad.” Sabi ko at tinapik sa balikat si Niki.
Walang salitang ibinaba niya ako. Tinanggal ko kaagad yung heels ko at patakbong sumalampak sa sofa. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya ngunit hindi ko na iyon pinansin.
“Umakyat ka na sa kwarto mo para makapag-pahinga ka na.” rinig kong saad niya. Napansin kong parang ang hina ng boses niya at parang nasa malayo siya.
Paglingon ko ay nakita ko siyang nasa kusina at nahaharangan ng bar. Bumalik siya sa harapan kong may hawak na baso ng tubig. Inabot niya iyon saakin at muling bumalik sa kusina.
Walang pag-aalinlangang ininom ko iyon dahil uhaw na uhaw na din talaga ako.
“You need help?” He asked when he saw me walking towards the stairs. Umiling lang ako at dere-deretsong umakyat. Pero abgo pa man siya tuluyang mawala sa paningin ko ay muli akong sumilip.
“Good night.” Ani ko at tumuloy na sa pinakamalapit na kwartong nakita ko.