Chloe's POV:
One month later…
Okay. This is it. 2 weeks until the competition.
I finished reviewing the whole algebra textbook last month. Dinagdagan ko ito ng ilan pang textbook mula sa library namin. You know, for stock knowledge. And finally! I can spend my free time with Aaron!
I dialed his number and waited for him to answer. Nakakailang ring na pero hindi pa rin siya sumasagot. Sinubukan ko ulit ito ng pangalawang beses, ngunit ganon pa din. I tried if for the third, fourth, fifth, tenth time pero hindi talaga niya sinasagot. Maybe he’s busy.
“Anak! Tara na—oh, why the long face?” I looked at my mom who’s standing outside my room and forced a smile.
“It’s nothing. Tara na ba?” I said and stood up. She pouted and went in my room before closing the door. She sat on my bed and tapped the space beside her. Mabilis akong naupo doon at sumandal sa balikat niya.
“What’s wrong honey? Did you and Aaron fight?” She asked. I smiled a little. She really knows all of the reasons why I’m sad.
“No mom, we didn’t fight. It’s just that I miss him so much. Kasi nga diba nasubsob ako sa pagre-review kaya we couldn’t spend quality time together. And ngayon naman na free na ako, siya naman ang hindi ko ma-contact.” Malungkot na pahayag ko. Bumuntong hininga si mommy at hinimas ang ulo ko.
“Maybe he’s busy. Kasi diba starting to handle their business na.” She said. Napaupo ako ng maayos at takang tumingin sakaniya.
“Wait, he is?” Gulat na tanong ko. Confusion can be read in her face.
“Yes. He didn’t tell you that?” I shaked my head. Bumagsak ang balikat ko at parang nanghina bigla.
“H-he didn’t. Gosh sabi ko na nga ba eh. Masyado nanaman akong natutok sa pag-aaral at hindi na ako updated sa mga pangyayari sa paligid ko. Sa sobrang busy ko hindi na niya nasabi saakin.” Sabi ko at napahawak sa sentido ko.
Every night before I get to sleep, I always wait for him to call, or to send me a message. But last month simula nang magsimula akong mag-review, wala an akong narinig tungkol sakaniya. At first, I thought baka ayaw niya lang akong maistorbo kasi alam niya kung gaano ito ka-importante para saakin. Pero unti-unti, nakakaramdam na ako ng…panlalamig. Posible kayang…
No! Chloe don’t think like that. Ayaw ka lang maistorbo ng tao. He knows you need a lot of rest so you can still be healthy. And talking to you will take away the time you need to lend for your rest.
Tama. Ganun na nga. Hindi siya nanlalamig. Sadyang mabait lang siya at caring kaya ayaw ka niyang maistorbo.
“Alam mo, salon lang ang sagot diyan kaya tara na at baka ma-late tayo sa appointment.” Sabi niya at hinila ako patayo. Ngumiti ako at hinayaan siyang hilahin ako.
“Hon, aalis muna kami ni Chloe. Bye!” paalam ni mom kay dad anng madaan namin siya sa salas na nagbabasa ng dyaryo hbang sumisimsim ng kape.
“Go on. Don’t spend too much hon. Ingat kayo! Pasalubong ko ah.” Bilin niya.
“Yes po I won’t spend too much.” Sabi ni mom at lumabas na ng bahay. “Chanel or Gucci?” Biglang tanong saakin ni mom.
“I can hear you!” Sigaw ni dad mula sa loob ng bahay. Pareho lang kaming natawa ni mom bago sumakay sa kotse niya.
“Kuya obet sa mall tayo.” Sabi ni mom sa driver. Tumango lang si kuya Obet ay sinimulang paandarin ang kotse.
“So, after ng salon, ano na gagawin natin?” Tanong saakin ni mom. Nagkibit balikat ako.
“Mom you know where I always go.” I said and laughed. She also chuckled.
“Of course. Baka sakin ka nagmana. National Bookstore for the win! Then after that let’s go sa SB.” She said.
“Mom, dad said don’t spend too much.” Paalala ko sakaniya sa bilin ni dad.
“I’m not spending too much naman ah. At tsaka it’s my treat to you for studying hard and making us proud.” Nakangiting saad niya.
“Mom don’t tell me you’re going to start your emotional speech again. Please next week pa ang birthday ko. Save it mamaya niyan wala ka nang masabi sa mismong araw ng birthday ko eh.” Sabi ko at tumawa. Natawa lang siya bago tumitig saakin.
“My little girl is growing up so fast. Dapat pala hindi na kita pinag-cherifer nung bata ka.” Sabi niya. Natawa nalang ako, pati si kuya Obet.
“Eh maam kung hindi niyo po pinag-cherifer iyang si Chloe edi lumaking bansot ‘yan.” Sumimangot ako at nagkunwaring galit.
“Ay wala hindi na kita bati kuya Obet. Sumbong kita kay Ate Delia.” Sabi ko. Napakamot nalang siya sa ulo bago tumawa.
“hala ka kuya Obet lagot ka kay Ate Delia.” Pananakot ni mom sakaniya. Pare-pareho kaming tumawa. Si kuya Obet ay matagal nang nagt-trabaho kela mom. Nagsisimula palang sina mom and dad bilang mag-asawa ay andiyan na siya. Pati ang kaniyang asawa na si Ate Delia na siyang nag-alaga saakin.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating kami sa mall.
“Tatawagan ka nalang namin kuya Obet. Ingat ka pauwi.” Ani mom at nagpaalam na. Dumiretso agad kami sa salon. Muntik pa akming ma-late, buti nalang at maluwag ang escalator dahil walang masyadong tao.
Isang oras kami sa salon. Hindi naman nakakainip dahil kasama ko si mom. Nagpaayos kami ng buhok, nagpa-mani-pedi at nagpa-facial treatment. Nung una nga ay nagtaka pa ako. Diba ang salon ay para sa hair treatment lang? De joke.
“Grabe ang lakas maka-refreshing sa pakiramdam ah.” Kumento ni mom habang naglalakad kami papuntang NBS. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Para bang nawala lahat ng stress na naramdaman ko last month dahil sa treatment na ginawa saamin.
“Dito lang ako stationary section. Let’s meet at the counter.” Sabi ni mom at nagpunta na sa stationary section. Ako naman ay dumiretso sa fiction novels section. Tumingin-tingin muna ako sa buong shelf bago kumuha ng mga librong nakakuha ng interes ko.
“Oh, the nerd’s here. Tired of math already and decided to live in a fiction world?” I rolled my eyes before facing Niki.
“Talagang hindi mo ako titigilan ano? Lumayas ka sa harap ko bago ko ihampas saiyo itong mga librong hawak ko.” Sabi ko at tinalikuran siya. “Bakit nga ba hanggang dito nakakarating ka?” Tanong ko. I silently scolded myself for asking him that question. Nagmumuha tuloy interesado ako sakaniya.
“My girlfriend leaves near here. We went on a date.” Sagot niya.
“Ay, may girlfriend ka pala? Buti natitiis niya ‘yang nakakabwisit mong ugali.” Bulong ko. “And where is she?” I asked again. I almost slap myself for asking another question. Seriously, Chloe? Kailan ka pa naging interesado sa impaktong ‘yan?
“Why are you so interested, Valencia? Are you jealous?” Tanong niya. Inirapan ko siya at hindi na sumagot pa.
Saktong nahagip ng mata ko ang nag-iisang librong nakalagay sa pinakadulo ng shelf. The cover is interesting, so I walked towards it and was about to take it when someone grabbed it.
“I touched it first, so it’s mine.” Niki said. I glared at him.
“I saw it first o give it to me.” I said and held out my hand. He only smirked and leaned forward.
“Ayoko nga.” Bulong niya. I leaned forward too and smiled sarcastically.
“F*ck you Rook.” I whispered and left him there. Saktong naghihintay na din si mom sa counter.
“Who’s that guy? Do you know him?” Mom asked as soon I got close t her. Nilagay ko sa counter ang mga libro bago sumagot.
“A schoolmate of mine. The president of the other math club.” Sagot ko.
“Oh, he’s handsome. Is he single?” Ngumiwi akong tumingin sakaniya.
“Mom! Seriously? I have a boyfriend.” I answered.
“Jeez I was just kidding! Pero seryoso ha ang gwapo niya.” Bulong niya. I also heard her giggle kaya lalo akong napangiwi.
“Mom kaka-kdrama mo na ‘yan.” Sabi ko at umiling-iling. Bago lumabas ng NBS ay tumingin pa ako ulit sa pwesto ni Niki kanina bago muling ngumiwi at sumunod kay mom.
On our way to Starbucks, I saw someone familiar.
Aaron?