Chloe’s POV:
“Now remember, focus is a must. Kahit anong mangyari, huwag mawawala ang focus niyo. Naiintindihan niyo ba? Mawala na ang lahat, kahit mawala ang mukha niyo, kahit magkapalit kayo ng mukha, huwag na huwag mawawala ang focus niyo.” Mrs. Cordova instructed us.
“Eh maam paano naman po magkakapalit yung mga mukha namin eh hindi naman po siksikan yung pwesto namin?” Muntik nang mahampas ng pamaypay ni Mrs. Cordova si June dahil sa tanong niya. Pasimple na lamang kaming natawa at agad an tumigil nang bigyan kami ng masamang tingin ni Mrs. Cordova.
“Ikaw June umayos ka, ha. Puro ka ganiyan, naalala mo ba lahat ng equation at ang mga itinuro ko sa nagdaang session natin aber? Nako matanda na ako pero mamaya niyan mas matalas pa ang isip ko kesa sainyo.” Ani Mrs. Cordova.
Lanie Cordova or mas kilala bilang Mrs. Cordova ay ang professor, tutor, at instructor namin sa Math. Siya ang instructor ng club na kinabibilangan ko, which is ang math club obviously.
“Valencia, what is the equation for acceleration?” Nagulat ako nang bigla akong tanungin ni Mrs. Cordova. Ngunit mabilis rin akong nakabawi.
“Acceleration—”
“Change in velocity over time.” Huminga ako ng malalim at tiningnan ng demonyong—este taong nagsalita.
“Mr. Rook what are you doing here? Go back to your team.” Agad na utos ni Mrs. Cordova.
“Oo nga naman, Rook. Bumalik ka na sa impyerno—este sa grupo mo. Eavesdropping ‘yang ginagawa mo eh. Baka isipin pa naming nandadaya kayo.” Sabi ko at sarkastikong ngumiti. Ngumisi siya at tumawa.
“Paano naging pandadaya ang pakikinig sa practice niyo, Valencia? Baka nga kayo pa itong nandadaya eh.” Sabi niya. Muli akong huminga ng malalim.
“Lumayas ka na dito, Niki. Bago pa kita mabato ng sapatos.” Sabi ko at akmang huhubarin ang sapatos kong may takong kaya nagmamadali siyang bumalik sa pwesto ng grupo niyo.
“I’ll beat you, Chloe! Brace yourself for being my maid!” He shouted. I smiled and raised my middle finger at him na mabilis namang hinampas ni Mrs. Cordova ng kaniyang pamaypay. Ngumiwi ako at hinimas ang aking daliri.
“No swearing in front of me.” Masungit na bulong ni Mrs. Cordova.
Oh, by the way, I’m Chloe Valencia. 17 years old, turning 18 next month! Iyon nga lang, kung para sa iba ay masaya iyon, para saakin hindi. Dahil next month, pagkatapos ng kaarawan ko ay magsisimula na ang araw na pinaka-ayaw ko. Ang mag-handle ng kumpanya. Well, not completely handle dahil sa 21 years old pa iyon. Kumbaga I will start practicing how to handle a company so that when I turn 21, I’m ready. My family owns ValenChamIne Corp. Our company makes beverages, wines, and champagnes to be specific.
And that guy, is Niki Rook. My mortal nemesis. Since grade school hindi ko na talaga siya gusto. And why? Honestly, I don’t know. I just…hate his guts. Marinig ko palang ang pangalan niya ay sirang-sira na ang araw ko. And don’t worry, his feelings for is mutual. Apreho naming hindi gusto ang isa’t-isa. Sabi nga ng isa kong kaibigan maski mga siyentipiko daw ay hindi maipapaliwanag kung bakit ganito kami sa isa’t-isa. Despite our similarities, wala talaga kaming magandang dahilan para magkalapit o maging mag-kaibigan.
“Earth to Chloe Valencia? Ano beh nagp-pov ka nanaman diyan sa isip mo. Tara na magsisimula na.” Natawa ako ng mahina sa bulong ni Veli. Avelia Marcus is my teammate, my soulmate, my best friend since birth. We’ve been inseparable. Kung nasaan ako, andon din siya. Same with me, kung nasaan siya ay nahandoon din ako.
“Opo eto na nga po.” Natatawang sagot ko at sumunod sakanila.
“Kinakabahan ako beh. Gusto ko talagang maipanalo ‘to kasi alam mo na, yung expectations ng parents ko mas matangkad pa sa Eiffel tower. Nakakatakot silang ma-dissapoint.” Kuwento niya saakin. Bumuntong hininga ako at tumingin sa mga taong nakaupo na sa benches. I was looking for two specific faces but as expected, they weren’t there. Yet.
“Huwag ka kasing kabahan. Ako rin naman gusto kong maipanalo ‘to para tayo ang makalaban sa competition.” Ani ko. Next week is the Annual MathGen Competition, held by the biggest international school in our place. And this year, grade level namin ang lalaban o ang magiging representative ng school namin. But the problem is, dalawa ang math club ng level namin sa kadahilanang hindi magkasundo ang dalawang president ng club na ito. Alam niyo na kung sino. Oo, kami ni Niki. Kaya imbes na magsama at baka magsimula pa ng World War III, napagdesisyunan na maghiwalay nalang ng club kaya ayun. Naging dalawa ang math club ng year level namin.
At dahil hindi makapili ang head ng school namin because it will be unfair for both clubs, they started a mini-competition and kung sino ang manalo ay sila ang magiging representative ng school namin sa MathGen competition.
“Pero kasi naman eh! Kasalanan niyo ‘to ni Niki!” Nagsalubong ang kilay ko at takang tumingin sakaniya.
“Luh siya bakit kami? Este bakit ako?” tanong ko.
“Eh kasi naman kung hindi niyo dinadala dito iyang LQ niyo edi sana hindi nahati yung club.” Aniya at sumimangot.
“Hoy excuse me ah, pero hindi ‘to LQ dahil hindi naman kami lovers. Tsaka isa pa, kasalanan ko bang ang hilig niyang sumalungat? At alam mo naman ang nangyayari kapag nagkakasama kami niyang kumag na ‘yan.” Sabi ko at sumimangot din.
“Hay nako friend nakakapagtaka kayong dalawa. Kayong dalawa lang yung nakita at nakilala kong napakamadaming similarities pero hindi magkasundo.” Napairap nalang ako at ngumiwi.
“Similarities ba talaga ang basehan sa pagiging magkasundo ng dalawang tao?” tanong ko at siya naman itong shungang tumango. Bumuntong hininga lang ako at hindi na nagsalita pa.
“Both teams please go to your designated tables. We will start.” We all looked at the speaker before walking towards our table. Ako ang nasa unahan ng pila bilang president ng club namin. Pagdating sa gitna ay nagharap kami ni Niki bago nagpunta sa tapat ng kani-kaniyang mesa at naupo. Ngunit nanatili kaming nakatayo ni Niki.
“Shake hands.” Utos nang isang professor. Naglapit kaming dalawa at nag-shake hands gaya ng utos nila. Seryosong-seryoso ang aking mukha samantalang siya naman ay nakangisi na para bang napaka-easy nito sakaniya at parang naglalaro lang siya. Agad akong bumitaw sa kaniyang kamay at naunang pumunta sa upuan ko at naupo.
“Focus, Mathematicians. Don’t embarrass me.” Bulong ni Mrs. Cordova bago nagpunta sa pwestong nakalaan para sa mga instructors and professors. Nagkatinginan kami ng teammates ko bago sabay-sabay na tumango.
“We can do this. Fighting!” Bulong ko.
“Good afternoon, everyone and welcome to our MathGen Competitors Competition. Where the winner in this mini competition will get to be our school’s representative. And without further ado, let’s start. Presidents, are your teams ready?”
“Yes.” Magkasabay na sagot namin ni Niki.
I saw him mouthed “You’re going down.” I smiled at him and mouthed “We’ll see.”
“Now, for our first question, if x is equals to the square root of 4,624, then what is x?”
I immediately pressed the buzzer and breathed deeply.
“What is your answer squadratics?”
“x is 68.” I answered. We heard a ‘ting’ sound. Tumingin ako sa scoreboard at nakitang may isang puntos na kami. Nice.
“68 is correct. One point for the Squadratics while 0 points for the Tri-Hardz. On to the next question, what is the surface area of a sphere that has a given 12 cm circumference?”
Bago ko pa man mapindot ang buzzer namin ay may nauna na.
“45.8 cm2.” Nakangising sagot ni Niki. Nag-yes sila ng kaniyang teammates nang ipakita sa scoreboard na may isa na rin silang puntos.
There are 20 questions, may dalawa nang naitanong kaya may 18 tanong pang natitira. Walang nakakaalam kung ilang minuto ang itatagal namin dito, ngunit iisa lang ang alam nang lahat. Pareho naming gustong manalo.