"What brings you here?" tanong ng pinsan kong si Dash nang pagbukas niya ako ng pinto. Pinagmasdan ko ang Pinsan kong si Dash na nakasuot lang ng boxer short at walang suot na pang-itaas. Bahagyang umangat ang kilay ko nang mapansin ko ang kalat-kalat na lipstick sa gilid ng kanyang labi maging sa kanyang leeg at sa may pusod. Napansin naman ni Dash na pinagmamasdan ko siya kaya tumakbo ito sa loob ng banyo. "Close the door when you get in!" sigaw niya nang nasa loob siya ng banyo. Pumasok ako sa loob at pagkatapos ay ni-lock ko ang pinto ng condo niya. Napangiwi ako nang makita ko ang kalat-kalat na damit ni Dash. Ang brief niya ay nakasabit na sa lampshade, ang t-shirt ay nasa sofa at ang kanyang pantalon ay nasa labas ng pinto ng kanyang kwarto. Napatakip ako ng ilong ng makita ko an