"Fatty!" sigaw ni Ate Chenie. Sa lakas ng boses ng ate kong bungangera kulang nalang pati ang katabing bahay namin ay kabahan sa kanya. Imagine nasa first floor siya ng bahay namin ako nag-beauty sleep sa kwarto ko sa second floor pero narinig ko pa rin ang boses niya. Humahaba ang nguso kong bumaba ng first floor hindi pa ako nakakagawa ng panaginip ginising na niya agad ako. Mahigit dalawang oras pa lang ang lumipas nang magsi-uwian na ang mga kapitbahay naming umubos ng dalang pagkain nila Franco. Kumakamot pa ako sa ulo nang lumapit ako sa kanya. "Ano ba 'yon. Natutulog ang Diyosa iniistorbo mo." "May naghahanap sa'yo driver daw ni Franco." sagot ni Ate Chenie. "Dapat tinanong mo muna Ate, kung may utang ako o wala sa kanya bago mo ako inistorbo sa beauty sleep ko. Bakit naman ak