"Where here." narinig kong sabi ni Franco. Nang ihatid niya ako tinutuluyan kong hotel. Bahagya kong inangat ang isang mata ko upang tingnan ang labas. Napagtanto kong nasa hotel na nga kami na tinutuluyan ko. Sinadya kong hilahin ang laylayan ng damit ko pataas upang lumantad sa kanya ang makinis at maputi kong hita Ngunit napasobra naman ang pagtaas ko ng damit kaya umabot ito hanggang sa may pwet ko. Ipinikit ko ang mga mata ko para kunwari hindi ko alam na tumaas na pala ang suot kong dress. Lihim akong nagbubunyi nang marinig ko ang ilang beses na buntong-hininga ni Franco. Hindi pa rin siya nagbabago dahil nakakalimutan pa rin niya sarili kapag may sexy na babae. Naramdaman kong kinalabit niya ako kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. "Bakit?" "Nandito na tayo sa ta