DAHIL sa pagod ko kagabi ay ala una na ako ng gising hindi ko na abutan ang Manager ko na lumabas ng hotel. Namili kasi siya ng mga pasalubong sa mga kamag-anak niya rito sa Pilipinas. Gusto niya kasi itong dalawin bago bumalik ng Amerika. Bumangon ako at pagkatapos ay nagpadeliver ako ng pagkain. Pagkatapos ay naisipan kong tawagan si Ate Chenie. Hindi kasi niya naka-online kaya tinawagan ko na lang siya. "Hello, Ate." Nakadapa akong humiga sa kama habang kausap ko si Ate Chenie. "Kumusta ka naman diyan?" "I'm okay, nasa isang hotel kami at kasama ko si Manager Nasha. Hindi ako agad nakatawag sa'yo nang makarating kami dito dahil nakatulog ako dahil sa pagod." "Okay lang, sinabi ko sa mga kamag-anak natin na umuwi ka ng pilipinas ang sabi nila dadalawin ka raw nila diyan." "Ako na