May ngiti sa aking labi ng lumabas ako ng mansyon nila Franco ngunit bago pa ako makasakay sa aking kotse ay tinawag ako ni Daddy. "Fatima!" Natigilan ako sa pagbubukas ng kotse ngunit hindi ako lumingon sa kanya. Natili akong nakatalikod kay Daddy habang naririnig ko ang yabag ng kanyang mga paa. "Fatima, let's stalk." sambit niya. Humugot ako ng malalim na paghinga upang lumingon kay Daddy. Alam kong may kasalanan ako sa kanya dahil niloko ko siya. Ang akala niya kasi ay kaya ako bumalik para makipagbalikan sa anak niya. "Fatima, what happened?" bakas sa mukha niya ang katanungan sa'kin. "Daddy…" "Ito ba talaga ang gusto mong mangyari sa umpisa pa lang?" Tumango ako at umiwas ng tingin sa kanya. "Hindi gano'n kadaling kàlimutan ang sakit na ginagawa nilang lahat sa'kin kaya an