"Fatty…" Napaluhod ako matapos kong marinig ang rebelasyon ni Fatima. Hindi ko inakala na babalik siya para maghiganti sa'kin. Nag-uunahang tumulo ang luha ko. Labis-labis ang kahihiyan ang naranasan ko ngayon. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. "Ouch!" sambit ko. Namalayan ko na lang na tumalsik na ako at lumupagi sa sahig. Bago ko pa tingalain ang sumipa sa'kin ay kinuwelyuhan ako ni Dash. "Hayup ka Franco, dahil sa'yo nadamay ako sa paghihiganti ni Fatima." Nanginginig ang panga ni Dash sa sobrang galit sa sa'kin. Hindi ako nakapagsalita sa halip ay sinuntok niya ang mukha ko. Muli akong bumagsak sa sahig. Hindi ako lumaban kay Dash dahil tanggap kong kasalanan ko ang nangyari. "Itigil n'yo 'yan dalawa!" sigaw ng mga magulang namin na umawat sa'min. "Yan ang napa