NAPANGANGA ako ng makita ko ang magandang wedding gown ko matapos sabihin sa'kin ng wedding designer na tapos ng tahiin ang wedding gown. "What can you say, Madam?" nakangiting tanong ng baklang designer. "Amazing! Ang ganda ko dito for sure. Excited na akong magpakasal next week." "Madam, yung groom n'yo po excited din ba? No, offense pero bakit hindi n'yo siya kasama?" tanong ng tsismosang bakla. "Siguro hindi siya excited bahala siya sa buhay n'ya ang mahalaga ikakasal na ako next week." Tinapik ako sa balikat ng bakla. "Tama, 'yon na lang isipin n'yo imagine three hundred thousand pesos ang halaga ng wedding gown n'yo ay nabayaran nila ng cash. Ibig sabihin mahal ka niya kasi hindi siya nagdalawang isip na gumastos para sa'yo." "Yap, mahal na mahal ako ng groom ko. Kahit tumaba