"Good morning!" Malapad na ngiti ni Andrew ang bumungad sa'kin nang makita ko siya sa kusina namin. Napansin kong handa na ito para sa jogging namin ngayong umaga. Umupo ako sa tabi ni Ate Chenie pagkatapos ay kinuha ko ang tinimpla niyang gatas. "Good morning, " sagot pagkatapos kong inumin ang gatas. Tumayo si Ate Chenie at kumuha ng pagkain na niluto niya. "Ito ang kainin mo ngayon." sabay lapag niya ng dalawang pirasong saging. Sumimangot ako sa kanya. "Hindi ako mabubusog rito." hindi ko mapigilang magreklamo. Namaywang sa'kin si Ate Chenie at nakataas ang kilay. "Anong gusto mo kumain ng isang kalderong kanin at isang kilong adobong manok? anong saysay ng pagda-diet mo kung hindi ka magbabawas ng pagkain." "Oo, 'wag ka ng magalit." sagot ko. Pagkatapos ay napilitan akong ka