PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA CHAPTER EIGHT

899 Words
Hindi umimik si Vivienn nang tanungin siya ni Lexus kung saan siya ibababa nakatingin lang ito sa malayo. Ang taray nito nung una ngayon iyakin pala...aniya sa kanyang isipan. "Saan kita ihahatid?" muling tanong ni Lexus dito. Biglang lumingon ang dalaga. "Pwede bang samahan mo.muna ako kahit saglit?" Tugon ng dalaga sa kanya nag- isip siya sandali kung papayag ba siya o hindi. "I will pay" turan nito ulit. Kumunot noo ang binata. "Sabi ko sayo hindi lahat nabibili ng pera" medyo inis na sagot nh binata. "Okay okay...just a little bit i want in the seashore" wika nito at tiningnan siya nito. Napaganda talaga nito ngunit hindi niya maintindihan ang ugali bigla niyang naalala ang nangyari kanina naawa tuloy siya. Marahan siyang tumango. Bumili sila sa convenience store ng beer saka pulutan nila saka dumiretso sa tabing dagat. Tahimik lang sila pareho. "Hindi ka ba hahanapin sa inyo papadilim na" sabi ni Lexus sa dalaga para maibsan ang katahimikan sa pagitan nila. Ngumisi ang dalaga. "Sus! hindi maniwala ka naman" mapait nitong sagot. "Bakit naman?" Tanong ulit ng binata. Huminga ng malalim ang dalaga. "May nagawa kasi akong malaking kasalanan na hanggang ngayon pinagdudusahan ko pa" mahina nitong tugon. Hindi umimik si Lexus at tumungga siya ng beer. "Niyaya ko sa isang karera ang kaisa isang kapatid ko na lalaki illegal yun dinaya kami ang masaklap hudyat pa yun ng kamatayan niya" simulang kwento ni Vivienn tumigil siya at napahikbi. "Everynight i saw him in my dreams paulit ulit kong napapanaginipan ang nangyari kaya ako sinisi ng husto ni daddy dahil ako yung nagyaya sa kanya i want to save him pero sugatan din ako mas mabigat siya sa akin kaya...kaya bumitaw siya kesa dalawa kaming mahulog" mahabang saad ni Vivien habang umiiyak. Hindi nakahuma si Lexus sa narinig kaya pala galit na galit ang Don sa anak ngunit wala naman itomg kasalanan kung tutuusin. "Dad told me many times that i killed him..i want to revenge pero diko pa sila nakikita magmula ng mamatay amg kuya" wika nito ulit. "Masama ang maghiganti hayaan mong Diyos ang umusig" payo ng binata. Hindi umimik ang dalaga bagkus tinungga niya ang kanyang beer. Biglang tumunog ang selpon ng dalaga pinunasan muna niya ang kanyang mga luha bago ito sagutin. "Hello mom?" Turan nito. "Anak where are you your bodyguards never reach you kahit kanina pa they said you went in cemetery i am worried iha..." nerbiyos ng kanyang ina mula sa kabilang linya. "Dont worry mom im okay i am still alive" sagot niya sa kanyang ina. "Anak just understand your daddy okay? He love you more than anything else" madamdaming wika ng donya. Mapait siyang ngumiti. "I wish that is true mom but im sorry till now i cant understand him" malamig na tugon ng dalaga. Magsasalita pa sana ang kanyang ina ngunit pinatayan na nito saka ibinulsa ang selpon niya. "Wag mo namang idamay ang ina mo" wika ni Lexus. Tumingin sa kanya ang dalaga. "I dont" maikling sagot nito at tumingin sa dalampasigan. Maya maya pay nagpasya ng umuwi ang dalawa. Nagpahatid siya sa mansyon kay Lexus. "Tara pumasok ka muna" yaya ni Vivienn pagkatapos niyang bumaba sa sasakyan ng binata. "Hindi wag na sa susunod nalang mauna na ako" tanggi ng binata." Okay bye" sagot niya at umalis na ang sasakyan ni Lexus inabot niya ng tanaw saka siya pumasok. Nasa bungad palang siya ay nakita na niya ang panira sa kanyang araw. "I thought umuwi kana kanina pa" bungad nitong sabi sa kanya dahilan para sumimangot siya. " Naglakwatsa kana naman pala..ano may bago ka na namang sasalihang karera?" Patuloy nito. Uminit ang kanyang ulo. "Eh ano ngayon? Di ba gusto niyo na akong mamatay kaya nga hinahanap ko na si kamatayan" diretsa niyang sagot. Nanlaki ang mata ng kanyang ina. "Iha dont tell that nagmamalasakit lang ang iyong ama" sabad sa kanila ni Donya Marilou. Huminto silang mag- ama. "Ayoko lang sana matulad ka kay Hanz ng dahil sa karerang yan kaya siya namatay!" galit na tugon ni Don Romulo. "Really? im sorry but i didnt feel it" mataray niyang turan at iniwan na niya ang mga ito. "Tingnan mo Marilou!! tingnan mo ang kabastusan ng anak mo!!" Galit na binalingan ng don ang kanyang asawa. "Dangan kasi ipinamukha mo sa kanya na siya ang pumatay kay Hanz kaya wag kang magtaka kung malayo na ang loob niya sayo" mas galit na sagot ng donya. Hindi nakaimik ang matanda bagkus ay tinalikuran niya ang kanyang asawa at tinungo ang kanilang kwarto napaluha naman ang ginang sa nararamdamang awa para kay Vivien. Pagkapasok ni Vivien sa kanyang kwarto ay agad niyang tinawagan si Lexus. Matagal munang nagring bago sumagot ang binata. "Hello?" Wika nito. "Pwede bang diyan ako sa inyo ng tatlong araw?" Diretsang turan ng dalaga hindi sumagot si Lexus. "Please" nagsusumamong sabi ni Vivien. "Ikaw ang bahala" tugon ng binata. Sunduin mo ako mga 8 ng umaga" aniya dito. "Okay" narinig niyang sagot ni Lexus nagpaalam na siya at nag- impake ng konting damit niya at gamit. Naguguluhan naman si Lexus kung bakit napapayag siya ng dalaga huli ng mapagtanto niyang baka delikado at baka madamay pa sila sa gulo ng pamilya ni Vivienn. Bakit ba biglang lumalambot ang kanyang pihikang puso pagdating sa dalaga? Umiling iling siya at pilit matulog kahit gising na gising ang kanyang diwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD