MATAGAL na niyakap ni Eavan ang kanyang Ina. Umiyak lang naman ng umiyak si Erram habang yakap siya ng kanyang anak. Ganun pa man ay hindi naman magawa na mag tanong ni Eavan sa Ina kung bakit, dahil lalo itong masasaktan. Si Earram kasi ang taong ayaw na ayaw na kakaawaan o magbibigay ng burden sa iba kahit pa pamilya niya ito.
“H-hayaan mo lang muna si Mommy Eavan ha! Gusto ko lang umiyak. K-kanina kasi ang sakit umiyak dahil mag isa lang ako. I felt completely alone. B-but now you're here, it feels good crying on your chest, son. I'm sorry kung mahina si Mommy ngayon. I just need to burst it out, para makabangon akong muli.” Humigpit naman lalo ang pagkaka-yakap ni Eavan sa kanyang Ina ng marinig ang mga sinabi nito.
Ni minsan hindi ginawa ni Earram ang sumandig at umiyak sa kanyang nag iisang anak na si Eavan. Kaya dama ng huli ang sobrang bigat na nararamdaman ng kanyang Ina.
Pinili at pinanatili ni Eavan na tahimik lang siya, habang hinahagod ang likod ng kanyang Ina. Nagpatuloy naman ang mahina na lang na pag-iyak si Earram. Palaisipan naman kay Eavan kung bakit o ano ang mabigat na dahilan ng pagkawala ng emosyon ng kanyang Ina?
“Mommy sabi mo noong bata pa ako, everything happens for a reason. I believe in you. Pero para sa akin sa ngayon, kung ang mga dahilan mo ay sobrang mali at sakit na ang dulot let it out. O mas maganda pumahinga at iwan muna ng saglit ang sakit. Kung hindi naman kayang iwan wag na lang hayaan na masanay ang sarili sa ganung nararamdaman. Mas alagaan, protektahan at mahalin natin ang ating mga sarili. Mom, you deserve better. Nandito naman po ako.” Dahil sa mga binitawang mga salita ni Eavan natigilan si Earram. Pero nanatili itong nakasubsob sa dibdib ni Eavan.
Nasa ganung eksena ang mag Ina ng pumasok si Vanno. Nang mag tama ang mga mata ni Vanno at Eavan ipinakita agad ni Eavan kung gaano siya nagagalit sa Ama.
Ilang sandali pang natigilan si Vanno bago lumapit sa mag Ina. Kusang lumayo si Eavan sa Ina ng kumalas ito sa kanilang pagkakayakap sa isa’t isa. Hindi nagtagal inamo ni Vanno ang asawa. Napatunayan lang ni Eavan kung gaano kalubog at katodo magmahal ang kanyang Ina.
Nang sa tingin ni Eavan hindi na siya kailangan ni Earram ay lumabas ang lalaki at pumunta sa kanyang tambayan. Nang narating ni Eaavn ang lugar, agad ng lumupagi sa damuhan ang huli. Maliwanag ang paligid dahil maraming bituin ngayon. Nagmasid lang muna si Eavan sa paligid, hindi naman nagtagal ay may taong dumating. Dahil sa nakayuko si Eavan sapatos lang ang nakita niya. Nang iaangat naman ng lalaki ang tingin ay tinitigan lang ni Eavan ang lalaki na kanyang ama. Ang lalaki naman ay tila halatang aminado sa mga nagawang mali at pagkukulang.
“What do you want?” Malamig na tanong ni Eavan kay Vanno.
“Sabi ng Mommy dito ka daw makikita. Let's have dinner together. Alam kong marami kang naiipon na galit sa akin maging opinyon at suhestiyon, but please—sabayan mo kami kumain ngayon gabi anak. Magiging masaya kasi ang Mom mo once na buo tayo sa hapag kainan.” Baba at bakas sa boses ni Vanno ang pakikiusap kay Eavan.
“I rushed home for Mom. She cried on the phone but she doesn't tell me, kung anong dahilan. Pero kahit hindi niya naman sabihin sa akin ay alam ko na ikaw ang reason. I’ve always wanted my Mom to be happy. Nga lang I wasn't enough to make her happy all the way. Aware ka naman ‘di’ba? Aware ka how much she loves you. Pero bakit? Bakit paulit-ulit? I thought perfect ang lahat. Pero magaling lang pala si Mom magtago ng problema. Habang ikaw magaling magtago at mag lihim ng ginagawa na mga mali. Mali na siyang sakit, lungkot at problema ang dulot sa aking Ina. Did you still love her? Once and for all be honest to me. Lalaki rin ako Dad.”
May hinanakit, galit at disappointment na sabi ni Eavan sa una, ngunit ng tanungin niya si Vanno kung mahal pa ang kanyang Ina, kita sa mga mata ni Eavan ang takot sa posibleng marinig na sagot mula sa Ama.
“I’m sorry ‘yan lang ang paliwanag na masasabi ko sa’yo tungkol sa mga nagawa ko. But I promise to you gagawin ko ang lahat makabawi lang sa iyong Ina. Mahal ko siya Eavan pero dumating sa punto na may minahal ako bukod sa kanya. Hindi ako nagsisi na magkamali dahil I realized kung gaano ka value sa buhay ko ang iyong Ina.” Nagsusumamo na sabi at paliwanag ni Vanno kay Eavan.
“Kung si Mom kaya kang paulit ulit patawarin agad. Ako naman kaya kitang pakisamahan muli ng paulit-ulit. Hindi ko lang kasi makuha ang dahilan mo. Bakit kailangan mo siyang saktan? Bakit kailangan magmahal ka ng iba? Bakit pinipili mo siyang magdusa sa mga tanong at pagkwestyon sa sariling katauhan niya at pagkababàe?” Nang masabi ni Eavan ang nais nasabihin at itanongay tumayo na ito ng tuwid tsaka lumakad na rin pabalik ng kanilang bahay. Hindi na hinintay ni Eavan ang magiging sagot ni Vanno dahil alam ni Eavan na “I’M SORRY” lang din ang tanging sasabihin ng lalaki.
Nang marating na ni Eavan ang front door ay doon na inantay ng huli ang kanyang ama na si Vanno. Mali man ay wala namang magawa si Eavan kundi gawin ang tingin niyang magpapasaya sa kanyang Ina kahit pa panloloko na ang makikitang bonding nila ng kanyang Ama.
Sabay na silang dalawa pumasok, sa sofa sa sala ay naghihintay naman sa kanila si Earram na abot langit ang ngiti. Nilapitan ito ni Vanno at inakay papuntang dining area. Super late na ang dinner nila dahil sa mga naganap. During dinner hindi man umimik si Eavan ay nagmamasid naman ito. Nang matapos na silang kumain ay nagpaalam na ang huli na lalabas muna.
Hindi na hinintay ni Eavan ang tugon ng mga magulang at umalis na agad. Sa isang hindi masydong ma tao at maliit na bar pumunta ang lalaki. Ilang beer agad ang in-order niya. May mga babaeng lumapit sa kanya pero walang pinansin ang lalaki. Matapos maubos ang ilang bote ng beer ay bumalik na si Eavan sa kanilang subdivision pero pinili ng huli na sa ilalim ng talisay muna tumambay. Lingid sa kaalaman ni Eavan nasa balkonahe ang kanyang Ina at natanaw nito ang kotse niyang dumating na.
“I'm not a good mother to you. Hindi mo dapat makikita ang ganito sa akin. Sana magkaroon ka ng maayos na buhay Eavan kasama ang pamilya mo soon.” Mahinang bulong ni Earram tsaka ito pumasok sa loob ng kanilang silid. Si Vanno naman ay sinalubong ang huli.
************************
MULA sa malalim na pagtulog ay naalimpungatan si Kentoy dahil dama ng huli na parang may ibang tao silang kasama sa silid. Nang simpleng igala ni Kentoy ang kanyang mga mata nakita niya ang bulto ng isang tao na pamilyar naman sa kanya.
Inisa isa ng lalaki na sipatin ang mga batang natutulog. Halos mabasag ang ngipin ni Kentoy ng makitang hinihimas nito ang mga hita ng ibang mga dalaga. Imbis na tumayo at sawayin ang lalaki ay nakiramdam muna si Kentoy. Hindi nagtagal ay tumapat sa kanila nila ni Leslie ang lalaki.
“Ito ang totoong masarap na masarap.” Ulol na sabi ng lalaki habang pinagkiskis pa ang mga palad.
Lumuhod ang lalaki at nagmamadaling aalisin sana ang kumot ni Leslie ng bumangon si Kentoy.
“Anong ginagawa mo dito?” Matigas at palaban na tanong ni Kentoy sa lalaki.
“K-kentoy gising ka pa pala. W-wala naman, chinecheck ko lang kayo—”
“Labas na kung ayaw mong makarating ito kay Tsang Anching. ‘Diba galit siya sa manyakis.” Putol ni Kentoy sa lalaki na nagmamadaling tumayo at umalis sa loob ng kanilang silid.
Nang masiguro ni Kentoy na wala ang lalaki ay agad itong bumangon para ayusin ang ibang mga bata. Bumalik naman din ito agad sa tabi ni Leslie.
“Aalis na tayo sa lalong madaling panahon dito. Nagsisimula na silang mabaliw sa ganda ng iyong mukha maging kurba ng iyong katawan. Badang baka makapatay ako kapag may nagtangka sa’yong umabaso. Sige lang matulog ka ng mahimbing babantayan kita.” Bulong ni Kentoy sa himbing na babae.
Ilang oras nagbantay si Kentoy hanggang makatulog na rin ang huli. Kinaumagahan takang taka naman si Leslie na wala na ang lalaki sa kanyang tabi. Eksaktong kaliligo lang ni Leslie ng pumasok sa silid nila si Kentoy.
“Badang!!!! Bakit nakatapis ka palang? Mag ingat ka nga. Hindi lang tayo ang nasa silid na ito. Meron pang iba na pwedeng basta pumasok na lang. Magbihis ka na at pupunta na tayo sa packing.” Gulat na gulat si Leslie dahil sa malakas at tila galit na nga ay nang disiplina pa na tono ni Kentoy.
Imbis na makipagtalo pa si Leslie sa lalaki ay kumilos na lang ang huli tsaka umabrisiete na kay Kentoy. Lumabas na rin sila agad sa silid at pagdating sa packing area si Tsang Anching ang nakita nila. Nagtaka pa lalo si Leslie sa nangyayari dahil tila lalong bumait si Tsang Anching sa kanya. Buong umaga hanggang tanghali na walang imik si Kentoy dahil doon ay masyadong naninibago at kinabahan si Leslie.
“Entoy!”
“Hmmm!”
“Uyyy!”
“Bakit?”
“Anong kasalanan ko? Kung yung kanina, hindi ko na gagawin ulit. Paano sana'y akong nakabantay ka sa pintuan—!”
“Hindi ka pwedeng laging masanay ka na nasa paligid mo ako. Paano kung wala ako o wala na talaga ako? Paano ka? Maaabuso na lang basta ng iba! Ayoko no’n. Natatakot ako para sa’yo kaya naman Badang ingatan mo ang kilos mo, sarili mo at lalo na ang pagkababàé mo.”
Napamulagat ang mga mata ni Leslie kay Kentoy ng biglang magsalita ang huli ng ganun. Para bang may pamamaalam o pahiwatig ito sa mga sinabi. Natulala si Leslie pero sa puso ng babae masakit na masakit para sa kanya kung mawawala si Kentoy. Imbis na tumugon sa lalaki ay tumango lang si Leslie at tumalikod na. Si Kentoy naman ay hindi nakatiis kaya hinatak ang babae at niyakap ng mabuti.
“Sorry Badang ko…Hindi naman ako galit ayaw lang kitang mapahamak.” Bulong ni Entoy sa babae na yumakap na rin ng todo sa lalaki.
“Magiging maingat na ako lagu mula ngayon, basta wag mo akong iwan.” Tugon ni Leslie sabay subsob ng mukha sa lalaking maa humigpit ang yakap sa lalaki.
Dahil doon tila kumalma na rin ang nga agam-agam ni Kentoy na buong araw na halos sumasalakay ng paulit-ulit sa kanyang isip.