CHAPTER 16

3098 Words
CALLIE's POV Narito ako sa loob ng aming kwarto ni Rob nang marinig kong tumutunog ang aking phone. May tumatawag sa akin. Kumunot ang aking noo nang makita kong number lamang ang lumabas sa screen ng aking phone. Si Russell agad ang pumasok sa aking isipan nang makita ang numerong iyon. Naisip kong siguro rahil hindi ko sinasagot ang mga tawag at mga mensahe ni Russell kaya naisipan nitong gumamit ng ibang number para makausap ako. Mariin akong pumikit dahil lalo lamang pinapasakit ng ideyang iyon ang aking ulo. Pinoproblema ko na nga ang nangyari sa aming dalawa ni Liam ay posible pang makidagdag si Russell doon. Kung si Russell nga talaga itong tumatawag, siguro ay dapat ko na ritong ipaintindi na hindi magandang magkaroon pa kami ng komunikasyon matapos ang nangyari sa aming dalawa. Itinuturing ko pa rin naman itong kaibigan dahil may pinagsamahan naman kaming dalawa kahit papaano pero hindi na kami pwedeng maging close sa isa't isa tulad nang dati. Malalim akong nagbuntung-hininga bago inabot ang aking cellphone na nakapatong sa bedside table at sinagot ang tawag. Callie: Hello? Inaasahan kong si Russell ang sasagot mula sa kabilang linya ngunit napataas ang aking dalawang kilay nang ibang tinig ng boses ang aking narinig habang nagsasalita ang taong tumawag sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay si Liam ito. Liam: Callie? Agad na naningkit ang aking mga mata at nanlaki ang mga butas ng aking ilong dahil sa labis na galit na aking nararamdaman pagkarinig ko pa lamang sa tinig ng boses ni Liam. Callie: Where did you get my number? And why are you calling me? Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Hindi makapaniwalang nanlaki ang aking mga mata nang mahimigan ko ang parang pang-uuyam sa halakhak na pinakawalan ni Liam mula sa kabilang linya. Liam: Callie baby, para sa isang maperang taong katulad ko, hindi mahirap makuha ang numero mo. Nagngingitngit ang aking kalooban habang naririnig na tumatawa si Liam mula sa kabilang linya. Hindi man lamang ba siya nakokonsensya na nakipagtalik siya sa isang babaeng may asawa? Iyon ay kung totoo ngang may nangyari sa aming dalawa. Callie: Bakit mo pa ako tinatawagan, Liam? Pwede bang kalimutan na natin ang nangyari? Masaya na akong namumuhay kasama ang pamilya ko. Muli ko na namang narinig ang malakas na tawa ni Liam mula sa kabilang linya. Liam: Masaya? Talaga bang masaya ka sa piling ng asawa mo, Callie? Kung totoo 'yan, wala sanang mangyayari sa ating dalawa. Alam mo sa sarili mong ako pa rin ang mahal mo at ako pa rin ang hinahanap-hanap ng katawan mo. Frustrated akong napasabunot sa aking buhok nang marinig ang sinabi ni Liam. Nagkakamali si Liam kung iniisip niyang mahal ko pa rin siya after all these years. Mula nang ibigin ko si Rob ay alam kong tuluyan na ring nawala sa aking puso si Liam. Oo, minahal ko ng lubos si Liam dati at hindi agad nawala ang aking pagmamahal para sa kanya matapos ang aming paghihiwalay. Ilang taon akong nangulila kay Liam ngunit unti-unting nawala ang pagmamahal ko para sa kanya nang magsimulang mahulog ang aking loob kay Rob. Alam ko sa sarili kong bago ako nakipagrelasyon kay Rob ay hindi na si Liam ang itinitibok ng aking puso. Kaya walang katuturan ang sinasabi ni Liam na mahal ko pa rin siya. Callie: No, Liam. Nagkakamali ka. Matagal ka nang nawala sa aking puso. Iyong sa ating dalawa, matagal nang tapos 'yon. Huwag na nating ibalik pa ang nakaraan. Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin ni Liam bago siya muling nagsalita. Liam: Hindi, Callie. Sinasabi mo lang 'yan dahil natatakot kang masira ang pamilya mo. Nagiging unfair ka sa sarili mo rahil hindi mo gustong masaktan ang asawa't anak mo. Nahahapo akong tumingala sa kisame ng master's bedroom habang marahang hinihimas ang aking batok. Callie: No, Liam. Mali ka. Mahal ko ang pamilya ko. Kaya kung anuman ang nangyari sa atin, please lang, kalimutan na nating dalawa 'yon. Wala akong babanggitin sa asawa ko. Ililihim natin ang bagay na iyon para walang sinumang masaktan. Narinig ko ang malalim na pagbuntung-hininga ni Liam mula sa kabilang linya. Liam: I'm sorry, Callie. Wala akong maipapangakong anuman sa 'yo. Bago pa ako makapagsalita ay tinapos na ni Liam ang tawag. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Liam ngayon pero sana ay ma-realize niyang hindi ko na siya mahal at mas mahalaga ang aking pamilya kaysa sa anumang bagay sa mundo. Umaasa rin akong hindi malalaman ni Rob ang nangyari sa aming dalawa ni Liam. Walang magandang maidudulot kung sasabihin ko kay Rob ang nangyari lalo pa nga at malakas ang aking pakiramdam na hindi kami nagtalik ni Liam dahil sa impluwensya ng nakalalasing na likido. Tumingin ako sa wall clock na nasa loob ng master's bedroom at nagtaka ako nang 10:45PM na ay hindi pa umuuwi si Rob. Inayos ko ang aking sarili at pagkatapos ay lumabas ako ng master's bedroom. Nagulat pa ako nang pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ay nasa labas niyon si Rob. Bigla akong kinabahan dahil hindi ako sigurado kung narinig ni Rob ang pag-uusap namin ni Liam sa phone kanina. Umaasa akong kararating lamang nito galing sa trabaho. Callie: Hon, k-kanina ka pa ba riyan? Sandali akong tinitigan ni Rob bago ito umiling. Rob: Kararating ko lang. Maraming ginawa sa restaurant. Nakita kong pagod na pagod ang mukha ni Rob at para pa ngang namumugto ang mga mata nito. Ngunit bakit naman iiyak si Rob? Tumingkayad ako para halikan ang mga labi ni Rob. Napansin kong parang nag-alangan itong halikan ako pabalik ngunit makalipas lamang ang ilang segundo ay tinugon na nito ang aking halik. Naramdaman kong kakaiba ang halik na iyon na iginawad sa akin ng aking asawa. Parang kulang sa init. Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ng aking isipan. Inisip ko na lamang na marahil siguro sa pagod kaya parang walang buhay ang halik na iyon ni Rob sa akin. Rob: Magsha-shower lang ako. Marahan akong tumango kay Rob at pinanood ang pagpasok nito sa loob ng aming kwarto. Ang bigat ng aking pakiramdam ngayon. Kung totoo mang may nangyari sa aming dalawa ni Liam, ang ibig sabihin ay dalawang beses na akong nagtaksil sa aking asawa. Parang gusto kong umiyak. Nagi-guilty ako. Hindi deserved ni Rob ang lokohin lamang ng asawa nito. Sa loob ng mga nakalipas na taon ay naging matapat sa akin si Rob at kahit kailan ay hindi ko nabalitaang nambabae ito. Kung malalaman ni Rob ang nangyari sa aming dalawa ni Russell at ang nangyari sa amin ni Liam ay paniguradong masasaktan ito. Hindi ko kakayanin ang makitang nasasaktan si Rob nang dahil sa akin. Kaya naman hanggang maaari ay hindi ko hahayaang malaman ni Rob ang aking mga naging kasalanan dito kung hindi ko gustong masira ang aming pamilya. ---------- ROXY's POV Nakangiti ako rito sa loob ng aking kwarto ngayon habang ini-imagine ang mga mangyayari sa mga susunod na araw. Naitanim ko na ang binhi ng kuryosidad sa isipan ni Rob kanina. Now it depends on Rob kung palalaguin niya ang butong iyon o hindi. Isang mala-demonyong ngisi ang sumilay sa aking mga labi habang binabalikan sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Matapos kong makausap si Liam ay sigurado akong hawak na ni Rob sa mga oras na ito ang mga larawan nina Callie at Liam na magkatabi sa iisang kama habang parehong hubo't hubad at pawisan ang mga katawan. Ang mga larawang iyon ay kuha mula sa camera na nasa loob ng hotel room na pinagdalhan ni Liam kay Callie. Nang makita ko ang mga larawan ay talaga namang masasabi kong walang duda kung ano ang ginawa nina Callie at Liam sa loob ng kwartong iyon na silang dalawa lamang. Paniguradong nasasaktan si Rob ngayon dahil hawak na niya sa kanyang mga kamay ang ebidensya ng pagtataksil ng kanyang asawang si Callie. Kaya naman alam kong nangangailangan si Rob ng makakausap at karamay ngayon. Dahil si Waldo ang best friend ni Rob kaya alam kong dito ito unang tatawag pero hindi ako papayag na hindi gamitin ang oportunidad na ito para lalo pang sirain ang pagsasama nina Rob at Callie. Agad kong hinanap ang dalawang free movie tickets na ibinigay sa akin ng isa kong kasamahang guro rahil alam nitong mahilig akong manood ng movies. Gagamitin ko sana iyon para sa aming dalawa ni Rob pero may mas maganda pala akong paggagamitan sa movie tickets na 'yon. Nang makita ko ang dalawang free movie tickets ay agad akong lumabas mula sa aking kwarto para ibigay iyon sa aking best friend na si Fiona na kasalukuyang nanonood ng paborito nitong teleserye. Fiona: Talaga, friend? Akin na lang 'to? Nakangiti akong tumango kay Fiona. Roxy: Yes, para sa inyong dalawa ni Waldo. Pambawi ko na 'yan sa inyo kasi isinama ninyo ako sa restaurant na pagmamay-ari ni Rob. Nagustuhan ko ang foods kahit kinailangan kong maunang umuwi kasi sumama ang aking pakiramdam. Walang kaide-ideya si Fiona na nagsakit-sakitan lamang ako nang gabing iyon. Binasa ni Fiona ang validity date ng dalawang movie tickets. Fiona: Pwede pa pala 'to hanggang Saturday. Kung ngayon kasi, medyo gabi na. Pinigilan ko ang aking sariling pagtaasan ng isang kilay si Fiona at pinanatili ang ngiti sa aking mga labi. Roxy: Naku, friend. Kapag hindi mo ginamit ngayon 'yan ay ako na ang gagamit niyan bukas. Sige ka. Nag-pout si Fiona sa aking harapan at nagkibit-balikat. Fiona: Sige na nga. Magiging busy na rin naman si Waldo sa mga susunod na araw. Mag-aayos lang ako, friend. Nagdiwang ang aking puso nang tumayo na si Fiona mula sa couch at nag-ayos ng sarili sa loob ng kwarto nito. Hinintay kong makaalis sina Fiona at Waldo bago ako nagsimulang mag-ayos ng aking sarili at magpaganda at pagkatapos ay agad akong tumungo sa restaurant kung saan nagtatrabaho si Rob. Nag-chat message pa ako kay Rob na sa kanyang restaurant ako magdi-dinner. Nakita kong nabasa niya ang aking chat message pero hindi siya nag-reply. Napangiti ako habang nakasakay sa taxi rahil ang ibig sabihin ay talagang masama ang kanyang loob kaya hindi niya makuhang mag-reply sa aking message sa kanya. Nang makapasok na ako sa loob ng restaurant ni Rob ay muli akong nagpadala ng chat message sa kanya na nagsasabing naroon na ako. Katulad kanina ay binasa lamang niya iyon na mas nagpalaki ng ngiti sa aking mga labi. Ilang minuto na akong kumakain ay hindi pa rin lumalabas si Rob mula sa kanyang opisina. Siguro nga ay talagang masamang-masama ang loob niya ngayon na mas lalong nagpagana sa aking kumain. Patapos na akong kumain nang biglang may nagsalita sa aking harapan. Si Rob. Rob: Bumalik ka. Agad akong tumigil sa pagkain at tumitig sa gwapong mukha ni Rob. Ngumiti ako kay Rob. Sinubukan niyang ngumiting pabalik ngunit halatang napipilitan lamang siya. Perfect! Ang ibig sabihin ay durog na durog ang puso ni Rob ngayon. Rob: Naniniwala na talaga akong nasarapan ka sa mga gourmet cuisine namin dito. Marahan kong pinunasan ang magkabilang gilid ng aking mga labi gamit ang table napkin. Roxy: Sabi ko naman sa 'yo, eh. Ang perfect ng mga pagkain ninyo rito. Paniguradong mapapadalas ako rito. Marahan pa akong tumawa habang si Rob ay nakatitig lamang sa akin. Roxy: M-may problema ba, Rob? Nakita ko sa mukha ni Rob na parang may gusto siyang sabihin ngunit nag-aalangan siyang sabihin sa akin. Roxy: Sige na. Magkwento ka na. 'Di ba, friends na tayo? I mean, chatting friends. Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapasahan namin ni Rob ng chat messages sa isa't isa pero kahit kailan ay hindi umabot ang usapan namin sa mga personal na bagay. Luminga sa paligid ng restaurant si Rob bago muling humarap sa akin. Rob: Gusto ko sana ng kausap ngayon kaso ay mukhang busy si Waldo. Okay lang ba sa 'yong ihatid kita? Umarte pa akong parang nahihiya ngunit ang totoo ay pumapalakpak ang dalawang pisngi ng langit sa pagitan ng aking mga hita habang iniisip na muki kong makakasama si Rob sa loob ng kanyang kotse. Ang bango pa naman ni Rob. Roxy: I-Ikaw, kung hindi makakaabala sa 'yo ay okay lang naman sa akin. Para makalibre na rin ng pamasahe. Sinabayan ko ng tawa ang aking sinabi na sandaling nagpangiti kay Rob at umiling-iling pa siya sa aking harapan. Habang nasa biyahe ay sinabi sa akin ni Rob na may kaibigan daw siyang nahuli ang misis nitong may kalaguyo. Nagpapatulong daw ang kaibigan na iyon ni Rob sa kanya kung ano ang magandang gawin sa sitwasyon. Alam ko namang ang tinutukoy ni Rob ay ang kanyang sarili pero hindi lamang siguro niya gustong ipaalam sa akin na nagkakaproblema silang mag-asawa. Syempre hindi kailangang mahalata ni Rob na gusto kong sirain silang mag-asawa kaya naman kailangan kong magbait-baitan. Roxy: Alam mo, mas maganda kung hindi paiiralin ng friend mo ang galit niya. Yes, masakit ang maloko, pero pahupain muna niya ang galit. Then mag-usap silang dalawa ng asawa niya. Pag-usapan kung paano humantong sa pagtataksil 'yong isa. Humarap ako sandali kay Rob habang siya ay nagmamaneho. Roxy: I'm not saying na rapat i-tolerate ang cheating because I really am against it. Ang gusto ko lang sabihin ay may dahilan kung bakit ginagawa ng mga tao ang isang bagay. Malay mo, kapag narinig niya ang rason ng kanyang misis ay maisip ng friend mo na may kasalanan din pala siya kung bakit humantong sa ganoon. Sandaling lumingon si Rob sa akin na parang nag-iisip at pagkatapos ay muling itinuon sa pagmamaneho ang kanyang atensyon. Roxy: May kakilala ako. Nahuli niya 'yong misis niyang nangangaliwa. Gumanti siya. Parang ipinaramdam niya sa asawa niyang may babae siya hanggang sa tumigil 'yong misis niya sa panlalalaki at humingi ng tawad sa kanya. Ang ending, naging okay sila. Nakita kong kumunot ang noo ni Rob. Rob: Ipinaramdam niyang may babae siya? So may babae ba talaga o wala? Umiling ako habang diretso ang tingin sa kalsada. Roxy: Wala. Pero kung ako siya, tototohanin ko ang pambababae nang hindi nagpapahuli. I mean, naging successful 'yong pagganti niya. Sana nilubos na niya. Tutal, nahuli naman niyang nakikipagtalik sa ibang lalaki 'yong misis niya. Two birds in one stone kumbaga. Nakita kong tumango-tango si Rob. Bingo! Paniguradong pag-iisipan ni Rob ang aking mga sinabi. Good job, Roxana Valeriana! Nang maihatid ako ni Rob sa apartment building namin ni Fiona ay agad kong tinawagan si Liam. Roxy: Pauwi na si Rob sa bahay nila ngayon. Maya-maya ay tumawag ka kay Callie. Make sure na ma-trigger mo siyang banggitin 'yong tungkol sa relasyon ninyong dalawa rati. Umasa tayong maririnig ni Rob 'yon. Ngumisi ako sa harap ng salamin na nakasabit sa dingding ng aking kwarto habang iniisip kung ano ang dumadaloy sa isipan ni Rob ngayon. Kung papalarin ay paniguradong matitikman ko na si Rob one of these days. ---------- ROB's POV Pinagmamasdan ko ang aking asawang si Callie na mahimbing nang natutulog sa aking tabi. My cheating wife. Sa loob ng ilang taong pagsasama namin ni Callie bilang mag-asawa ay hindi ako tumingin sa ibang babae. Epekto iyon ng aking ginawang pagtataksil kay Callie kasama si Roxy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita ng mga senyales si Roxy na natatandaan nito ang gabing iyon kung kailan pinagsaluhan namin ang bawal na sandali at ipinaramdam sa isa't isa ang init ng aming mga katawan. Mahina akong napaungol nang maramdamang pumitik ang aking alaga sa pagitan ng aking mga hita. Lagi na lamang tumitigas ang aking alaga sa tuwing naaalala ko ang espesyal na gabing iyon sa piling ni Roxy. Isang gabing sandali kong nakalimutan si Callie na noong mga panahong iyon ay fiancée ko pa lamang. Dahil sa pangyayaring iyon kaya ipinangako ko sa aking sariling hinding-hindi na ako muling titingin pa sa ibang babae at magtataksil kay Callie. Nanatili akong matapat kay Callie simula nang maikasal kaming dalawa rahil alam kong iyon ang tama base sa aking sinumpaang pangako sa harap ng altar at hindi ko gustong masira ang aking masayang pamilya. Pero heto ang aking asawang si Callie na may iba palang plano para sa kanyang sarili. Narinig ko ang naging pag-uusap ni Callie at ng taong sigurado akong ang kasama niya sa mga malalaswang larawan na aking natanggap kanina. Callie: No, Liam. Nagkakamali ka. Matagal ka nang nawala sa aking puso. Iyong sa ating dalawa, matagal nang tapos 'yon. Huwag na nating ibalik pa ang nakaraan. Kumuyom ang aking dalawang palad. So ang kasama pala ni Callie sa mga mahahalay na larawan ay dati niyang karelasyon. Hindi lamang kung sinu-sino ang lalaking iyon kundi isang lalaking malaki ang naging parte sa buhay ng aking asawa. Ano ba ang aking malay kung mahal pa rin ni Callie ang lalaking iyon? Dahil kung totoong hindi na niya ito mahal, bakit may nangyari pa sa kanilang dalawa? Callie: No, Liam. Mali ka. Mahal ko ang pamilya ko. Kaya kung anuman ang nangyari sa atin, please lang, kalimutan na nating dalawa 'yon. Wala akong babanggitin sa asawa ko. Ililihim natin ang bagay na iyon para walang sinumang masaktan. Naningkit ang aking mga mata habang nakatitig sa mukha ni Callie na animo'y isang inosenteng tupa. Balak ko sanang sundin ang payo ni Roxy na pag-usapan dapat ng mag-asawa ang problema ng mga ito kung hindi ko lamang narinig na gusto palang ilihim ni Callie ang tungkol sa kanyang pagtataksil sa akin. Gusto ni Callie na pagmukhain akong mangmang sa ginawa niyang kasalanan sa akin. Halos bumaon na ang aking mga kuko sa kamay sa aking balat dahil sa tindi ng pagkakakuyom ng aking mga palad. Ganoon na lamang ang aking pagpipigil na huwag saktan si Callie nang mabungaran niya ako pagkabukas niya ng pintuan ng aming kwarto kanina. Kung gusto ni Callie na huwag sabihin ang tungkol sa kanyang panloloko sa akin, then I'll give her a taste of her own medicine. Ipararamdam ko rin kay Callie ang parehong sakit na ipinararanas niya sa akin ngayon. Muli kong naalala ang sinabi ni Roxy sa akin kanina. Roxy: Pero kung ako siya, tototohanin ko ang pambababae nang hindi nagpapahuli. I mean, naging successful 'yong pagganti niya. Sana nilubos na niya. Tutal, nahuli naman niyang nakikipagtalik sa ibang lalaki 'yong misis niya. Two birds in one stone kumbaga. Tiim-bagang akong tumitig sa mukha ni Callie, ang aking magaling na asawa. Get ready, my wife. My cheating wife. Naramdaman kong dumaloy ang isang butil ng luha sa aking kanang pisngi. You're going to experience my revenge. Muling pumasok sa aking isipan ang gabing nagtaksil ako kay Callie kasama si Roxy bago ang araw ng aming kasal. My sexy revenge. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD