CALLIE's POV
Hindi ako mapakali simula pa kahapon dahil sa nangyari sa aming dalawa ni Liam.
Litong-lito ako.
Hindi ko alam kung papaanong nagising na lamang ako sa loob ng isang hotel room at katabi ko si Liam sa ibabaw ng kama at pareho pa kaming nakahubad.
Ang huli kong naaalala ay hindi sinasadyang makita namin ng aking bilas na si Mitchie ang aking ex-boyfriend na si Liam sa loob ng isang restaurant bar.
Sinamahan ko si Mitchie na mag-celebrate ng birthday nito sa isang restaurant bar dahil nag-overtime ang asawa nitong si Santi para tapusin ang ilang reports na may kinalaman sa ibang branches ng restaurant ng mga Laguarte na kailangan para sa katapusan ng buwan.
Magkasama si Santi at ang aking asawang si Rob sa pagtapos ng mga report kaya naman tinawagan ako ni Rob para sabihang samahan ko muna si Mitchie na mag-celebrate ng birthday nito kasama ang aking mga biyenan.
Kahit hindi ko close si Mitchie ay hindi rin naman kami magkaaway. Isa pa ay hindi ko naman gustong mag-celebrate ito ng birthday nito mag-isa lalo pa nga at uma-attend din naman ito sa birthday ni Rob noong nakaraang buwan.
Ang plano rapat nina Mitchie at Santi ay mag-dinner date para sa birthday ni Mitchie. Ang kaso ay may nasilip na discrepancies sa ilang reports mula sa ibang branches ng restaurant si Rob kaya agad na nagpatulong ang aking asawa sa kanyang stepbrother na si Santi.
Pumayag ako sa request ni Rob kaya naman agad kong tinawagan ang aking mga biyenan na sina Daddy Samuel at Mommy Sunday para sabihan silang samahan namin si Mitchie sa pag-celebrate ng birthday nito.
Noong una ay parang nag-alangan pa ang aking mga biyenan dahil alam ko namang hindi sila ganoon ka-close kay Mitchie pero siguro ay nahimigan nila sa tinig ng aking boses ang pakiusap ay napapayag ko rin naman silang dalawa.
Kasama ang aking anak na si Mavie ay namili kami ng ilang pagkain para kahit papaano ay may pagsasaluhan kaming pagkain para sa birthday ni Mitchie. Bumili na rin ako ng simpleng regalo para kay Mitchie.
Pagkarating namin sa bahay nina Mitchie at Santi kahapon ay nakita kong naroon na sina Daddy Samuel at Mommy Sunday.
Sinabihan na pala ni Santi si Mitchie na darating kami sa kanilang bahay kaya agad na nagluto si Mitchie ng mga pagkain para sa aming munting salu-salo.
Natuwa naman si Mitchie sa aking mga dalang pagkain na idinagdag namin sa mga inihanda nitong pagkain.
Nagpasalamat si Mitchie sa akin, kay Mavie, at sa aking mga biyenan dahil sinamahan namin ito sa kaarawan nito kahit late na ang pag-abiso.
Sa mga panahong nakakapagkita kami ni Mitchie ay bihira ko lamang itong nakitang nakangiti ngunit kahapon ay nakita ko ang totoong kasiyahan sa mga mata nito.
Ang tingin ko ay hindi inaasahan ni Mitchie ang pagdating ng aking mga biyenan sa bahay nito at marahil ay iyon ang labis nitong ikinatuwa.
Kahit papaano ay nakita kong nag-enjoy naman ang mga biyenan namin ni Mitchie sa pakikipagkwentuhan kay Mitchie at mas sumaya pa ang birthday celebration dahil sa kakulitan ng aking anak.
Nang sumapit ang gabi ay nagyaya si Mitchie na pumunta kami sa restaurant bar na agad namang tinanggihan ng aking mga biyenan dahil pagod na ang mga ito at gusto ng umuwi.
Akmang tatanggi na rin sana ako nang sabihin ni Mommy Sunday na ako na lamang ang sumama kay Mitchie at sila na lamang daw ni Daddy Samuel ang maghahatid kay Mavie sa aming bahay at sasamahan na rin nila ang aking anak hanggang sa makauwi ako.
Nag-alangan ako at agad na tumawag kay Rob para magpaalam na sasamahan ko si Mitchie sa isang restaurant bar. Pumayag naman si Rob at sinabihan pang mag-enjoy ako rahil bihira na lamang akong makapag-enjoy dahil sa aking trabaho bilang isang social worker.
At doon nga sa pinuntahan naming restaurant bar ni Mitchie ay nakita namin ang aking naging unang boyfriend na si Liam.
Nilapitan ako ni Liam kaya agad ko itong ipinakilala kay Mitchie. Sinabi ko kay Mitchie na schoolmate ko sa High School si Liam noon.
Hindi ko na sinabi kay Mitchie na ex-boyfriend ko si Liam dahil hindi naman na iyon mahalaga lalo na nga at asawa ko na ngayon ang kapatid ng asawa ni Mitchie.
Naaalala kong nakisalo si Liam sa amin ni Mitchie nang alukin ito ng aking bilas na mag-celebrate kasama namin. Gusto ko sanang tumanggi ngunit nagpumilit si Mitchie dala na rin siguro ng kalasingan.
Uminom ako ng paunti-unti rahil ayokong malasing. Dala ko ang aking kotse at iyon ang ginamit namin ni Mitchie papunta sa restaurant bar na iyon.
Si Mitchie ang kumontrol sa usapan at si Liam naman ay paminsan-minsang nagbibigay ng mga input nito tungkol sa mga bagay na sinasabi ni Mitchie. Ako naman ay tumatango o minsan ay nakikitawa lamang.
Hanggang ngayon ay iyon lamang ang aking mga naaalala na nangyari nang nagdaang gabi.
Wala akong maapuhap sa aking isipan kung paanong napunta ako sa isang kama nang nakahubad at katabi ko pa si Liam.
Imposibleng nalasing ako ng matindi rahil maliban sa dahilang magmamaneho pa ako kagabi ay hindi ko rin gustong makagawi ng isa pang pagkakamali dulot ng kalasingan.
Bigla ay pumasok sa aking isipan ang isang kaganapan na naging resulta ng aking kalasingan ilang buwan na ang nakararaan.
Callie: Russell, mali ito. Mali itong nangyari sa ating dalawa. May asawa akong tao. At boyfriend ka ng kaibigan ko. Ni Olive.
Hindi ko man lang nakitaan ng pagkabahala ang mukha ni Russell matapos ang nangyari sa aming dalawa.
Russell: Huwag kang mag-alala, Callie. Hindi ito malalaman ni Olive. Kahit ng asawa mo. Pangako.
Agad-agad akong bumangon mula sa ibabaw ng kama at nagbihis.
Callie: Pareho tayong lasing. Hindi natin alam ang ating ginagawa.
Nakita kong malungkot na ngumiti si Russell.
Russell: Maaaring hindi mo alam ang iyong ginawa kasama ako, Callie. Pero ako ay alam na alam ko ang aking ginawa kasama ang babaeng aking iniibig.
Natigilan ako rahil sa sinabing iyon ni Russell.
Callie: A-ano ba ang sinasabi mo riyan, Russell?
Umiwas ako ng tingin mula kay Russell dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig nito sa akin.
Russell: Mahal kita, Callie. Dati pa. Bago mo pa makilala si Rob ay lihim na kitang iniibig.
Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig.
Mahal ako ni Russell. Mahal ako ng boyfriend ng aking kaibigan.
Hindi ko alam ang aking mararamdaman pero alam kong mali ito.
Tinitigan ko ng masama si Russell. Gusto kong maramdaman nito na hindi ko na-appreciate ang pagtatapat nito ng pagmamahal para sa akin.
Callie: Mali ang ginagawa mong ito, Russell. Hindi mo rapat sinasabi iyan sa babaeng may asawa na. Kasalanan iyan.
Gusto kong pairalin ang galit sa aking puso nang mga sandaling iyon dahil ang emosyong iyon ang madaling pakiharapan sa sitwasyon naming dalawa ni Russell.
Callie: Hindi ko gustong muling marinig pa mula sa bibig mo ang mga salitang iyan, Russell. Kung ayaw mong tuluyan kong putulin ang ating pagkakaibigan ay iiwasan mo na ako mula ngayon. Respetuhin mo ang pagsasama namin ni Rob.
Nakita ko ang pagbalatay ng lungkot sa mukha ni Russell at yumuko ito.
Russell: M-may nangyari sa ating dalawa, Callie.
Malalim akong nagbuntung-hininga bago muling nagsalita.
Callie: Kakalimutan natin ito, Russell. Pagkakamali ang nangyari sa atin. Isang malaking kasalanan. May asawa't anak ako. Boyfriend ka ng kaibigan ko.
Kahit nakayuko si Russell ay nakita ko ang pag-igting ng panga nito.
Callie: Simula ngayon ay hindi ka na lalapit sa akin. Kalimutan mo na rin ang nararamdaman mo para sa akin. Walang patutunguhan iyan.
Matapos kong magsalita ay agad akong lumabas mula sa loob ng kwarto ni Russell at tumungo ng simbahan. Doon ako humingi ng kapatawaran para sa aking nagawang kasalanan.
Mariin akong pumikit matapos alalahanin ang nangyaring iyon sa aming dalawa ni Russell.
Hindi ko binanggit kay Rob ang tungkol sa nangyari sa aming dalawa ni Russell dahil ayokong magkaroon ng lamat ang aming relasyon.
Hindi na kailangan pang malaman ni Rob ang pagkakamaling iyon na aking nagawa. Hindi ko ginusto iyon at lalong hindi nabago ng pangyayaring iyon ang pag-ibig ko para kay Rob.
Si Rob pa rin ang lalaking aking iniibig at walang magandang maidudulot sa aming pagsasama kung aaminin ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Russell.
Mula nang araw na iyon na may nangyari sa amin ni Russell ay umiwas na ako rito. At ganoon din naman si Russell sa akin.
Kaya hindi rin kasama ni Olive si Russell na pumunta sa birthday celebration ni Rob ay dahil sinabihan ko itong huwag magpapakita sa aming mag-asawa. Sumunod naman ito.
Ngunit nitong mga nakaraang araw ay nagsisimula nang mangulit si Russell. Tawag ito nang tawag na hindi ko naman sinasagot.
Nagpapadala rin ng mga mensahe si Russell na hindi ko naman nire-reply-an.
Hindi ko pa nga alam kung bakit muling nagpaparamdam si Russell sa akin pagkatapos ay nangyari pa itong sa aming dalawa ni Liam.
Malakas ang aking pakiramdam na walang nangyari sa amin ni Liam tulad nang gusto nitong ipakahulugan sa akin kagabi.
Alam ko sa aking sarili na hindi ganoon karami ang aking nainom kagabi. Pero kung hindi ako nalasing kagabi ay paanong nagising akong nakahubad sa tabi ni Liam.
Sumasakit na ang aking ulo sa kaiisip simula pa kagabi.
Ang isa pang pinoproblema ko ay ang sinabi sa akin ni Liam bago kami maghiwalay ng landas kagabi.
Liam: Kung inaakala mong babalewalain ko itong nangyari sa ating dalawa, mag-isip-isip ka, Callie. Kayang-kaya kong sirain ang pamilya mo.
Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng gawin ni Liam na maaaring ikasira ng aming pagsasama ni Rob.
Mahal na mahal ko si Rob at ang aming anak na si Mavie. Ang aking pamilya ang pinakamahalaga sa aking buhay. Sila ang aking kayamanan. Hindi ko kakayanin kapag nasira ang aking iniingatang pamilya.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Rob ang tungkol sa nangyari sa aming dalawa ni Liam.
Paano kung isipin ni Rob na kaya nangyari iyon sa amin ni Liam ay dahil mahal ko pa rin ito lalo na nga at ito ang aking naging unang kasintahan?
Paano kung sabihin ni Liam kay Rob na ang teacher ng anak namin na si Roxy ang dahilan kung bakit naghiwalay kaming dalawa noon?
Paano kung isipin ni Rob na kaya ako naiinis kay Roxy ay dahil hindi pa rin ako nakakapag-move on mula sa pang-aagaw nito kay Liam sa akin?
Hindi.
Hindi magandang ideya na sabihin ko kay Rob ang tungkol sa nangyari sa aming dalawa ni Liam dahil paniguradong iisipin lamang nito na ginusto ko rin ang nangyari.
Pero pwede ko rin namang sabihin kay Rob na sigurado akong walang nangyari sa aming dalawa ni Liam kagabi.
Ngunit ang tanong ay kung maniniwala si Rob sa aking sasabihin.
Naguguluhan na ako.
Ano ba ang aking dapat gawin?
----------
ROXY's POV
Sandali kong tiningnan si Fiona na nanonood ng paborito nitong teleserye ngayon bago ko sinagot ang tawag sa aking phone.
Dahan-dahan akong lumakad papasok ng aking kwarto. Sinilip ko pa si Fiona sa may sala bago ko tuluyang isinara ang pintuan ng aking kwarto.
Si Liam ang tumatawag.
Roxy: Ano? Nagawa mo ba? May masisira bang pagsasama ilang araw mula ngayon?
Narinig ko ang pagtawa ni Liam mula sa kabilang linya.
Liam: Just wait and see, Roxy. In no time ay mapapasaiyo ang lalaking gusto mo.
Isang malaking ngisi ang sumilay sa aking mga labi nang marinig ko ang sinabing iyon ni Liam.
Roxy: Siguraduhin mo lang, Liam. Alam mong pareho tayong makikinabang dito kapag nagtagumpay tayong dalawa. Alam ko namang si Callie ang dahilan kung bakit eventually ay iniwan mo ako noon.
Muling humalakhak si Liam mula sa kabilang linya.
Liam: Matalino ka talaga, Roxy. 'Yan ang gusto ko sa 'yo, eh. O tama bang sabihin na mautak ka?
Hindi ko na sinagot pa ang tanong na iyon ni Liam at nagpaalam na ako sa kanya.
Roxy: Sooner or later I will become Mrs. Roxana Laguarte.
Isang malanding tawa ang aking pinakawalan matapos sabihin iyon.
----------
ROB's POV
Nanlalaki ang aking mga mata habang iniisa-isa sa aking mga kamay ang mga larawang nasa loob ng brown envelope na ipinadala sa akin dito sa aking opisina sa loob ng aking pinamamahalaang restaurant.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.
Mga hubad na larawan ng aking asawang si Callie sa ibabaw ng isang kama kasama ang isang lalaki na katulad niya ay nakahubad din.
Hindi ko kilala ang lalaking kasama ni Callie sa larawan.
Paulit-ulit kong tinitingnan ang mga larawan habang unti-unti nang nanginginig ang aking mga kamay dahil sa halo-halong emosyong aking nararamdaman.
Ilang beses kong pinasadahan ng tingin ang mga larawang nasa aking harapan dahil gusto kong makasigurado kung ang aking misis ba ang babaeng nasa mga larawan.
Sigurado akong hindi edited ang mga larawang aking hawak.
Nakita ko sa larawan ang birthmark ni Callie na nasa itaas ng kanyang pusod.
Si Callie nga ang nasa mga larawang ito.
Sino ang lalaking ito na kasama ni Callie sa iisang kama?
Hindi ako makapaniwalang magagawa ito sa akin ni Callie.
Pinagtaksilan ako ng aking asawa.
Tumiim-bagang ako rahil sa ideyang may ibang gumalaw sa aking asawa.
Paano kung hindi lamang isang beses itong ginawa ni Callie?
Paano kung paulit-ulit akong niloko ni Callie?
Hindi ko namalayang humihigpit na pala ang aking pagkakahawak sa mga larawan at may namumuo nang mga luha sa aking mga mata.
Parang naninikip ang aking dibdib dahil sa aking natuklasang ito tungkol sa aking asawa.
Base sa mga kuha sa mga larawan ay parang nag-e-enjoy si Callie sa kanyang ginagawa kasama ang ibang lalaki sa kama.
Nagtagis ang aking mga ngipin dahil sa aking nararamdamang betrayal ngayon.
Callie cheated on me.
Callie betrayed my trust.
Sa sobrang galit ay pinunit ko ang mga larawang nasa aking harapan.
Bakit?
Bakit ginawa sa akin ito ni Callie?
Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong marinig ang dahilan ni Callie.
Kahit may ideya na akong masakit ang mga salitang maririnig ko mula kay Callie ay susubukan ko pa ring pakinggan ang aking asawa.
Kahit masakit.
----------
to be continued...