ROXY's POV
Nakangiti kong pinagmamasdan ang papalayong sasakyan ng aking future husband na si Rob Laguarte.
Tagumpay!
Nagtagumpay ako sa aking plano ngayong gabi.
At iyon ay dahil sa aking pagiging tuso at sa pagiging uto-uto ng aking matalik na kaibigang si Fiona.
I deserve a Best Actress Award for my little scheme last night and tonight.
Tandang-tanda ko pa ang mga kaganapan sa loob ng restaurant na pagmamay-ari ni Rob habang kasama ko ang aking best friend na si Fiona at ang boyfriend nitong si Waldo kanina.
Natatandaan ko pa kung paanong pinatunayan ni Fiona ang pagiging uto-uto nito kagabi.
Dahil na-convince ko ang aking kaibigang si Fiona na puntahan si Rob sa mismong lugar kung saan nagtatrabaho ang aking man of my dreams para mag-apologize sa ginawa nitong paghuhubad at pagpapakita ng katawan nito sa harapan ng lalaki ay dali-daling kinuha ni Fiona ang phone nito para tawagan ang boyfriend nitong si Waldo.
Ngunit bago pa makausap ni Fiona si Waldo ay bigla itong may naisip. Nag-aalalang tumingin ito sa akin.
Fiona: Eh, best friend, 'di ba sabi mo ay mag-a-apologize ako kay Rob tapos isasama ko si Waldo na aking boyfriend at kanyang best friend para mas ma-feel ni Rob ang aking sincerity sa paghingi ng sorry sa kanya?
Kumunot ang aking noo pero tumango ako kay Fiona.
Roxy: 'Yon nga ang aking sinabi.
Nag-pout naman si Fiona at nagbuntung-hininga.
Fiona: Eh kaso, hindi naman alam ni Waldo na naghubad ako sa harapan ni Rob kagabi.
Nakakunot pa rin ang aking noo habang hinihintay ang sunod na sasabihin ni Fiona.
Fiona: Eh, paano 'yan? Kapag nagtanong ako kay Waldo kung saan nagtatrabaho ang kaibigan niyang si Rob, paniguradong magtataka siya. Baka magduda pa? Anong idadahilan ko?
Pigil na pigil ko ang aking sarili na sabunutan ang aking kaibigang si Fiona.
Kahit kailan talaga ay kailangan pang pulutin ang utak nitong babaeng ito. I swear, hobby talaga ni Fiona ang hindi paganahin ang utak nito.
Hay, nakakaawa.
Fiona: Sasabihin ko ba sa aking boyfriend na kaya ko itinatanong sa kanya kung saan nagtatrabaho ang kanyang kaibigan ay para mag-sorry dito kasi naghubad ako sa harapan nito at ibinuyangyang ang aking katawan dito?
Napapikit ako ng mariin para hindi makapagsalita ng masama kay Fiona.
Fiona: Eh, paniguradong magagalit 'yon si Waldo.
Oo, siguradong magagalit talaga ang boyfriend mong boba ka.
Hay naku. Syempre kailangan ko na namang sabihin kay Fiona ang mga rapat nitong gawin kasi hindi kaya ng utak nito ang makapag-isip ng normal.
Ngumiti ako ng matamis kay Fiona at nagsimulang kausapin ito na parang isa sa aking mga estudyante.
Roxy: Ganito, Fiona. Una, tatawagan mo si Waldo, tama ba?
Mabilis na tumango naman si Fiona.
Tumango rin talaga ang uto-uto. Pinigilan ko pa ang aking sarili na mapahalakhak ng malakas.
Roxy: Sasagutin ni Waldo 'yong tawag mo, tama ba?
Muling tumango si Fiona.
Grabe. Nakakapanghina ang kabobohan ng isang ito.
Roxy: Ganito. Once sagutin ni Waldo 'yong tawag mo, hindi mo agad itatanong kung saan nagtatrabaho si Rob. Kasi sigurado talagang magtataka siya rahil tinawagan mo siya, pero ang bukambibig mo agad ay 'yong kaibigan niya, tama ba?
Nag-pout si Fiona at ilang sandali ay tumango.
Roxy: Syempre, kukumustahin mo muna si Waldo. 'Di ba nagka-hangover siya pagkagising kaninang umaga?
Nakangiting tumango si Fiona na para bang nakarinig ito ng isang magandang ideya.
Roxy: Ngayon, magkukwentuhan kayo saglit ni Waldo. Then after that, saka mo sasabihin, "Uy, babe. Buti nagkita na kami ng friend mo kagabi. Kaso hindi mo pa kami naipakikilala ng personal sa isa't isa. Punta kaya tayo sa pinagtatrabahuan ng kaibigan mo. Balita ko masarap daw 'yong mga pagkaing sini-serve nila roon. Para maipakilala mo na rin ako."
Ngiting-ngiti na ngayon si Fiona rahil nakarinig ito ng idea na kahit sa hinagap ay hindi nito maiisip.
Roxy: Dagdagan mo pa ng, "Hindi mo naman ako ikinakahiya, 'di ba?" Paniguradong bibigay si Waldo sa pagpapaawa mo kasi talaga namang mukha kang nakakaawa, best friend. Talent mo kaya 'yon.
Pumalakpak pa ako sa harapan ni Fiona na parang pinupuri ang talent nito sa pagiging mukhang kawawa.
Fiona: Shocks, friend. Ibang level talaga ang katalinuhan mo. Kaya best friend kita, eh. You're so clever talaga.
Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis kay Fiona.
Hindi 'yon ibang level ng katalinuhan, Fiona. Wala ka lang talagang utak. Nag-resign na siguro ang utak mo.
Grabe, ang bad ko. Dami ko nang nasabing bad sa aking best friend na si Fiona.
Roxy: For sure, si Waldo na mismo ang magkukusang magyaya sa iyo na pumunta sa restaurant ni Rob.
Tuwang-tuwang nakipag-high five sa akin si Fiona bago sinimulang tawagan ang boyfriend nitong si Waldo.
At iyon na nga. Kaya naroon kami sa pinagtatrabahuan ni Rob Laguarte na isa sa mga branch ng restaurant na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.
Medyo nagtaka pa ako noong una kung bakit nawala ang ngiti sa mga labi ni Rob nang makita akong kasama nina Fiona at Waldo sa loob ng kanyang pinamamahalaang restaurant.
Waldo: O, guys. Nag-text na si Rob. Palabas na raw siya ng kanyang office. Ang sabi ko sa kanya ay formal kong ipakikilala ang aking girlfriend sa kanya kahit na ba nakita na niya ang aking baby Fiona noong isang gabi.
Inakbayan pa ni Waldo ang aking kaibigang si Fiona.
Kawawang lalaki. Ginagamit lang ng aking best friend para mapalapit sa best friend nitong si Rob. At kawawang Fiona rahil uunahan ko ito sa lalaking target nito.
Humalakhak ako sa aking isipan na natigil nang makita kong papalapit na sa amin si Rob.
Grabe. Sobrang hot ng aking future husband. Kahit pagod sa work buong araw ay parang ready pa rin siyang trumabaho ng iba at sa aking isip, ang aking hiyas ang kanyang tinatrabaho.
OMG. Me and my naughty mind.
Pero bakit ganoon? Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita ako.
Wrong move ba ako?
Matapos na ipakilala ng pormal ni Waldo sina Rob at Fiona sa isa't isa ay ipinakilala rin ako nito kay Rob.
Roxy: Naku, Waldo. Ipinakilala ko na ang aking sarili kay Rob noong isang gabi pa. Nagkita na rin kami sa school kung saan nag-aaral 'yong kanyang anak. Akalain mo, roon nag-aaral sa school na aking pinagtatrabahuan ang anak ni Rob. Small world.
Sinabayan ko iyon ng masiglang tawa ngunit nagtaka ako sa nakikitang pagkailang sa mukha ni Rob.
Ayos naman kaming naghiwalay ni Rob sa school kahapon, pero bakit ngayon ay parang ilag siya sa akin?
Habang kumakain ako kasabay nina Fiona at Waldo ay hindi ako mapalagay sa parang pag-iwas sa akin ni Rob. Ngunit hindi ko naman siya pwedeng komprontahin dahil tingin ko ay mas iiwas si Rob kung gagawin ko iyon.
Sinubukan ni Waldo na yayain si Rob na sumabay sa aming kumain ngunit tumanggi siya. Akala ko ay uuwi na si Rob pero nakita kong parang may inuutos pa siya sa kanyang mga tao.
Nang nasa kalagitnaan na kami ng aming pagkain ay napansin kong pumasok si Rob sa loob ng kanyang office. Tingin ko ay kukunin na niya ang kanyang mga gamit at uuwi na.
Hindi pwede ito. Hindi pwedeng hindi kami magkasarilinan ni Rob.
Hindi pa ako tapos kumain nang magpaalam ako kina Waldo at Fiona na pupunta ng restroom. Tiningnan ko si Fiona na parang sinasabi rito na sumunod sa akin.
Nang nasa tabi na ako ng pinto ng restroom ay hinintay ko si Fiona na sumunod sa akin. Ilang sandali pa ay nasa aking tabi na si Fiona.
Roxy: Ano? Hindi ka pa ba mag-a-apologize kay Rob?
Nakita ko sa mukha ni Fiona na parang nakalimutan na nito ang totoong purpose kung bakit ito naroon sa loob ng restaurant ni Rob.
Fiona: A-ano kasi---
Pinutol ko ang pagsasalita ni Fiona.
Roxy: Puntahan mo si Rob sa loob ng kanyang office. Baka umuwi na iyon?
Nakita kong nag-alangan si Fiona.
Roxy: Sige na. Kung ayaw mong umiwas sa iyo si Rob ay humingi ka ng apology sa kanya.
Marahan ko pang itinulak si Fiona papunta sa direksyon ng office ni Rob.
Roxy: Uuwi na rin ako, Fiona. Masama ang aking pakiramdam. Mag-enjoy kayo ni Waldo.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong bumalik sa table namin nina Fiona at Waldo.
Nagpaalam ako kay Waldo na mauuna na rahil masama ang aking pakiramdam. Bitbit ang aking mga gamit sa school ay walang lingon-lingon akong lumabas ng restaurant na iyon.
Pagkalabas ko ng restaurant ay agad kong hinanap kung saan nakaparada ang kotse ni Rob na nakita kong gamit niya kahapon sa school. Agad ko namang nakita iyon.
Lumakad ako malapit sa kotse ni Rob at agad kong hinubad ang aking sapatos. Malakas ko itong ipinukpok sa semento ng kalsada.
Yes! Natanggal ang takong ng aking sapatos.
Muli kong isinuot ang aking sapatos na ngayon ay wala ng takong. Tumayo ako malapit sa kotse ni Rob habang bitbit sa aking mga bisig ang aking mga gamit sa school.
Maya-maya pa ay nakita kong lumabas na ng kanyang restaurant si Rob.
Isinakto ko ang timing nang pagbubukas ni Rob ng pinto ng driver seat ng kanyang kotse sa aking pagkakadapa malapit sa kanyang kotse. Talagang sinadya ko pang ihagis sa sementadong lupa ang aking mga gamit.
Nakatawag ng pansin ng ibang tao ang aking kunwariang pagkatapilok kaya siguradong hindi ako pwedeng balewalain ni Rob.
Umaasa akong hindi pa tapos kumain sina Fiona at Waldo at umaasa rin akong nagtatalo pa sila rahil paniguradong hindi naging maganda ang resulta ng pag-uusap nina Rob at Fiona. Alam kong hindi pwedeng basta-basta na lang pumasok sa opisina ni Rob ang hindi empleyado ng restaurant.
Kailangang si Rob ang maghatid sa akin sa aming apartment ni Fiona at hindi ang magkasintahang Fiona at Waldo.
Isang pilyang ngiti ang sumilay sa aking mga labi rahil sa alaalang iyon kanina.
----------
CALLIE's POV
Nag-aalala ako. Hindi pa umuuwi si Rob.
Tumawag ako sa branch ng restaurant kung nasaan ang kanyang opisina at sinabi ng isang staff na kanina pa raw siya nakauwi.
Hindi ko gustong mag-isip ng masama pero iba ang sinasabi ng aking puso.
----------
to be continued...