THIRD PERSON POV
Malakas na ibinalya si Olive ng kanyang kasintahang si Russell sa ibabaw ng couch sa living room ng kanilang condominium unit.
Nakita ni Russell na may kausap sa phone si Olive sa loob ng kanilang kwarto kanina. Inisip nitong may kalandiang ibang babae si Olive.
Napaigik si Olive nang tumama sa kanyang tagiliran ang isang dulo ng couch.
Namilipit sa sakit ang katawan ni Olive dahil malakas ang impact nang pagkakabalya ni Russell sa kanyang katawan sa couch.
Olive: Ma-maniwala ka, babe. Wa-wala akong kalandiang ibang lalaki.
Russell: Sinungaling! Ang kapal ng mukha mong babae ka para mangaliwa pagkatapos kitang palamunin!
Marahas na dinampot ni Russell ang phone ni Olive na nasa ibabaw ng center table at ibinato sa pader ng kanilang condominium unit.
Malakas na napatili si Olive kahit masakit ang kanyang katawan nang makita nagkadurog-durog ang kanyang phone sa sahig.
Russell: 'Yan ang nababagay sa phone mong malandi ka! Kulang pa 'yan sa mga panloloko mo sa akin! Well, pera ko naman ang ginamit mong pambili para sa phone mo na iyan kaya may karapatan akong sirain ang phone mong walanghiya ka!
Malakas na sinipa ni Russell ang center table na muling nagpatili kay Olive.
Tumaob ang center table at tumilapon ang lahat ng nakapatong doon sa sahig ng condominium unit.
Olive: Ta-tama na, Russell. Hi-hindi na ako ma-makikipagtawagan sa iba para hi-hindi ka na magalit. Pata-patawarin mo na ako.
Inabot ni Russell ang isang throw pillow at inihagis iyon sa divider.
Nagkalaglagan mula sa divider ang ibang figurines at vases na nakapatong doon. Muling tumili si Olive.
Si Olive ay nakaluhod na sa sahig habang himas-himas ang kanyang nasaktang tagiliran.
Russell: So inaamin mo nga! Inaamin mong may katawagan ka kanina! Hayop ka, Olive! Papatayin ko 'yang lalaki mo!
Nanlaki ang mga mata ni Olive at biglang kinabahan.
Olive: Hi-hindi lalaki 'yong ka-kausap ko kanina, babe.
Naningkit ang mga mata ni Russell kay Olive.
Russell: Talagang paninindigan mo iyang pagsisinungaling mo sa akin?! Ha?!
Napapikit si Olive sa malakas na pagsigaw ni Russell.
Namumula ang mukha ni Russell sa sobrang galit. Naglalabasan ang mga litid ng leeg nito sa sobrang gigil kay Olive. Kahit ang mga ugat nito sa sentido ay parang gustong maglabasan.
Russell: Sino?! Sino ang kausap mo kanina, Olive?!
Nakakuyom ang mga palad ni Russell habang galit na galit ang mga titig kay Olive.
Ilang beses na lumunok si Olive bago nagsalita.
Olive: Si-si Ca-Callie.
Nang marinig ang pangalang Callie ay unti-unting nawala ang galit sa mukha ni Russell.
Parang biglang kumalma si Russell nang marinig ang pangalan ng kanilang kumareng si Callie.
Best friend ni Olive si Callie at silang dalawa ni Olive ay ninong at ninang sa binyag ng anak ni Callie at ng asawa nitong si Rob na si Mavie.
Russell: Si-sigurado ka ba riyan sa iyong sinasabi, Olive?
May pagdududang tiningnan ni Russell ang kasintahang si Olive.
Olive: Nag-nagsasabi ako ng totoo, Russell. Please, ma-maniwala ka.
Yumuko si Olive matapos sabihin iyon.
Nakaluhod pa rin si Olive sa sahig at himas-himas ang nananakit na tagiliran.
Russell: Ku-kung totoo nga 'yan, sige, patatawarin kita ngayon.
Biglang dinuro ni Russell si Olive.
Russell: Pero oras na malaman kong niloloko mo ako at nagsisinungaling ka ay mananagot ka sa akin at ang iyong lalaki, Olive. Mata niyo lang ang walang latay.
Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Russell at pumasok sa loob ng kanilang kwarto ni Olive.
Si Olive ay nanatiling nakaluhod sa sahig at nagsimulang tumulo ang mga luha. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi para hindi makalikha ng anumang ingay ang kanyang pag-iyak.
Olive: Balang araw ay makagaganti rin ako sa iyo.
----------
CALLIE's POV
Naihatid ko na ang aking anak na si Mavie sa loob ng classroom nito nang makasalubong ko sa corridor ang isa sa teachers ng aking anak.
Si Roxana Valeriana.
Si Roxana ang babaeng aking kinasusuklaman.
Si Roxana ang babaeng aking kinamumuhian.
Si Roxana ang babaeng kung hanggang maaari ay hindi ko gustong makadaupang-palad.
Ito ang Teacher Roxy ni Mavie na hindi ko maintindihan kung bakit gustung-gusto ng aking anak.
Wala namang special kay Roxy kundi ang mang-agaw ng kasintahan o asawa ng ibang babae.
That's Roxy. A third party. A mistress. A homewrecker.
At ang lakas ng loob ng Roxy na ito na tawaging guro ang kanyang sarili.
I can't believe na ang isang uri ng nilalang na katulad ni Roxy ay magiging isang ehemplo ng mga kabataan.
The audacity of this Roxy girl to call herself an educator.
Roxy is nothing but a trash.
I don't usually label people pero kung alam ko kung gaano kasama ang isang tao ay hindi ako mahihiyang tawagin ito sa iba't ibang uri ng masasamang pangalan.
Sa katulad kong isang social worker, I always fight for what is right.
At itong babaeng ito na nasa aking harapan is a despicable person.
Tandang-tanda ko pa ang ginawa sa akin ng babaeng ito several years ago.
Binulungan ako ng aking best friend na si Bernadette na bantayan ang aking boyfriend na si Liam dahil pakiramdam nito ay may gusto ang kapatid nitong si Roxy sa aking kasintahan.
Bernadette: I'm telling you, Callie. I see how Roxy looks at Liam. I know my sister's type. She likes rich guys.
Lumingon pa sa paligid ng school campus si Bernadette bago muling bumulong sa akin.
Bernadette: And your boyfriend, we all know he's the richest kid among all of the students here at our school right now.
Kunot ang aking noo nang tumingin sa aking best friend na si Bernadette.
Callie: Uhm, thanks for the concern, Bern, but I don't think Liam would cheat on me.
Pabulong din akong nagsalita katulad ni Bernadette.
Callie: Tingnan mo nga, lagi niyang sinasabi sa akin kung nasaan siya, kung ano ang kanyang ginagawa, at kung sinu-sino ang kanyang mga kasama. Do you really think Liam would do that to me?
Nagbuntung-hininga si Bernadette.
Bernadette: Look, I don't have any issue with your boyfriend, Callie. My main issue is my sister. You should be wary of her.
Muling kumunot ang aking noo.
Bernadette: I know what Roxy can do if she wants someone or something. The things she can do for her ambition.
Napataas ang aking dalawang kilay.
Callie: And what exactly is Roxy's ambition?
Mariing pumikit si Bernadette.
Bernadette: To get rich. Laging sinasabi ni Roxy na gusto niyang yumaman. Minsan ay sinusumbatan niya ang mga magulang namin kung bakit ganito ang buhay namin. Na sana ay iba na lang daw ang kanyang naging mga magulang.
Nagkibit-balikat ako.
Callie: Well, kung gusto niyang umasenso ay magsikap siya. Look at you. You are always Top One of our batch. Roxy should look up to you. Tularan ka at hindi 'yong---
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang may mapansin ako sa aking peripheral vision.
Nakita ko ang aking boyfriend na si Liam na naglalakad sa school grounds kasama si Roxy at nagtatawanan ang mga ito. Bigla akong kinabahan.
Bernadette: See? That's what I'm telling you. Kasasabi ko pa lang.
Kinahapunan nang araw na iyon ay agad kong sinabihan si Liam na layuan si Roxy ngunit nagalit ito sa akin.
Liam: Ano ba ang problema mo, Callie? Nakikipagkaibigan lang 'yong tao. Masyado kang selosa. Nakakasakal ka na.
Napataas ang aking dalawang kilay dahil sa sinabi ni Liam.
Callie: What are you talking about? Ngayon lang kita pinagbawalan, Liam.
Bumuntung-hininga si Liam.
Liam: Yes, ngayon mo lang ako pinagbawalan. Pero hindi ba kailangan kong mag-report palagi sa iyo kung nasaan ako, kung ano ang aking ginagawa at kung sinu-sino ang aking mga kasama?
Nanlaki ang aking mga mata sa aking mga naririnig mula kay Liam.
Callie: Kahit kailan ay hindi ko iniutos na gawin mo ang mga bagay na iyon, Liam.
Umiling si Liam.
Liam: Hindi mo nga iniutos, pero 'yon ang ipinaparamdam mo sa tuwing magkasama tayo, Callie.
Napasinghap ako sa sinabi ni Liam.
Saan ba nito nakukuha ang mga pinagsasabi nito?
Liam: And thanks to Roxy for enlightening me. Siya ang nagsabi niyon sa akin nang dapat ay magte-text ako sa iyo para sabihan kang magkasama kami kanina. Kaya hindi na kita m-in-essage. And for the first time since we've been together, I felt free, Callie.
Natigilan ako sa sinabi ni Liam.
Roxy? Enlightened him?
Liam: At itong iniuutos mo sa akin ngayon, ang layuan si Roxy, it just proved what Roxy told me earlier. Na sinasakal mo ako.
Bigla ay naramdaman ko na lang na nangilid ang mga luha sa aking mga mata.
At tuluyang tumulo ang aking mga luha nang tinalikuran ako ni Liam at naglakad palayo sa akin nang hindi ako nililingon.
Tatlong araw mula nang araw na iyon ay biglang sumulpot sa aking harapan si Liam. Magka-holding hands sila ni Roxy.
Liam: Callie, it's over. I'm tired of you nagging me all the time.
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Liam.
Nakikipaghiwalay si Liam sa akin dito sa school grounds.
And me? Nagging him?
Liam: I'm breaking up with you. I feel sorry for myself for wasting my three years with you, Callie.
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata.
Why is Liam doing this to me?
Nakita kong itinaas ni Liam ang magkahawak nilang kamay ni Roxy.
Liam: I want you to meet my new girlfriend, Roxy. Way better than you, Callie.
Nanlaki ang aking mga mata sa rebelasyong iyon ni Liam.
Kung wala si Bernadette para alalayan ang aking mga braso ay baka bumagsak na ang aking katawan sa lupa. Nanlalambot ang aking mga tuhod.
Masamang-masama ang aking loob.
Naputol ang aking pagbabalik-tanaw sa nakaraan nang bigla akong batiin ng masamang nilalang sa aking harapan.
Roxy: Good morning, Mrs. Laguarte.
Gustung-gusto kong burahin ang matamis na ngiti sa mukha ni Roxy nang mga oras na iyon.
I hate Roxy.
----------
to be continued...