CHAPTER ONE

1510 Words
Mercilita’s pov   NAPILITANG umuwi si Mercilita sa kanilang probinsiya sa Isabela dahil pinapagawa pa ang ang apartment na kanyang tinutuluyan. Plano iyong gawin commercial space nang may-ari, kaya magsososyo sila ng kaibigang si Nessie upang gawin iyon beauty parlor. Tamang-tama naman at malapit na ang fiesta sa kanila. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakaauwi.   Siya si Mercilita Agustin, kilala rin siya sa tawag na Mercy. Kay bantot na pangalan, okay lang ‘yon wag lang siya ang maging mabantot. Twenty-seven years old. Accountant. She's simply beautiful. Long black hair. Has slim body and sexy. 5’8 ang kanyang taas. Her thin almond eyes are brown. Kaakit-akit ang mga iyon kapag tinitigan. Has pointed nose na bumagay sa kanyang bilugang mukha. Her skin was sand neutral undertone. She has a very naughty smile. Sometimes she is eccentric sa madaling salita loka-loka, funny and charismatic. She’s hard working, lalaban siya kahit mahirap. Naging working student siya kung kaya nakapagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Accountancy.   Ibang-iba na siya sa Mercilita na patpatin at walang dating. Sipunin pa nga kung minsan pero maganda pa rin. Natuto na siyang mag-ayos at magpaganda. Palibhasa kasi ay kasama niya sa apartment ang baklang kaibigang si Ernesto na kilala naman sa tawag na Nessie. Ginagawa siyang trial and error nito kapag may rampa ito. Ginagawa siyang modelo ni Nessie sa mga hawak nitong artist. Nagiging pandisplay ang kanyang mukha pero hanggang doon lamang siya. Wala siyang hilig sa pagmomodelo. Maton siya kung maglakad. Baka sumuko ang magturo sa kanya kapag nagkataon.   Madalas ay ang mga magulang niya ang dumadalaw sa kanya sa Manila kaya naman tuwang-tuwa ang mga ito nang sabihin niyang magbabakasyon siya sa probinsiya.   “Hay naku mabuti naman at matagal-tagal ka rin dito sa atin. Kung hindi pa pinagawa ang apartment niyo ay baka wala ka ng balak umuwi dito,” wika ng kanyang Nanay Lanie. Niyakap niya ito ng mahigpit. “Malapit na namin makalimutang may anak pala kami,” wika pa sa kanya ng nanay niya.   “Matagal nang bakante yang silid mo anak,” wika naman ng kanyang ama. Kapwa senior citizen na ang kanyang mga magulang. Abala ang mga ito sa sari-sari store na pinatayo niya para sa mga ito. Hindi tulad dati na hirap na hirap pa sila. Namamasukan lamang ang kanyang ina bilang labandera at jeepney driver naman ang kanyang ama. Mabuti na lamang at nakakuha siya ng scholarship sa Manila kung kaya nakapagtapos siya sa kanyang pag-aaral.   “Alam niyo naman kung ano talaga ang plano namin ni Nessie? Magtatayo kami ng salon para naman kahit na nagtratrabaho ako ay may business kami,” wika niya sa mga magulang. Namiss niyang kumain ng ginataang native na manok. Agad siyang puwesto sa mesa upang kumain. “Mukhang mapera na si Nessie ah?” wika ng kanyang ina kaya tumango siya.   “Malaki kung kumita ang baklang ‘yon. Mga kilalang artista pa ang hinahawakan kung minsan,” kwento niya sa mga magulang.   “Bakit hindi ka na lang mag-artista?” tanong sa kanya ng ina kaya naubo siya.   “Artista talaga nay?” tanong niyang natatawa.   “Aba bat naman natatawa ka? Kay ganda mong bata,” wika naman ng kanyang Tatay Noel kaya natawa siya.   “Naku mukhang may gusto kayo ipabili,” natatawa niyang wika. “Wala akong pera,” wika niya pa kaya nagkatawanan sila. Simpleng buhay lang naman ang gusto niya. Ang maibigay sa mga magulang niya ang lahat ng naisin ng mga ito. Ang maiahon ang mga ito sa kahirapan. Nagawa niya naman iyon pero kulang pa rin sa kanya.   Pagkatapos niyang kumain ay naglakad-lakad siya sa likurang bahagi ng kanilang bahay. Malaki na ang ipinagbago ng kanilang lugar. Marami na ring malalaking bahay at magaganda. Napasimangot siya nang maalala ang dating kapitbahay nila. Ang may malaking lupain sa tabi nila. Ang lalaking mayabang na akala mo ay kay gwapo-gwapo samantalang patpatin naman ito. Isang pitik mo lang ay tatalsik na. Hindi niya maaaring makalimutan si Sebastian lalo pa at naging bangungot ito sa kanyang nakaraan. Simula nang mag-migrate ang pamilya nito sa ibang bansa ay wala na siyang balita sa lalaki.   Ibang-iba na si Sebastian. Ang dating patpatin ay napakamacho na. Hindi niya na nga ito nakilala. Madalas ay nagiging stalker siya nito sa i********:. Gumawa pa siya ng fake account para lang makita ito. Si Nessie kasi ang promotor. Hinanap nito sa i********: ang lalaki kung kaya madalas ay nakaabang siya sa post nito.       NANLAKI ang mga mata ni Mercy nang makita niya kung sino ang nagmamay-ari ng magandang motor sa tapat ng bahay nina Nessie.   “OMG!” hiyaw ng kaibigan niya dahil kapwa sila napakatingin sa pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay ng mga ito. Kahit nasa loob sila ng sala ay kita pa rin nila ang humihintong sasakyan sa kalsada dahil nasa tapat lamang ng kalsada ang bahay nina Nessie. Kasabay niya itong umuwi ng Isabela pero mauuna itong babalik sa Manila dahil na rin sa mga raket nito.   Tumigil yata ang kanyang mundo nang mapag-sino ang bagong dating. Pakiramdam niya ay nagpalpitate ang kanyang dibdib.  Anong ginagawa ni Sebastian sa Isabela samantalang ang alam niya ay nasa Canada ito? Tiningnan niya si Nessie. Nakanganga pa ito.   Hinila niya si Nessie sa loob ng bahay baka makita sila ni Sebastian. Muntikan pa itong bumaliktaad sa kinauupuan nito. “Anong OMG yang sinasabi mo?” kompronta niya sa kaibigan samatalang nakasilip pa siya sa bintana ng mga ito upang makita muli si Sebastian. Gusto niyang makasiguro kung si Sebastian nga ang dumating.   “Hindi mo ba nakikita? Si Sebastian yan,’ kinikilig na wika ni Nessie sa kanya. “Ang kababata natin,” dagdag pa nitong wika. “s**t! Ang gwapo niya Mercilita. Sa wakas ay may naligaw naman na gwapo dito sa lugar natin,” kinikilig na wika ni Nessie sa kanya. Tiningnan niya si Sebastian. May kausap ito sa cellphone habang hawak ang helmet.   Pinitik niya ang tenga ng kaibigan.   “Bakit ako lang ba ang natulala sa gwapong pumarada sa tapat ng bahay namin? Aminin mo gwapong-gwapo kay Sebastian kanina? Tulo-laway ka nga eh,” biro nito sa kanya kaya pinandilatan niya ito. Salamat na lang sa puno ng palmera dahil hindi siya nakita ni Sebastian. Ibang-iba na nga si Sebastian. Napakataas nito. Ibang-iba ito sa larawan nito sa i********: at sa personal. Kaakit-akit ang tindig nito.     Walang babae ang hindi magkakagusto sa lalaki. Nailang siya bigla. Kung ikukumpara niya ang sarili kay Sebastian ay malayong-malayo siya dito. Baka nga hindi na siya nito pansinin o di kaya ay di na kilala.   Sino ba naman siya sa lalaki? Laruan lang siya nito noon. Tuwang-tuwa ito kapag nasasaktan siya palibhasa kasi mayaman ito kaya ganoon na lamang ang tingin nito sa mga mahihirap. Laruan nito.   Aaminin niyang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya nang makita kung sino ang nagmamay-ari ng makisig na katawan at habang hinahubad nito ang suot na helmet ay para siyang tanga na naghihintay na masilayan ang mukha nito. Akala niya ay hanggang porma lamang ang lalaking may-ari ng motor hindi pala dahil mala-adonis ang itsura nito. Pang Hollywood actor ang datingan. Tama nga ang bestfriend niya na ohlalala siya sa kagwapuhan ni Sebastian.     Malayong-malayo sa lalaking kinamumuhian niya fifteen years ago. Naaalala niya pa noon ang mukha nito. Daig pa nito ang tingting sa kapayatan at ang mukha nitong napakakinis ngayon ay puno ng pimples noong araw. Wala namang kaso sa kanya ang hitsura nito. Ang ikinaiinis niya lang ay masyado itong feelingero. Masyadong mahangin ang ulo nito noong araw at natitiyak niyang lalo na ngayon dahil ubod na ito ng gwapo baka nga sumobra pa.   Napabuntong hininga siya.   “Kahit ubod pa siya ng gwapo hindi ako magkakagusto sa kanya. Hinding-hindi siya papasa sa standard ko! At lalong hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya sa akin noong araw!” madiing ang mga salitang binitiwan niya sa kaibigan.   “Hindi ka pa rin makamove-on kay Sebastian?” nanlalaki ang matang tanong sa kanya ni Nessie kaya muli niya itong pinandilatan.   “Hindi ako maka-move on sa paghihiganti!” pagtatama niya sa sinabi nito. Ano ganun-ganun na lang ba ‘yon? Palagi siya nitong nalalamangan. Ipinangako niya sa sarili na kapag nag-krus ang kanilang landas ay gaganti siya kahit anong mangyari.   Muli siyang sumilip sa labas ng bahay nang mapansing umalis ang lalaki. Agad siyang naghanap ng pako at patakbong tinusok ang gulong ng motor nito. Gulat na gulat si Nessie sa ginawa niya at kahit anong pigil nito ay hindi siya nagpaawat. Agad na nawalan ng hangin ang motor ng lalaki bago siya kumaripas ng takbo sa sarili nilang bahay. Magkapitbahay lamang sila ni Nessie. Naririnig niya pa ang pagtawag ng kaibigan sa kanya pero hindi niya ito pinakinggan. Lihim siyang napangiti sa ginawang kabaliwan. Natatawa na lamang siya sa kanyang ginawa. Pakiramdam niya bumalik siya sa pagkabata. But this time uuwi siyang nakangiti.   “Magwala ka ngayon!” wika niyang ngising demonyo.   Ilang beses din siyang umuuwi nang nakaiyak nang dahil kay Sebastian. Hindi niya na hahayaan na mangyari ‘yon.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD