Chapter 29 3rd Pov Kinabukasan pagkagising ni Jason, wala na sa tabi niya si Patricia. Tiningnan niya ang mga damit ni Patricia, subalit naroon pa rin ito. Akala niya lumayas na ito. Ngayon lang siya tuluyang nahimasmasan. Walang sawa niyang inangkin si Patricia kagabi. Sa sobrang galit niya hindi niya na alam na nasasaktan niya na ang kaniyang asawa. Napahawak siya sa kaniyang ulo dahil sumasakit ito may hang-over pa siya. Wala siyang balak ngayon na pumasok o bumalik sa Holand. Nagbihis siya at lumabas ng silid nila ni Patricia. May nakahain ng pagkain sa lamesa at nakahanda na rin ang damit na susuotin niya. Lahat ng iyon ay si Patricia, ang gumawa. Pinagsisilbihan pa rin siya nito sa kabila ng lahat ng mga nagawa niya kagabi. Subalit nagtatagisan pa rin ang kanyang mga ngipin