TANGA

2166 Words
UNFAITHFULLY YOURS Chapter 6 Cindy's Point of View Joemar Ancheta   “Nasaan ka ba?” naiinis kong text. Hindi na siya sumasagot. “Kahit last Friday at Sunday hindi ka na rin bumibisita. May problema ba tayo?” muling tanong ko. Sinubukan kong tawagan ngunit nakatatatlong ring palang ay maka-cancel na ang tawag ko. Nagngingitngit ako sa galit lalo pa’t alam kong magkasama sila ng sinasabi niyang fling lang niya. Sinisira na ako ng pagseselos. Hindi ko na nagagawa ang dapat ginagawa ng isang instructor. Minsan pumapasok ako sa classroom ko na wala akong alam sa lesson. Nagiging pabaya na ako pati sa aking katawan at alam ko, kung di ko ito aayusin, ako ang magiging kawawa. Babagsak ako, babagsak pati ang career na iniingatan ko. Ang isa pang masakit ay yung makakasalubong ko siya sa school ngunit iiwas siya. Alam kong pinapasukan niya ang ibang klase niya ngunit hindi sa akin. Bakit? Dahil alam niyang kahit hindi siya papasok sa klase ko ay papasa naman siya sa akin at iyon ang hindi ko nagugustuhan. Binabale-wala na niya ako. Kaya nga nang minsang nakasalubong ko siya ay hinawakan ko agad ang braso niya at pilit kinausap dahil punum-puno na ako. “Bakit ka ba umiiwas?” galit kong tanong. “Anong umiiwas ang sinasabi mo?” “Hindi ka na pumapasok sa klase ko, bakit?” “Lasing ako kagabi. Ang aga kasi ng klase ko sa’yo. Di ko magawang magising ng maaga. Saka hindi mo naman ako ibabagsak hindi ba?” “Bakit? Dati naman nagagawa mong pasukan ang klase ko ah. Sa tingin mo hindi kita kayang ibagsak sa ginagawa mo?” “Ibabagsak mo ako? Weehh, talaga?” “Oo at huwag mo akong hinahamon. Kaya kitang ibagsak. Kayo kong mawala ka sa buhay ko kung ganyang lokohan at gamitin na lang pala ito!” “Sige kung gusto mo akong ibagsak e, di gawin mo. Sanay na ako bumagsak kaya nga ako nandito pa rin dahil sa kagaya mong nambabagsak. Pero tandaan mo ha, kung gagawin mo ‘yan, huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin.” “Hinahamon mo pa talaga ako ah.” “Hindi kita hinahamon, sinasabi ko lang ang pwedeng magyari at huwag mo akong sisisihin.” “Isa pa, akala mo ba hindi kita napapansin? Nakikita kitang umiiwas sa tuwing makakasalubong mo ako.” “Ano bang pinagsasabi mo? Walang gano’n. Bakit naman kita iiwasan?” “Hindi ko alam. Hindi kaya dahil ayaw mo na sa akin kaya ka ganyan?” “Masyado ka lang kasing possessive.” “Ako talaga ang possessive? Hindi mo ba naisip na kaya ako nagkakaganito kasi nga pakiramdam ko, ginamit mo lang ako.” Huminga siya ng malalim. Tumingin muna siya sa paligid bago niya ako binulungan. “Huwag mong ipahiya ang sarili mo sa school. Ikaw ang may pangalan na inaalagaan dito, hindi ako. Mamaya usap tayo sa bahay mo. Pupunta ako ro’n.” “Siguraduhin mo lang kasi napupuno na ako sa’yo.” “Oo, pupunta talaga ako.” Tumingin siya sa paligid. Noon lang din ako parang nahimasmasan nang nakita kong nagbubulungan na ang mga estudiyante at ilang instructors na dumadaan at nagmamasid. At ginawa naman niya ang kanyang pangako sa akin. Pinuntahan niya ako. “Mabuti at naalala mo pa akong puntahan.” “Bakit k aba nagkakaganyan? Cindy, akala ko ba nagkakalinawan tayo. Mga nakaraang buwan, lagi naman ako sa’yo ah. Hindi ba ako pwedeng bumawi naman sa kinakasama ko?” “Bumawi? E paano naman ako? Ano ‘to? Gagamitin mo kaming dalawa? Pana-panahon kung sino ang gusto mo sa aming sipingan?” “Huwag ka ngang nagseselos, hindi bagay sa ganda mo.” Mabilis niya akong hinila at niyakap. Sinampal ko siya ngunit madiin at mapusok na halik ang iginanti niya sa akin. Sinubukan kong magwala ngunit habang ipinapasok ng dila niya ang aking bibig at ginalugad ng isang kamay niya ang tinatakpan ng maliit na telang iyon sa pagitan ng aking mga hita ay sandali akong napasinghap sa kakaiba na naman niyang ginagawa sa akin. Bumaba ang labi niya sa aking dibdib habang abala ang kamay niya sap ag-apuhap sa aking perlas. Nawala ang lahat ng aking inis. Natunaw ang galit at natagpuan ko na lamang ang aking sariling hubo’t hubad na nakahain sa kanya. Ginalugad niya ang aking kahubdan at ramdam ko ang pagdila-dila niya sa aking bukana. Napahalinghing ako sa sobrang sarap. Sinasabayan ng dila niya ang kanyang daliri sa paglabas masok sa aking bukana. Muli akong napamura sa kakaibang sarap na kanyang pinalalasap. Hanggang sa humiga siya. Malakas ang kanyang braso na binangon ako at pinaupo sa kanyang kandungan. Hanggang sa ako na muli ang nangabayo sa kanyang kandungan. Sa ganoon ay kontrolado ko ang paglabas-masok niya sa akin. Kontrolado ko ang kaibuturan ng naabot ng kanyang alaga. Napaliyad ako sa sarap dahil ramdam kong abo’t ng mahaba niyang kargada ang aking kaloob-lobaan. Hindi ako napagod sa aking ginagawa. Wala akong balak itigil. Hindi ko dapat bitinin ang sarili ko lalo pa’t hawak niya ang aking balakang at para bang sumasalpok ang akin sa kanya sa tuwing walang daplis na pinapasok niya ako. Hanggang sa lumakas ng lumakas an gaming mga halinghing. Sabay kaming napapamura sa sobrang sarap at sabay naming isinaboy ang dagta ng kaluwalhatian. Muling pinagsaluhan ang mainit na pagtatalik. Nawala ang aking tampo at galit. At sa gabing iyon, sa akin siya natulog. Magdamag kaming magkasalo. Inulit pa naming pinagsaluhan ang init ng aming pagsinta nang madaling araw. Maaga na siya umalis. Hindi na nga siya nag-agahan. Nang tinignan ko ang laman ng aking pitaka, simot na. Sinimot niya ang galit at inis ko sa kanya sa aming pagtatalik at nang umalis sinimot din niya ang aking cash. Nag-text ako. Tinatanong kung nakarating na siya pero hindi siya sa akin sumasagot. Kahit nang tinawagan ko siya ay kina-cancel niyang muli. Gano’n na gano’n ang nangyayari sa amin. Nakapapagod na. Nakasasawa ngunit mahal ko siya. Mahal na mahal kaya ang hirap para sa akin na bitiwan siya. Alam kong mali. Alam kong tanga na ako. Na nagagawa ko na ang ginagawa ni Mama noon ngunit bakit parang wala akong lakas na gawin ang iniisip ko sa tuwing naiinis ako? Bakit haplos lang niya at halik, okey na uli ako? Masakit tanggapin ang mga pagbabagong iyon lalo pa't nang second semester ay hindi ko na siya nagiging istudiyante pa. Pinupuntahan pa din naman niya ako sa bahay lalo na kapag nagugutom o kaya walang pantoma. Mahal ko siya e. Tanga na kung tanga pero kung katangahan ang paminsan-minsang paghangad ng kasiyahan sa piling niya, ayos lang magpakatanga habambuhay. Sa tuwing hindi kami ang magkasama ay nasasaktan ako. Alam ko kasing sila ng kinakasama niya ang magkasama pero kaya ko pa namang tiisin noon ang lahat huwag lang siyang mawala sa akin ng tuluyan. Said ang sahod ko, nagkakautang-utang pa ako. Maluho kasi siya sa mga gamit. Halos weekly kung ipag-shopping ko siya. Baklang-bakla ang dating ko. Akala ko noon, bakla lang ang gumagastos sa lalaki, hindi pala. May mga kagaya rin pala akong babae. Pero kabaklaan ba ang paggastos sa minamahal? Hindi nga ba’t kahit mga straight na lalaki, gumagastos din sa babae, ang bakla sa lalaki, ang tomboy sa babae, kapag ba babae ang gumagastos sa lalaki ay mortal na kasalanan? Alam ko namang mali ngunit iniisip ko na lang lagi no’n na hindi ako mapapaligaya ng pera ko. Si Mark, ang siyang nagbibigay sa akin ng sayang hindi kailanman man matutumbasan ng salapi. Dahil sa hindi ko kaya ang aking mga nararamdaman, nasabi ko sa kaklase at kasama kong nagtuturo nsa university ang tungkol sa lihim na relasyon namin ni Mark. Kailangan ko na kasi ng mahihingaan. Mababaliw na ako kung wala akong mapagsasabihan. Wala akong itinago sa mga baklang kaibigan ko. Alam na nila ang mga nangyayari. Kasiraan kay Mark pero gusto kong ilabas ang galit at inis. Pinayuhan naman ako. Nakinig pero hindi sinunod. Muli akong magkukuwento sa inis ko, muli silang magbibigay ng payo na tigilan na. Na tapusin na ang panggagamit ni Mark sa akin pero ang tangang sobra nang nain-love wala na talagang pinakikinggan. Wala nang payo pang sinusunod. Hanggang dumating ang aming unang anniversary. Tama, umabot ng isang taon ang aking pagtitiis. Nagawa kong magpakatanga ng isang taong sa lalaking walang kuwenta nguit masarap lang sa kama. Isang taong naitago ko sa school ang aming relasyon. Isang taong nagtiis na maging parang kabit at minsan feeling original. Usapan namin na magdi-dinner siya sa bahay kaya naghanda ako ng makakain ngunit ang usapang six ng hapon ay naging alas-otso na ngunit wala pa ring Mark ang kumatok sa pintuan. Gusto ko siyang tawagan ngunit malinaw ang aming usapan, siya ang unang tatawag at magte-text kaya ang tanging kaya kong gawin ay ang maghintay na maalala niya ako. Dahil lagpas tatlong oras na akong naghihintay sa oras na usapan namin kaya nag-text na ako. Bahala na pero kailangan kong sabihan siya na may naghihintay sa kanyang pagdating. Na pareho lang naman kami ng kalagayan ng kanyang kinakasama. Pareho lang naman namin na boyfriend si Mark. Bakit kailangang ako ang magtiis lang at mag-adjust? Bakit ako, alam ko, yung kinakasama ba niya alam din ang tungkol sa akin? Hindi ba dapat panahon na na malaman ng babae na hindi lang siya ang may ari kay Mark? Ako rin bilang girlfriend ay may karapatan rin sa kanya. “Nasaan ka na? Pupuntah mo pa ba ako?” iyon ang unang text ko. Ilang minuto din akong nag-abang sa pagtunog ng cellphone ko ngunit walang naging sagot mula sa kanya. “First anniversary natin ngayon. Ikaw pa mismo ang nagsabing puntahan mo ako. Mag-reply ka naman para alam ko nang hindi ako rito nagmumukhang tanga sa kahihintay.” Wala pa ring sagot. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko na talaga siyang tawagan. Sobra na ‘to. Nanginginig ang kamay ko nang tinawagan ko siya. Nag-ring lang ng dalawang beses hanggang sa out of coverage na. Muli ko siyang tinawagan ngunit nakapatay na talaga. Lalo akong nakaramdam ng galit. Magkasalitang text at tawag na ang ginagawa ko dahil sa sobrang inis pero mukhang kinalimutan na talaga niya ako. Mukhang wala naman talaga yatang balak na siputin ako. Biglang tumunog ang celphone ko. “Hello?” kinakabahan kong pagsagot sa tawag. "Uyy Cindy, hello.” “Bakit?” matamlay kong tanong sa kaibigan kong nakakaalam sa relasyon namin ni Mark. “Huwag kang masasaktan ha,” pasakalye niya. “Masasaktan? Bakit naman ako masasaktan? Ano ba ‘yon?” iba na ang kutob ko. “Di ba anniversary ninyo ni Mark kaya di ka sumasa amin?” “Oo, bakit ba? Tapatin mo na lang ako kung anong meron.” “Ang Mark mo, nandito sa bar kasama ng isang bakla at sweet na sweet sila.” “Sigurado ka ba?” “Oo, sure ako kasi katabi lang namin sila ng upuan.” “Gagong ‘yan, pinaghanda-handa pa ako sa putang-inang anniversary, yun pala sa bakla lang sasama. Maintindihan ko pa sana kung sa kinakasama niya, kung sa kagaya kong babae pero sa bakla? Ganoon na ba siya ka-gipit? Ganoon na siya kadesperado sa pera? Nandiyan pa ba sila?” “Oo, nandito pa kami. Ano, susunod ka ba?” “Sige, puntahan ko agad nang magkaalamanan na.” Huminga ako ng malalim. Dinibdib ko ang lahat. Nilihim ko sa mga kaibigan ko sa hinala kong bukod sa may kinakasama ay namamakla pa siya. Do’n kasi sa pamamakla niya, hindi ako sure kaya hindi ko iyon sinabi sa kanila pero heto at may bakla pa pa lang kasama. Siya na rin ang nagpakilala sa kanila. Parang sasabog na ang dibdib ko. Pagkatapos kong iniligpit ang mga inihanda ko para sa anniversary sana namin ay nagmamadali akong nagpalit at tinawagan ang kaibigan ko kung nasaan silang bar para susunod na lamang ako. May isa akong gustong patunayan. Ngayon ko malalaman kung totoo ang sinasabi niyang mahal din niya ako sa text at paminsan-minsan sa tuwing nasa bahay kami. Kahit hirap nang paniwalaang mahal niya ako sa kanyang mga ginagawa ngunit pinaniwala ko ang sarili kong mahal niya ako. Lalo pa't kahit nagbubunganga ako ay tanging halik sa labi at yakap ang ginaganti niya sa akin. Kaya nga naniniwala akong mahal niya nga ako dahil sa umabot din ang amin ng isang taon. Pagpasok ko pa lamang sa bar ay sinadya kong dumaan sa harapan nila ng baklang sinabi ng mga kaibigan kong kasama niya. Swerte pa ako sa baklang kasama niya dahil alam kong tatlo na kami sa buhay ng lalaking kaharap niya at tanga siya kasi siya mismo ay hindi niya alam na may dalawa pa siyang kahati sa jumbo hotdog ng binoboyfriend niya. Ngunit hindi kaya mas tanga ako dahil alam kong may kinakasama na ang binoyfriend ko pero pumasok pa rin ako sa gulo? Hindi ba katangahan na nandito ako’t ipinaglalaban pa rin ang lalaking hindi ibinibigay ang deserve kong pagmamahal?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD