Chapter 7

1590 Words
Chapter 7 LARA'S POV Mag-isang naka-upo si Lara sa silid at napaka-lalim ang iniisip. "Miss na kita Papa." Gumuhit ang pait at lungkot sa labi ni Lara dahil hanggang ngayon wala akong balita sa aking Ama. Hindi ko alam kong kumusta na ito? Hindi ko alam kong may sapat pa ba itong gamot sa kaniyang sakit? Hindi ako sanay na mawalay nang ganito katagal sa aking Ama at lubos na nag-aalala ng husto si Lara sa kalagayan ng aking Ama. Panigurado labis na itong nag-aalala dahil hindi na ako umuuwi, o kahit tumatawag lamang sakanila. Huli ko lang na paalam kay Tiya Celia, na may mahalaga akong pupuntahan na trabaho, at babalik din naman ako pero hindi na akong muling nag paramdaman sakanila. Gusto man sanang puntahan ni Lara ang aking Ama, pero paano? Laging naka-bantay ang mga tauhan ni Calix sa akin, na kahit nga pag-labas ko hindi ko magawa-gawa, puntahan pa kaya ang aking Ama? Niyakap ni Lara ang tuhod at pinag-mamasdan ang napaka-gandang tanawin sa labas ng Mansyon. Labis akong naiinggit sa ibang tao na malaya nilang nagagawa ang mga gusto nila, na walang taong mag kokontrol at mag-babawal. Samantala naman ako, narito lamang sa loob ng Mansyon naka-kulong at walang kalayaan. Kahit narito na ang karangyaan na buhay at masasarap na pag- kain, pero hindi pa din ako gaanong masaya. At tangi ko lamang kasama ang mga katulong o kaya naman si Calix. Sa isang iglap, nawala ang buhay na mayron ako. Buhay na masaya kasama ang aking Ama at mga kaibigan, at ngayon mukhang malabo na para sa akin na maka-alis ako sa lugar na ito. "Asan kana ba kasi Ate Laura?" Nag pakawala nang malalim na buntong-hiningga si Lara. Dapat may gawin ko. Dapat mag isip ako nang paraan para lamang makuha ang loob ni Calix. Kukunin ko ang loob nito para lamang mapa-lapit ako at mapa-sunod ko ito sa aking mga gusto. Sa paraan na iyon, baka pag-bigyan niya na ako sa mga bagay na gusto, at iyon ang kalayaan na matagal ko nang inaasam. Ganun nga Lara. Ganun ang gawin mo. Gumuhit ang plano sa isipan ni Lara. Wala namang mangyayari kong mag hihintay at wala akong gawin. Dapat kailangan ko ng kumilos. Mabilis na tumayo si Lara at nag mamadaling pumunta sa ibabang palapag para isakatuparan ang aking mga plano. "Good morning Mam Laura, may kailangan po ba kayo?" Salubong sa akin ng katulong. "Meron sana, Manang. Alam niyo po ba ang gustong pagkain ni Calix?" Balak sana ni Lara na pag-handaan ng paboritong pag-kain si Calix. Magaling at masarap naman ako mag luto kaya't hindi naman mahirap sa akin na gawan ng kahit anong putahe man ang gusto nito. "Si Sir Calix po ba Mam?" Nag katinginan ang mga katulong na parang nahihiwagaan sa sinabi ko. "Oo, balak ko sanang pag-lutuan nang masarap na pag-kain ang asawa ko." Nilawakan ko na ang ngiti sa labi ko, para namang maging kumbinsado ang sinabi ko. Hindi nila alam na may balak ako sa aking gagawin, kaya't ginagawa ko lamang ang bagay na ito. "Napaka-sweet niyo naman po Mam." Kini-kilig na puri ni Isay. "Gawin niyo na lang po Mam iyong parati niyong niluluto kay Sir Calix, iyong paborito niyang pag-kain po." "Talaga? Ano iyon?" "Coq au vin." "Coq au-- Ano?" "French cuisine po iyan Mam, iyan din po ang madalas na niluluto niyo po kay Sir Calix, at paborito ni Sir kainin iyon kapag kayo ang handa po." Napa-ngiwi na lang si Lara dahil hindi ko alam kong paano lutuin ang bagay na iyon. Wala din akong alam sa french cuisine ano? Tatak Filipino food lang talaga ang alam ko. "Eh, hindi ko kasi alam lutuin iyan e---" huli na maalala ko na mali pala ang sinabi ko. Nag katitigan na lang ang katulong na kahit na rin sila nag tataka sa sinabi ko. Kainis naman eh. "Ah eh, ang sinabi ko, wala na bang iba? Kahit filipino food lang, may alam kayo? Dahil panigurado ako na marunong akong mag luto ng gano'n." "Ah eh, hindi rin po kayo Mam nag luluto nang gano'n eh. French cuisine lang po ang alam namin na niluluto niyo, para kay Sir Calix." Putrages naman oh. Paano ba kasi handain ang pag-kain na iyon? "So ano Mam? Ipag hahanda niyo po ba si Sir Calix ng Coq au vin?" "Bigyan niyo na lang nga akong kape at tinapay, iyon na lang ang ibibigay ko kay Calix." Matamis kong ngiti dito. *** "Grabe nakaka-stress ka naman Ate Laura, wala ka man lang kaalam-alam na lutong pinoy. Jusmiyo marimar." Himutok ko pa lalo na nag lalakad bitbit ang tray na hinanda kong ham sandwich at coffee para lang kay Calix. Wala naman akong maluto na ibang pag-kain sa kusina kaya no choice na lamang ako na ito na lang ang hinanda ko para lamang sa asungot na iyon. Dire-diretso nang nag lakad si Lara para hanapin lamang si Calix at natagpuan ko ito sa likurang parte ng Mansyon. Naka-suot ito ng black pants at pares ng puting longsleeve. Maayos ang paraan nang tindig nito, na nakakatakot na nilalang. Naka-talikod si Calix sa akin at may kausap ito sa telepono. Base sa itsura, mukhang may kaaway na naman ito sa itsura nito dahil naka-kunot ang noo nito. Nanumbalik muli ang takot at kaba sa puso ni Lara pero nilalabanan ko na lang iyon,dahil kailangan kong gawin ito. Nang mapansin ni Calix ang presinsiya ko na palapit sakaniya, awtomatiko naman pinutol nito ang pag-uusap kong sino man ang kausap nito. "What?" Umatras kaagad ang dila ko na sumalubong kaagad sa akin ang galit na pares nang mga mata. "Dinalhan lang kita ng makakain, at baka kasi nagugutom kana." Nilapag ko sa maliit na table ang aking hinanda at sinuri lamang ni Calix iyon. "Huwag kang mag-alala wala akong nilagay diyan na lason." "Ts." Umupo si Calix sa bakanteng silya na kaharap nito ang lamesa. Sinimulan na tikman ni Calix ang aking ginawa, at nanatili lamang akong naka-tayo sa harapan nito. "Gusto ko lang huminggi ng tawad sa lahat na ginagawa ko, kong paminsan nagiging pasaway ako. Promise mag papakabait na talaga ako na hindi na ako mag-bibigay sakit nang ulo sa'yo." Tinaas ko ang kaliwang kamay ko, na nanumpa sa harapan nito. Sinimsim ni Calix ang ginawa kong kape at sumilay na lang ang matamis na ngiti sa labi ko dahil wala naman itong reklamo sa ginawa kong kape.. Nilapag ni Calix ang kape sa lamesa at sinandal ang likuran sa silya, at sa puntong ito kay lamig ang paggawaran nitong pag-titig sa akin. Titig na kabahan na naman akong muli. "May kailangan ka pa ba?" Malamig sa yelo nitong tanong, at pinag-pawisan na ako nang malagkit dahil hindi ko alam kong paano ko sasabihin ang gusto ko. "Ano kasi.." kagat-labi ko at pinag-laruan ang aking kamay. "Pwede ba akong lumabas?" "No," napa-kurap na lang ako sa sinabi nito. Huh? No? Bakit? "Huh, bakit naman?" Naging seryoso at nakaka-takot muli ang mga mata ni Calix, na hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Para saan? Para tumakas ulit?" Matabang nitong saad at hindi inaalis ang masamang tingin sa akin. "Tigilan mo ako Laura. Do you think I don't know what you're planning? You're convincing me just so you can run away from me again, diba tama ako? Dito ka lang sa bahay at walang aalis!" Hindi ako naka-kibo dahil nahulaan nito ang iniisip ko. "Umalis kana, kong wala kana man magandang sasabihin! I'm done talking to you!" Kumulo na ang dugo ni Lara sa sama nang loob. What a jerk! Hanggang kaylan niya ba ito gagawin sa akin? "Wala na talaga akong kalayaan sa buhay kong ito? Anong gusto mo mag patali na lang ako, at mabulok sa lintik na bahay na ito?!" Tumaas na ang boses ko na hindi ko na makontrol ang galit at emosyon ko. Nakaka-inis lang kasi, bakit kailangan niyang kontrolin ang buhay ko? Diyos ba siya? Magulang ko ba siya? "You know what? I hate you! Ayaw ko sa lintik na pamamahay na ito, at ayaw na kitang maka-sama dahil ang sama nang ugali mo. You're heartless, annoying jerk!" Namula na ang mukha ni Lara dahil hindi ko na makontrol ang sarili ko na sagot-sagutin si Calix nang gano'n. Punyeta talaga, ang sarap pala sa pakiramdam kapag nailalabas mo ang galit at gusto mong sabihin. Ilang buwan na rin ako nag titimpi na gawin ang bagay na ito, at nag kokontrol lamang ako dahil gusto kong maging maayos ang aking pag-papanggap. Nakaka-irita! "Hindi ka ba titigil Laura?!" Umalingawngaw ang malakas at nakaka-takot na sigaw ni Calix at sa puntong ito, tumayo na ito sa kina-uupuan at nag kasukatan kami nang matalim na titig sa bawat isa. "Huwag mo akong sinusubukan Laura. Hindi ka aalis sa pamamahay na ito, at kong kailangan kitang kulungin sa pamamahay na ito, gagawin ko! Hindi ka aalis at hindi ka lalabas sa pamamahay na ito, hangga't hindi ko sinasabi. Naiintindihan mo ba?!" Inis nitong tinumba ang lamesa na sanhi mahulog ang mga naka-patong doon. Umalingawngaw ang malakas na tunog at pag-kabasag ng babasagin na tasa at ano pa sa sahig, na panlambutan si Lara sa labis na takot. Nanumbalik ang takot at kaba sa puso ni Lara nang makita ang nakaka-kilabot na mga mata ni Calix. "Damn it!" Iritadong nag martsa si Calix palayo, na galit na galit na naman sa mundo. Nangilid na ang luha sa mga mata ni Lara na sinusundan si Calix palayo, hindi ko na namalayan na naka-kuyom na ang kamao ko sa labis na galit at pag-titimpi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD