Chapter 8

1830 Words
Chapter 8 LARA'S POV Matapos akong iwan ni Calix sa labas. Iritadong pumanhik si Lara sa loob nang silid nilang dalawa ni Calix at nag kulong sa loob. Napaka-sama ng aking loob dahil lamang hindi nito ako pinayagan na lumabas. Kainis bakit kailangan niyang kontrolin ang buhay ko? Hindi niya rin naisip na may sarili din akong mundo at buhay? Anong gusto niya? Siya parati ang masaya, samantala naman ako nag-hihintay lamang na biyayaan nang kalayaan? Ngayon naiintindihan ko na kong bakit iniwan siya ni Ate Laura, napaka-sama ng pag-uugali niya! Kulang na lang karatehin ko ang mga gamit sa loob ng silid naming dalawa ni Calix. Wala lang sobrang sama talaga ng loob ko sakaniya! Narinig ni Lara ang mahinang pag-katok mula sa pintuan na matigilan ako sa pag muni-muni. "Mam Laura?" "Bakit?" Iritable kong sagot sa katulong. Kilala ko, kong sino ito pero wala lang talaga ako sa mood na maging mabait ngayon dahil badtrip ako. "Pina-patawag po kayo ni Sir Calix sa ibaba at kakain na daw po." "Umalis kana dahil hindi ako kakain!" Aba galit ako ngayon, kaya't lulubusin ko na. Bahala siyang kumain mag-isa at hindi kita sasamahan na kumain ngayon sa hapag-kainan. "P-Pero Mam, mahigpit pong bilin ni Sir Calix na hindi daw ako bababa hangga't hindi ko po kayo kasama sa pag-baba. Halika na po Mam, at baka lalo lamang magalit si Sir kapag pinag-hintay niyo po siy--." "Hindi ako lalabas sa silid at hindi ako kakain!" Pinag-diinan ko pang sabihin iyon para maunawaan niya. "Ayaw kong makita ang pag-mumukha ni Calix! Sabihin mo sa mokong na iyon, hindi ako kakain hangga't hindi niya ako pinapayagan sa gusto ko, na lumabas!" Para akong batang nag maktol. "P-Pero Mam Laura." "Umalis kana, dahil hindi mo ako mapipilit sa gusto ko." Final kong tinig at hindi na ito sumagot pa, bagkus rinig ko na lang ang yabag ng mga paa nito paalis. Inis na tumalukbong si Lara ng makapal na comforter at doon nag maktol ng labis-labis. Ilang minuto lamang rinig ko ang yabag ng mga paa na nag martsa at mukhang nag hahamon ng g**o. Tantya ko hindi ito galing sa mga katulong kundi sa nakakatakot na nilalang. Napa-bangon ako sa kina-hihigaan nang marinig ang malakas na padabog na pag-bukas ng pintuan ng silid at sumalubong sa akin ang nakakatakot na mukha ni Calix. Parang sumapi ang masamang espiritu sa katawan neto, na hindi mo nanaisin na masaksihan. "What is this attitude Laura huh? Papairalin mo pa din ba ang katigasan nang ulo mo?!" Salubong na singhal nito. Oh diba? Iritado akong umupo sa kama at sinalubong ang galit ni Calix. Aba siya lang ang karapatan magalit? Paano naman ang galit ko aber? "Ano bang problema mo huh? Bakit hindi mo na lang ako tantanan? Umalis kana dahil hindi kita kailangan!" Umigting ang panga nito, na hindi nagustuhan kong ano man ang aking sinabi. "What is my problem?" Uyam na tinig nito. "Ikaw ang problema ko! Sumama kana sa akin at kakain na tayong dalawa sa hapag-kainan, that's my order!" "Hindi mo ba narinig? Ayaw kong makasama kang kumain, at hindi ako kakain hangga't hindi mo ako pina-paburan sa gusto ko!" Sa puntong ito, namuo ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi rin ako nakipag-talo sa matalim nitong titig sa akin. Aba! Akala niya siya lang marunong? Marunong din ako! Ehmp! "Putangina, ito ba din ba ang rason mo kaya't hindi ka kakain?! Final na ang desisyon ko Laura na hindi ka aalis sa pamamahay na ito!" "Edi don't! Kong hindi mo ako papayagan hindi ako lalabas sa silid na ito, at huwag mo na rin aasahan na sasabayan kitang kumain! Chupi! Lumayas ka!" Sigaw ko pagalit dito "Talaga lang huh?!" Asik nito at sumilay ang nakaka-kilabot na ngisi sa labi nito. "Kong hindi ka sasabay sa akin kumain ngayon, mula ngayon hindi kana kakain, and starve to death!" He shouted loudly and closed the door making a loud noise. "Punyeta ka talaga!" Inis kong binato ang unan, na sakto naman tumama ito sa pintuan. Iritado kong sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri sa labis na sama nang loob. Punyeta, siya pa talaga ang may ganang magalit? Sige, pag bibigyan kita! Akala mo, hindi mo ako matitiis ha? Tignan lang natin kong sino ang mas matigas sa ating dalawa Calix. ***** Nagising si Lara na kumakalam ang sikmura. Nag pagulong-gulong ako sa kama at ang aking kamay naka-hawak sa aking tyan sa labis na gutom. Bumangon ako sa kina-hihigaan at pasado ala-una na nang madaling araw, at hanggang ngayon dinadalaw pa rin ako nang labis na pag kagutom na aking nadarama. Ilang kainan na ba ang aking pinalampas? Tanghalian at hapunan lamang. Ganiyan ako nag tiis at katigas na ipag-lalaban ang aking kagustuhan na hindi kumain. Buong akala ko, kukulitin pa ako ni Calix na kumain kanina, pero hindi na ako inaya na kumain nang mokong na iyon! Napaka-wala talaga niyang puso! Nakaka-irita talaga siya kahit kaylan! Nagawa niya pa talagang tiisin ang kaniyang asawa? Umupo ako sa malambot na kama at mag-isa lamang ako doon. Hindi ko alam kong asan si Calix at wala naman akong paki-alam sa hayop na iyon. "Hindi ko na talaga kaya, nagugutom na talaga ako." Lumukot na ang mukha ko sa labis na gutom na kahit bulate ko sa tyan nag wawala na rin sa galit. Wala naman pwedeng makain sa silid o kahit naman pwedeng inumin. Ilang minuto nag talo ang aking isipan kong lalabas ba ako sa silid o ibabalik na lang sa tulog ang gutom na aking nadarama. Napag-desisyonan kong pumanhik sa ibaba para pumuslit na kumain. Siguro naman tulog na si Calix nang puntong ito na hindi niya ako mahuhuli. Ang mga katulong naman? Tiyak kong kanina pa sila nag pahingga sa kanilang mga silid. Buong ingat akong bumaba sa kama at sinuot ang aking tsinelas. Buong ingat kong binuksan ang pintuan nang silid naming dalawa ni Calix at kahit na rin ang aking pag-lalakad puno ng ingat iniiwasan na maka-gawa ng tunog para hindi lamang magising ang mga tao sa paligid ko. Pag dating ko sa malawak na hallway, kunti na lang ang bukas na mga ilaw at salubong kaagad sa akin ang napaka-tahimik na Mansyon. Kong matatakutin talaga ako, baka hindi ko na naisipan na bumaba para palihim lamang na kumain sa kusina. Gustong pumalakpak ng aking taenga sa labis na tuwa nang success akong naka-baba sa unang palapag na walang taong nakakapansin ng aking ginagawa. Una na akong pumunta sa kusina para ituloy ang aking plano. Una akong pumunta sa ref at binuksan iyon. Nang laway kaagad ako at gumuhit ang stars sa aking mga mata nang makita ang masasarap na pag-kain sa ref. Kinuha ko na ang ilang kailangan kong kainin at sabayan ko na rin ng juice in can. Pag sara ko nang ref para sa puntong ito umalis na, at kusa naman na bumukas ang ilaw na kabahan ako ng husto. "M-Mam Laura?" Nag danak ang malamig na pawis sa aking noo ng makita ko ang katulong na nakita ako sa aking ginagawa. "Oh ikaw pala Isay, bakit gising ka pa?" Inayos ko ang dala-dala kong pag-kain para hindi mahulog sa aking pag-kakahawak. "Bakit gising pa rin kayo Mam?" Mukhang nagising ito na mukhang kagagaling lamang nito sa tulog. "Nagugutom kasi ako kaya't naisipan kong pumunta dito para kumain." Nataranta ang katulong ng makita ang hawak kong pag-kain at mabilis na inagaw iyon. "Oh bakit mo kinuha? Kakainin ko pa nga iyan e---" tangka kong aagawin sana, pero nilayo naman nito sa akin bigla. Bakas ang takot sa mga mata nito na hawak ang mga iyon. "Bawal po kayong kumain Mam, mahigpit pong bilin ni Sir Calix kanina, na huwag po daw namin kayo papakainin o bibigyan nang anumang pag-kain mula sa pamamahay niya." Umarko ang aking kilay sa sinabi nito. The heck? "What? Why not?" Namula na ako sa labis na galit. "Akin na nga iyan! Amo mo naman ako ha? Kaya't karapatan kong kumain." Lumapit ako kay Isay pero hindi talaga nito bini-bigay ang pag-kain na kinuha ko. "Bawal talaga Mam. Opo Amo po namin ikaw pero sinusunod talaga po namin si Sir Calix." Kumulo na ang dugo ko sa labis na pag-titimpi lamang. Punyeta. "Kahit tubig lang or kahit maliit lang na slice ng pizza? Sige na, bigyan mo na ako dahil wala naman makakakita sa atin ngayon." "Pasensiya na talaga po, bawal talaga kayong kumain dahil ako naman ang mapapagalitan o kaya naman masisante sa trabaho kapag pinag-bigyan ko po kayo Mam.." binalik ni Isay ang mga pinag-kukuha ko sa dati nitong nilagyan at lumapit sa akin. "Pasensiya na po talaga Mam Laura, sinusunod lang po namin si Sir Calix." "Okay fine." Pag-susuko dahil wala naman mangyayari kapag nakipag-talo pa ako sakaniya. Inis na akong pumanhik akong umalis sa kusina na napaka-sama muli ang aking loob. "Now this is what you get for being stubborn Laura." Awtomatiko nama ako natigilan sa pag-lalakad ng mapansin ang itim na bulto ng tao sa isang tabi, na mukhang kanina pa ako pinag-mamasdan. Mula sa dilim na bahagi nang bahay, lumabas ang nakaka-takot na nilalang ni Calix, at ang mga mata walang bahid na emosyon. "I control everything here in my house, if you had been kind, this thing wouldn't have happened to you and you wouldn't have been hungry, if you just followed my rules... Lock her in the room, and don't let her out until I say so!" Matigas nitong utos at huli ko nang malaman na naroon na ang mga tauhan ni Calix para dakpin ako at ikulong muli sa silid. "N-No, sandali lang. Bitawan niyo ang kamay ko." Tili ko at naka-hawak na ang dalawang tauhan ni Calix at kinaladkad ako papanhik sa aking silid. "Sandali Calix hindi pa ako tapos, A-Aray nasasaktan ako sabi eh. Ano ba!" Matinis kong asik, na hula ko maririnig ng mga tao at katulong ang malakas kong sigaw, na kahit na sila hindi nakiki-alam kong ano man ang nangyayari sa Mansyon. "Bilisan mo!" Asik ng isang tauhan ni Calix at buong pwersa akong kinaladkad pabalik sa aming silid. Para lamang akong papel na tinanggay nila na walang kahirap-hirap. "Ano ba! Calix! Punyeta talaga, napaka-sama mo talaga. Mamatay ka rin! Ughhh!" Tinulak ako ng mga tauhan ni Calix at napasalampak ako sa malamig na tiles. Dama ko ang sakit at kirot, na tumama ang aking katawan pero hindi ko na lang iyon ininda. Tatakbo sana ako para sugudin ang mga tauhan ni Calix, pero huli na dahil sinarhan na nito ang pintuan nang aking silid at rinig ko ang pag kandado doon. "Ugh! Let me out! Calix! Ano ba!" Pinag-sisipa at kalampag ko ang pintuan na kulang na lang gibain ko iyon. "Calix. Let me out! Calix!" Rinig na rinig mo ang malakas na tunog ng pag kalampag ng pintuan at matinis kong sigaw. Nang kusa na akong mapagod, inis kong sinuklay ang buhok ko sa labis na galit dito. "Ugh! Bwisit talaga oh!" Himutok ko pa lalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD