CHAPTER 11. Pledge

1680 Words
King Dylan •DUEVEZ• "Tinipon ko kayong lahat para sabihin na ang Kaharian ng Siberian ay na sa panganib. Kaninang umaga'y nagtungo sina Federico at Alucio sa Siberian at humingi sila ng kasunduan sa Punong Ministro at 'yon ay makipagkasundo ito sa kanila," paliwanag ko habang nakatayo sa harap ng lahat. Bakas sa mukha ng mga ito ang labis na pagkagulat at kaba . "Ano ang rason nila?" "Senyales na po ba ito ng ikatlong propesiya?" "Ibig sabihin ay isa itong delubyo para sa atin, tama ba, Kamahalan?" Sunod-sunod na tanong ng mga Prinsipe't Prinsesa. Napabuntonghininga ako nang makita si Samara na ngayon ay taimtim na nakikinig habang nakatitig sa 'kin. "Gusto ni Federico na makuha si Samara. At nais nilang makipagkasundo sa Punong Ministro upang maging kaisa nila ito sa pagsalakay sa 'tin. Iyon ang pinaka-posibleng rason, at kung sakaling tumanggi ang Punong Ministro nila'y natitiyak kong sisirain ni Federico ang buong Kaharian ng Siberian." nang mapatingin kay Samara ay nakita ko ang labis na kaba sa kanyang itsura. "Ibig sabihin ay pinagbantaan nina Federico at Alucio ang Punong Ministro?" tanong ni Topea. "Tama. At ang Punong Ministro ay nagpadala ng liham na naglalayong humingi ng tulong sa 'kin. Ngayon ay umaasa akong nakahanda kayong lahat sa mga posibleng mangyari." "Maaasahan mo kami, Kamahalan. Ngayon ay umaasa kaming bibigyan mo kami ng sapat na gabay para mapaglingkuran ka namin at ang buong Kaharian ng Haleia," sambit ng isang Prinsesa kasabay ng sunod-sunod na pagsang-yon ng lahat "Kung gano'n ay malinaw ang usapan. Ang ilang kawal ay nakatakdang sumama sa 'kin sa Kaharian ng Siberian, kasama si Samara." nang mapalingon sa direksyon ni Samara kung na saan siya nakatayo kanina ay wala na ito. Inilibot ko ang aking paningin at laking gulat dahil wala ito. Huminga ako ng malalim bago muling magsalita, "Si Haring Spencer na muna ang bahala rito dahil isasama ko si Samara papunta sa Kaharian ng Siberian. Sandali akong tumitig kay Prinsesa Gracielle, "Magagawa mo bang pangalagaan ang mga kristal mula sa binhi habang wala ako?" Mabilis itong tumango at nagbigay galang, "Masusunod, Kamahalan." Ang mga sandaling iyon ay maituturing na mabigat na pagpupulong dahil ang paghahanda ng lahat ay para sa buong pusong pakikipagsapalaran sa mga taga-Gusio. Batid kong hindi titigil si Federico hangga't 'di niya nakukuha ang nais niya, gaya ng sabi ni Spencer, kahit pa pumaslang ay kanyang gagawin. Lumipas pa ang ilang oras na pagpupulong ngunit si Samara ay hindi ko pa rin nakikita. Napadpad ako sa dulo ng Kaharian kung saan nakasabit ang pinakamalaking lampara. Hanggang sa marinig ang isang pamilyar na tinig. "Alam kong isasama mo 'ko sa Kaharian ng Siberian dahil gagawin mo 'kong alay!" mariin niyang sinabi na ikinagulat ko. "Anong sinasabi mo?" tanong ko. "Huwag mo 'kong lokohin, Kamahalan. Hindi ba't ako ang kailangan ng mga taga-Gusio? Gusto akong makuha ni Haring Federico at dadalhin mo 'ko sa Siberian, para ano? Para ibigay ako sa Punong Ministro at sa oras na dumating si Haring Federico... kukunin niya ako!" nangangatog ang mga kamay niya't anumang oras ay para bang sasabog siya sa galit. "Samara, nagkakamali ka. Hindi kita dadalhin do'n para ibigay sa Punong Ministro. At mas lalong hindi ko hahayaang makuha ka ni Federico. Tingin mo ba'y gagawin ko 'yon?" makatotohanan kong sinabi dahil mali ang kanyang iniisip. "Hindi ako naniniwala. Pinagloloko niyo lang ako! Mabuti pang bumalik na lang ako sa mundo ng mga tao, mas gustong ko sa puder ni Lola. Walang gulo, walang sinusunod, at mas lalong walang kumokontrol sa 'kin dahil malaya akong mabuhay ayon sa gusto ko!" sigaw niya. "Iyan ba ang tingin mo sa aking pamumuno, Samara? Ang kontrolin ka? Buong akala ko'y nauunawaan mo ako dahil ang mundong ginagalawan mo ay hindi normal. Nangako ka pa sa 'kin na handa kang paglingkuran ako at ang buong Kaharian ng Haleia pero sa nakikita ko'y magaling ka lang sa salita." nagkatitigan kami at sa mga oras na 'to ay may kung anong kirot sa 'king dibdib, salungat sa kanya dahil sa nakikita ko'y galit ang nararamdaman niya. "Pwes pinuputol ko na ang pangako na mananatili rito!" dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin at sinabi, "Hayaan mo 'kong bumalik sa mundo ng mga tao. Gusto kong mabuhay ng malaya." Awtomatikong naramdaman ko ang inis sa 'king dibdib. Napailing ako sa harap niya't sinabi, "Hindi ka maaaring umalis, Samara. Kailangan ka rito sa Kaharian, hindi mo ba talaga 'ko maunawaan?" "Just let me go back to the human world. I don't need a kingdom to live my life; I can have my own. I can live without having interactions with all of you here! I can live with or without my power!" sigaw niya at saka ito tumalikod. Mabilis siyang naglakad ngunit nakakailang hakbang pa lang nang magpaulan ako ng apoy sa paligid at ibagsak ang isang malaki't nagliliyab ng apoy sa kanyang harapan. Mabilis siyang napaharap sa 'kin at halos 'di ako makagalaw ng makitang ang mga nito'y naging berde. "Samara, hindi tayo magkaaway. Kumalma ka, pwede ba?" nang sabihin ko 'yon ay mas lalo siyang nagalit. Isa-isa niyang dinaanan ng tingin ang mga apoy at ang mga ito'y unti-unting umaangat sa ere. Bigla na lang kumislap ang kwintas ko... kulay pula. "HAYAAN MO 'KONG BUMALIK SA MUNDO NG MGA TAO BAGO AKO GUMAWA NG GULO RITO SA HARAP MO MISMO!" hindi ko lubos akalain na gano'n kalakas ang enerhiya niya. Ngayon ko mas lalong nakita ang wangis niya dahil lumalabas lamang ito kapag siya ay nagagalit ng sobra. "Samara... 'wag kang magpakain sa emosyon mo." marahan akong lumapit sa kanya kahit pa anumang oras ay maaari niya 'kong masaktan. "Ako 'to, si Haring Dylan, ang iyong Kamahalan. Kung iniisip mong hahayaan kita na makuha ni Federico ay nagkakamali ka. Kung hahayaan ko lang din na makuha ka ng iba, tingin mo ba'y ipaglalaban kita? Tingin mo ba'y poprotektahan kita kung gano'n lang din ang gagawin ko? Kung tatalikuran mo ang mundong pinagmulan mo, hindi lang ikaw ang maaaring mapahamak kung hindi pati ang Lola mo." Ang mga sandaling iyon ay hindi ko maipaliwanag dahil ang kaninang kwintas ko na pautuloy sa pagkislap ng pulang ilaw, ngayon ay napalitan ng kulay puti. Muli akong humakbang palapit sa kaniya hanggang sa ang mukha namin ay malapit nang maglapit. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako natatakot kahit pa saktan niya 'ko. Walang dapat katakutan dahil ang inaakala niya'y hindi tugma sa aking plano. "Words will never be enough to describe the courage and loyalty in this Kingdom. All I need is your trust and loyalty, Samara. I need you to come with me. I want you to fight the countless battles with me. As a King of Haleia, I order you to stay." Sa wakas ay humulma muli ang mukha ng Samara na kilala ko. Ang pagiging kalmado sa kanyang itsura ay nasilayan ko na. "Sorry, natakot lang ako. Akala ko kasi ibibigay mo ko ro'n sa Punong Ministro. Alam mo, hindi naman ako takot masaktan pisikal. Takot ako na baka isang araw hindi ko na makita si Lola." humakbang siya palapit sa 'kin at napabuntonghiniga bago muling magsalita, "Si Lola lang ang bukod tanging nariyan mula pa man noong bata ako. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nalaman na dahil lang sa kapangyarihan at kapalaran na hindi ko ginusto ay tuluyan ko siyang hindi makikita. Mahirap mabuhay mag-isa, Dylan. Paumanhin kung sa pangalan kita tinawag pero hindi ibig sabihin no'n ay wala akong respeto. Mabigat lang ang loob ko. Natatakot lang ako dahil sa bawat araw na magdaraan wala akong ideya kung may siguraduhan ba na mabubuhay ako. Pakiusap dinggin mo 'ko, gusto kong makita si Lola bago mo 'ko isama sa Kaharian ng Siberian." Matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay nakaramdam ako ng kaunting awa dahilan para hindi na 'ko magdalawang isip pa na pagbigyan ang kahilingan niya. "Hindi ko matataggihan ang kahilingan mo. Bibigyan kita ng oras na magpahinga at matulog. Sa pagsapit ng bukang liwayway ay sasamahan kita sa mundo ng mga tao para makita ang Lola mo," nakangiti kong sinabi. Her gesture filled her with sudden joy. A shade of red was visible on her cheeks as she pulled me into an embrace. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at para akong naestatwa. Her hugs are soft and familiar. I wrapped my arms around her. Why is my heart beating faster suddenly? "Do you normally hug people for this long?" I asked. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ito normal. Gayunpaman ay kailangan kong maging kalmado. "S-sorry, sobrang saya ko lang talaga," sagot niya. Sa boses pa lang ay ramdam ko na ang galak sa kanyang puso. "It's alright. I'm completely fine with this," I said. She took a small step back with her hands resting behind her back. I hope my hug made her feel at ease. Mas gusto kong masilayan siya na nakangiti kaysa nakasimangot. "Sorry sa mga nasabi ko kanina. I didn't mean to hurt you. But I want to let you know that I will stay. Hindi ko na puputulin pa ang pangako ko na paglilingkuran ka at ang buong Kaharian ng Haleia." Sandali kong inihakbang ang paa ko palapit sa kanya. "Maybe you're not my Queen. Maybe I know nothing about your past. Perhaps I don't have enough reason why this necklace keeps on shining when I'm with you. But I see something glimmer in your eyes, and it's telling me to protect you, Samara," I said. "I may not be as powerful as the King of Gusio; I am still the King of Haleia they cannot defeat. Trust my words." Yumuko ito't nagbigay galang bago magsalita, "From now on, my loyalty is to you. And I'll endeavor to always be worthy of what you've given to me, Your Highness." Awtomatiko akong napangiti. I bent down my head and took her hand. I placed a kiss on the back of her hand and hung my head low. "And to the most powerful and noblest deity in the Land of Versaile, to you Samara... my courage will always be your shield."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD