Chapter 17

2140 Words

INABALA NA LANG NI Zahra ang sarili kaysa isipin pa ang sinabi ni Lorenzo. Ayaw niyang bigyan nang kahit na anong malisya ang binitiwan nitong mga salita. Isa lang ang gusto niya sa mga oras na ito. 'Yun ay ang mayakap ang anak. She can and she will do everything to be with her son even if it means facing the last person she wanted to see. Ang sunod-sunod na katok ang gumambala sa kanyang pagbabasa. Hindi pa man siya nagsasalita ay bumukas na ang pintuan. Ang natatarantang mukha ni Essa ang pumasok. Tiningnan niya lang ito habang nakatayo sa harap ng table niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari rito. "Essa!" malakas niyang tawag rito. Napakislot si Essa at tumingin sa kanya. "Ma'am, the n-new investor is here," nautal pa nitong sambit. Napatingin siya sa kanyang suot na relo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD