Chapter 08—Demanding

1940 Words
Chapter 08 Bella POV NAPADAMPOT ako ng plastic cup habang 'di ko namamalayan, naparami ang fish ball at kikiam na nailagay ko sa plastic cup. "Ate, punong-puno na po 'yung baso niyo," sabi ng tindero na mukhang katulad lang ni Junjun ng edad. "Sorry po!" paumanhin ko habang binabalik ang iba pang pinagtutusok ko, nakaka–distract kasi ako sa lalaki. Tumatawa lang sa akin ang lalaki. Inismiran ko siya at iniwan habang papasok na ako sa loob ng palengke para mamili ng lulutuin para bukas. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin, at ang mga tingin ng mga tao ay nasa likuran ko. Nagulat ako nang may humawak sa aking kamay. Si Knox, hawak ang kamay ko. Napatingin ako sa aming mga kamay na magkasalikop. Akmang babawiin ko ang kamay ko, ngunit isang kindat lang mula sa kanya, at napatahimik ako. Hawak-kamay kaming naglalakad habang namimili. Hindi ko mapigilan ang kilig, pakiramdam ko may instant na nobyo ako. At siya pa si Knox Lawrence Hayes. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking loob-looban. Hindi na ako umangal, dahil gusto ko rin naman na magkahawak-kamay kami. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako at kinikilig. Tumitingin ang mga tindera na puno ng malisya ang kanilang mga ngiti, kilala rin nila ako dito sa palengke at wala yatang hindi nakakilala sa akin. Huminto ako sa isang tindahan nang makakita ng damit na bagay kay Mika para susuotin niya sa kanyang birthday. May nabili na ako dati, pero gustong-gusto ko ito para kay Mika tiyak babagay sa anak ko. "Magkano ito?" tanong ko sa tindera sabay turo sa damit na nakabitin. "Three hundred fifty, Bella," sagot ng tindera, ngunit ang mga mata nito ay nakatingin sa kasama ko, tila kinikilig. Mahal para sa akin ang presyo, pero maganda talaga ito. Naisip ko na baka hindi magkasya ang aking pera kung bibilhin ko pa ito. Ngunit sayang, babagay ito kay Mika. "Sa susunod na lang, Ate, may bibilhin pa kasi ako," sabi ko sa tindera, may panghihinayang. Wala pa rin sa akin ang atensyon niya, kundi sa lalaking katabi ko. Nagpapakyut ito. May paikot-ikot pa ng buhok sa likod ng tenga. Si Knox naman, abot-tenga ang ngiti. Tumingin si Knox sa akin, inabot niya ang damit. "Kunin mo muna, I'll pay," sabi niya sabay dukot ng pera mula sa kanyang bulsa. Naglabas siya ng isang libo at inabot sa tindera. "No!" hiyaw ko. Nakakahiya, baka ano pa ang kapalit nito. Naku, kung dangal ko ang kabayaran iyon ay hindi pwede. "Don't worry, para rin naman sa anak mo. Kung ayaw mong tanggapin ng libre, utang mo na lang, okay. Bayaran mo na lang ako if you have money." Tinuro rin ni Knox ang isang bestida na nakabitin katabi sa dress na nagustuhan ko. "Isama mo," sabi ni Knox. "I think bagay sa'yo." Malapad na ngumiti. Isa itong ankle dress na powder blue linen ang kulay, may slit sa gilid at off shoulder. Umiling ako kasi hindi ako sanay magsuot ng ganoong damit, pero mapilit siya at binayaran pa niya. "Ang bait naman ng boyfriend mo at ang pogi pa," tukso ng tindera, kinikilig sa sinabi nito. Umiling ako. "Hindi ko siya boyfriend," mariing kong sinabi. "Akala ko boyfriend mo," dismayado niya. Lumingon ako kay Knox na wala na pala sa tabi ko, nasa tindahan pala ng bra at panty. Nakakahiya! Ako ang nahihiya sa ginagawa niya. Tinaas–taas ba naman sa ere ang mga panteng napili niya na dalawa klaseng kulay, black and red. Tumingin siya sa kinaroroonan ko at sumilay sa mga labi niya ang nakakalokong ngiti. Abot tenga ang mga ngisi nito at binigay sa tindera ang mga panties at bra na napili niya. Para kanino ang mga 'yan? 'Wag naman sana para sa akin. Ano ang akala niya sa akin, walang mga magagandang panties? Marami rin akong mga panties at bra din akong bago. Winasak nga niya ang isa sa mga favorite ko. Sobrang namumula ang pisngi ko sa mga pinagagawa niya. Lalo pa at pinagtitinginan ako ng mga tao sa palengke. "Para yata sayo ang mga pinamili niya, Bella?" pambubuska sa akin ni Manang Lucing ang may ari ng tindahan na pinagbilhan ko ng mga dress. Napabuntong–hininga ako. Lumapit ako sa kanya at hinila siya palayo. Baka may idagdag pa siyang bibilhin, hindi ito ang gusto ko. Hila—hila ko siya hanggang sa may p'westo ng mga karne. Bumili ako ng giniling na karne para sa lumpiang shanghai at saging para sa puto na lulutuin bukas. Puto banana ang lulutuin ko bukas mas masarap para sa akin kumpara sa puto chess. Siya ang nagbitbit ng mga pinamili ko. Napapangiti ako, kahit maikli pa lang ang panahon naming magkasama, mukhang mabait naman siya. Hindi na tulad noong unang kita namin. Nawawala na rin ang pagiging suplado niya. Mukhang playful lang siya. Lagi siyang nakangiti simula kanina. O baka dahil sa sinabi niyang lasang peanut butter daw ang p**e ko. Grabe naman ang panlasa ng dila niya. "Tapos na? Kompleto na lahat ng mga pinamili mo?" tanong niya, napigil ako sa paglalakad. Naaalala ko ang lumpia wrapper. "Sandali lang, dito ka lang," bilin ko bago bumalik sa loob para bumili ng lumpia wrapper. Hindi na siya pumalag, nagpaiwan lang siya sa entrance ng palengke. Sa pagmamadali, hindi ko namalayan na may nakabanggaan ako. Pagtingin ko sa lalaki ay halos mamilog ang mga mata ko. Si Kyle ang pinsan ni Denver, nasa palengke pala ito ngayon, naka-uniporme pa ang binata. Ang kisig niya tingnan sa suot niyang police uniform. Ang gwapo din. Walang sabi-sabi na bigla niya akong niyakap nang makita niya ako, kahit ang lalaki nagulat din. Mag-isang buwan na hindi ito nadadalaw sa bahay. Dahil siguro sa busy ito, lalo pa't napabalitang na assign ito sa kabilang bayan. "Kumusta na, Bella?" tanong nito pagkatapos akong pakawalan mula sa pagkayakap sa akin. "Okay lang, hindi ka na napapasyal sa bahay, ah?" sabi ko na may konting pagtatampo sa aking boses. "Pasensiya na, kababalik ko lang pero bukas baka pwede ka." Tumango ako sa binata na may ngiti sa labi. Tamang-tama at birthday bukas ni Mika, may kasama kaming mamasyal. Para hindi kami mahirapan. Nang may masakyan at maghatid sa amin pauwi kung sakaling gabihin kami. "Bukas, birthday ni Mika, magkita na lang tayo sa Robinson mga ala–una ng hapon. Nangako ako sa anak ko na ilalabas ko siya." Nang biglang may humila ng braso ko. Si Knox, nagsasalubong ang dalawang makakapal na kilay, hindi ko mawari ang reaksiyon ng kanyang mukha—galit ba o naiinip? Basta, masama ang tingin niya kay Kyle. "Uuwi na tayo, right, baby," nanunuksong sabi niya na nakangisi kay Kyle. Naguguluhan naman si Kyle. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Knox. At kahit ako ay naguguluhan bigla sa kanya. Anong baby? Hindi niya ako baby. Magprotesta pa sana ako ng bigla niya akong hilain palayo kay Kyle. "Kyle, bukas na lang tawagan mo ako, same number pa rin," pahabol kong sigaw habang papalayo ako sa binata. Tumango lang ang lalaki. "Tawagan kita bukas." "Sunduin mo kami sa bahay at mag—" "What tomorrow, baby?" He cut me off na may kunot noong tanong sa akin ni Knox na hindi mawala ang masamang titig kay Kyle. Nagtataka naman ako sa inaasal niya. "Wala," naiirita kong sagot sa kanya ang higpit kasi ng hawak niya sa braso ko kulang nalang ay pigain niya ito. Hindi ko alam kung ano ang problema niya. Kumaway sa akin si Kyle hanggang sa marating namin ang exit ng palengke. Nang makalabas kami, bigla kong binawi ang brasong hawak-hawak niya—nanakit lang naman ito. Iniisip ko, kung ano ang ginawa ko para kaladkarin niya ako at pakiki-alaman niya ang pag-uusap namin ni Kyle. Huminto sa paghakbang si Knox. "Anong bukas?" He snapped. "May date kayo ng lalaking iyon?" Nagsasalubong ang mga kilay ko. Hindi ko siya naiintindihan at bakit parang galit siya? Ano naman pakialam niya bukas? "Look at me!" Utos nito. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ang mukha sa kanya. "Anong mayroon bukas, tinatanong kita?" Ulit niyang tanong sa mataas na tinig kaya nataranta akong sumagot sa kanya. Hindi na maganda ang expression ng mukha nito. "B-Birthday ng anak ko kaya sabi ko sama siya, ipapasyal ko si Mika..." nai-stammer ako. Binitawan niya ang mukha ko at hinawakan ako sa magkabilaang balikat. Kumalma ang expression ng mukha nito. "You're not going with that man, ako ang kasama niyo bukas kahit saan niyo pa gustong pumunta." Kasabay 'nun binuksan niya ang pinto ng sasakyan. Natahimik ako sa sinabi niya. Ano daw? Sasama siya? Hindi pwede, baka mabored lang siya sa amin. Saka, nakakahiya sa kanya. Isang matalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ako nagsalita. "Hindi pwede, boring kaming kasama, baka mabagot ka lang," matigas na pagtutol ko sa gusto niyang mangyari. Padabog kong sinakay sa sasakyan niya ang mga pinamili ko at sumakay ako pagkatapos sa loob ng sasakyan niya. Tumiim ang mukha ni Knox. "Basta, sasama ako bukas and that's final, okay?" aniya na hindi pwedeng baliin ang sinabi niya. Nasa tinig niya ang puno ng awtorisasyon. "I don't understand you at all, Knox Lawrence Hayes!" Pagkunwa'y galit kong sabi sa kanya. Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Knox. "At ang lalaking iyon ang gusto mong makasama? Pagkatapos ng nangyari sa atin sa ilog? Pagkatapos kitang malasahan? Lasang peanut butter kapa naman. Dahil sa nangyari kahapon, nagcrave tuloy ako ng peanut butter." Pilyong sabi nito. Napamaang ako sa sinabi niya. I opened my mouth to speak pero mas pinili ko na lamang ang manahimik. Kakahiya! Lasing peanut butter, gago ba siya? May lasa bang ganoon? Pinikit ko na lang kunwari ang mga mata ko para tumigil siya. Ayokong makipagtalo baka paulit-ulit lang niyang ipaalala ang nangyari kahapon. Tiyak talo lang ako sa kanya. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa harapan ko mismo. Ang lapit-lapit, sunod-sunod ang pagbuga niya ng hangin. Iminulat ko ang isang mata ko kitang-kita kung nakatitig ito sa akin. Particularly, sa labi ko. Bahagya akong kinabahan sa maaaring sunod niyang gagawin. I took a deep breath. Muli akong napapikit ng mga mata. Surprisingly, he claimed my lips. Mainit at masarap ang kanyang mga labi, at pinaglaruan niya ang mga labi ko, teasing my lips at kinakagat tulad ng nauuhaw. Wala akong nagawa kundi ang magpaubaya sa kanya. Still, naguguluan parin ako sa mga nangyayari sa amin. Bantulot akong tumutugon sa mga halik niya. Napamulat ako ng mga mata nakita ko ang paghaplos ng mga mata niya sa buong mukha ko. "See!" bulong nito at hinagkan ang dulo ng ilong ko. Inalis niya ang kanyang mukha sa harapan ko. Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya bago binuhay ang makina ng sasakyan. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko, hindi ako makapaniwala na muli niya akong hinalikan.Hindi ko maintindihan si Knox kung ano ba talaga ang trip niya? Walang kami pero hinahalikan niya ako and worst kinain pa niya kahapon ang petchay ko. He smiled sensually at me sa rear view mirror nang mapasulyap ako roon. I blushed. Sunod–sunod na paghinga ang ginawa ko.At bago pa ako maka recover sa ginawa ni Knox ay ipinilig ko ang aking ulo sa bintana at ipinkit ang mga mata ko. Naguguluhan ako sa bagong damdamin na nararamdaman ko. Sa bagong damdaming ito, ramdam ko ang kaba at takot. Hindi ko alam kung paano ito haharapin o kung ano ang magiging epekto nito sa aking buhay. Gayunpaman, sa gitna ng kaba at takot ko, may bahagyang sigla at excitement din sa pagtuklas ng bagong emosyon na ito. I smiled. And i was driving mad with this new conflicting emotions.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD