Chapter 01
Knox POV
NAHULOG ako mula sa kama dahil sa malakas na tugtugin na naririnig ko. Galing ito sa kapitbahay ko. Pakiramdam ko parang nagva-vibrate ang paligid, nagising tuloy ako.
Araw-araw na lang at hindi ko na kayang tiisin pa. Tiningnan ko ang orasan sa dingding. "s**t," napamura ako nang makita ko kung anong oras na. Maaga pa, alas sais pa lang.
Inaakala kong magkakaroon na ako ng kapayapaan dito sa tahimik na lugar, pero parang nagkakamali ako.
Sumampa ako sa kama at umupo muna sa gilid para kumalma. Inihilamos ang kamay sa aking mukha sa inis.
Lalong lumakas ang tugtog. Hindi ko alam kung ano ang meron sa bahay na 'yan at sobrang hilig manggulo ng may-ari.
Napuno na ako ng galit, kaya't mabilis akong lumabas ng aking cabin. Mula sa balkonahe, kitang-kita ko ang bahay ng kapitbahay.
Maliit lang ito, mga 4 by 6 sa tantiya ko, ngunit napapalibutan ng iba't ibang klase ng halaman at gulay, at malalaking puno ng Narra at Melina.
Ang ganda ng paligid, puro kulay berde. Pero ang sumisira sa umaga ko ay ang ingay mula sa kanilang bahay.
Liparin ko na lang sana patungo sa kanila. Wala akong pakialam sa anyo ko ngayon, nakaboxer shorts lang ako. Magulo ang buhok, pero alam ko sa sarili ko, gwapo pa rin ako.
Malapit na ako sa bahay, pero wala akong makitang tao sa labas. Nakasara ang pintuan.
Diretso akong pumunta sa pintuan at walang atubiling kinatok ito, pero wala pa ring sumasagot.
Nilakasan ko ang katok at biglang may nagbukas ng pintuan. Isang babae, katamtaman ang tangkad, mga five feet and two inches lang sa tingin ko, samantalang ako six feet and four inches kaya't parang dwende siya sa paningin ko. But she's cute. Ang sarap buhatin at itapon sa labas ng bahay.
Maamo ang mukha, mahaba ang buhok na parang pang-commercial ng shampoo. May toothbrush pa siyang nasa bibig.
"Sino po sila?" tanong niya sa'kin, sabay tingin sa katawan ko.
Hindi ko siya sinagot at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay. Hinanap ko kung saan galing ang ingay na iyon.
"Teka lang po, Mr. Hindi po kayo dapat basta-basta pumasok sa loob ng ibang bahay," awat niya, pero wala akong pakialam. Kailangan kong mapatay ang nakakairitang ingay sa tenga ko.
Nakita ko din ang nagpapairita sa tenga ko, nakapatong sa divider, tatlong box ng speaker, kaya pala ang lakas.
Umikot ako sa likod at hinanap ang saksakan. Padabog kong binunot ito. Napangisi ako sa wakas, wala nang ingay sa pandinig ko.
"That's my f*****g problem," sigaw ko sa babae nang harapin siya, sabay turo sa speaker nila.
Nagulat siya saglit, bago tinanggal ang toothbrush sa bibig niya. At tinaasan ako ng kilay.
"Ina-ano ka ba, saka tuwing umaga, nagpapatugtog talaga kami," depensa niya sabay lumabas na may batang babae na humila-hila sa laylayan ng kanyang bestida.
"Nanay! Gutom na si Mika!" sigaw ng bata sa kanya, sabay himas sa tiyan nito. Mataba at napakagandang bata.
Napatitig ako sa babae, ang layo ng hitsura niya sa bata. Pero wala akong pakialam, hindi naman iyon sa akin.
"Noon," halos isubsob ko ang mukha ko sa kanya dahil sa ginawa ko, napatakas siya. "At hindi na pwede ngayon, di ka naman siguro bulag para hindi mo makita na may nakatira na sa tabi mo. Hindi ito kagaya dati na pwede niyo gawin ang gusto niyo," singhal ko sa kanya.
Napaatras siya, tila nagulat sa ginawa ko pati yung batang babae na biglang sumiksik sa likod ng kanyang nanay.
Tinapik ko ang sarili ko sa noo, napagtanto na may bata na nakikinig sa amin at mali rin na bulyawan ko ang kanyang ina.
Uminit talaga ang ulo ko, ayaw ko ng sinasagot-sagot. "Basta, ayoko nang maingay kapag umaga. Nagkakaintindihan ba tayo?" maawtoridad kong wika sa kanya. "Dahil hindi lang kayo ang nakatira dito," dagdag ko, habang hinihila ko ang sarili palayo. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin.
She opened her mouth to speak pero tinalikuran ko na sila at babalik sa cabin ko para matulog ulit. Hindi ko na hinihintay na sumagot ang babae, wala naman akong pakialam sa opinyon niya.
Nang makarating ako sa Log Cabin ko pabagsak kong hinigang muli ang katawan ko sa kama but I couldn't back to sleep. Kahit na kailan panira ng umaga ang kapitbahay ko.
Bumangon na lang ako sa kama at nagtimpla ng black coffee. Pagkatapos kong magtimpla ng kape, lumakad ako patungo sa balcony.
Then, nakita ko ang kapitbahay ko. I smiled lazily as i surveyed the woman. Maliit na babae, hindi ganoon kaganda pero malakas ang karisma. Masama kong tinitigan ang babae may kasama itong lalaki. Na kung makatitig sa akin para akong babalatan ng buhay.
Nagsalubong ang mga kilay ko, nang mag ring ang Cellphone ko. Tiningnan ko ang screen it was my sister Agatha, tungkol na naman ito kay Mom.
Pagod na ako sa dahilan lagi ni Mommy ang magsakit–sakitan para lang mapauwi ako sa bahay. Hindi ko naman ito matiis dahil nanay ko ito at mahal na mahal ko.
Pero mas nag aalala ako sa kapatid ko alam kung hindi pa ito okay. But im proud of her nalabanan niya ang stress at depression after losing her daughter.
Until now wala pa kaming balita kung sino kumuha sa baby. Kasisilang lang ng anak nito nang mawala sa ospital hindi makita sa CCTV ang kumuha sa baby ng kapatid ko.
It was so depressing for her sa kanila ng asawa niya. Halos isang taong naghirap bago makarecover si Ate buti na lang sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kanya ay medyo nakarecover ito. Kaya naibsan ang matinding pangulila niya sa kanyang anak pero may oras na sinusumpong pa rin ito ng pangulila. May gabing nagigising ito at walang tigil sa kakaiyak.
Kung buhay siguro ang bata ngayon, sana nga buhay pa. Maybe she was six years old now.
"Hi!" masiglang bati nito sa'kin sa kabilang linya.
"Problem?"
Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito at ingay mula sa kabilang linya.
"Sa sunday uwi ka sa bahay, huh?" paglalambing nito sakin.
"Sure, Ate , uuwi ako. Akala ko si Mommy ang tumatawag?" Teasing her.
"Nope! Don't worry about Mom she's okay andito ka lang kasi sa Pilipinas maliban lang kung nasa ibang bansa ka baka nagdrama iyon," pabiro nitong sagot sa akin.
Sabay kaming nagtawanan. My mother was so dramatic. Ilang beses na itong nagdrama, mapauwi lang ako. Pero ayokong mag stay sa bahay, hindi kasi ito nawawalan ng babaeng ipakilala sa akin. Lahat ng mga pinapakilala niya sa akin ay hindi ko gusto. Ang babata pa at puro anak ng kanyang mga amiga.
"Mahal ka lang 'nun kaya ganoon ang Mommy sayo. Dalawa lang kasi tayo at ang gusto lang 'nun dito ka lang. Kaya pasok kana kapatid kulang kami ng magaling na Architect," malambing na pakiusap nito sa akin.
Saglit akong nag isip. Hindi pa ako handang bumalik sa dati kong trabaho. May aksidenteng nangyari noon, hindi ko alam kung paano nangyari basta gumuho ang building na ginagawa ko, maraming construction worker ang nawalan ng buhay. Mabuti na lang at inurong nila ang demanda laban sa akin at sa company namin. Dahilan kung bakit ako umalis ng Pilipinas.
"Kapag handa na ak—" i paused, hindi ko pa kayang magpatakbo ng negosyo.
"Okay kapag ready kana bumalik ka lang, kailangan namin ng magaling na Architect," putol niya sa sasabihin ko.
I took a deep breath.
"Bye! I'll be there on sunday," paalam ko sa kanya sabay off sa cellphone ko.
Nilapag ko ang cellphobne sa ibabaw ng mesa at muli akong tumingin sa direksiyon ng babae kanina pero wala na ang mga ito.
Mabuti naman. Naupo ako sa may rocking chair, pumikit ako habang tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko.
Muling nagbalik sa alaala ko ang babaeng minsang naging bahagi ng buhay ko. I dont think kung nagmahal ba ako. May nakilala akong babae dati, si Sophia ang pinakamatagal sa mga naging girlfriend ko. Siguro kaya kami nagtagal, marahil hindi demanding. Hindi rin emotional dahil siguro independent woman ito. Isang sikat na supermodel. Dahil ayaw niyang masira ang career niya, tinago niya ang tungkol sa relasyon namin at nagsawa na rin ako. Bukod doon nawalan kami ng oras sa isa't–isa kaya nauwi rin sa hiwalayan.
And mature woman. Isa sa mga dahilan kung bakit ayoko pumatol sa mga batang babae. Dahi masyadong emotional ang mga ito kapag tinatapos ang isang relasyon. Madali akong magsawa sa isang relasyon.
Hindi ko na mabilang kung ilang babae na ang dumaan sa buhay ko. Kaya ang Mommy na ang nag–alala para sa akin, kaya kung sinu–sino na lang narireto sa akin. Pero isang babae ang pinaka–ayaw niya sa lahat si Sophia. Anak kasi ito ng dating kasintahan ni Daddy na sobra niyang pinagseselosan hanggang ngayon.
Tall, dark , exotically beautiful and sophisticated. But my neighbor are none of the above. I chuckled. Bakit ko ba kinukumpara si Sophia sa kapitbahay kung walang konsiderasyon. At mukha pang walang breeding, tapos may anak pa.
But Damn! May taglay na katangian ang babae na hindi ko maintindihan.