Chapter 02–Something was Promised

1251 Words
Chapter 02 Bella POV HINATID ko na lang ng tanaw ang lalaking biglang pumasok sa bahay namin. Hindi ko siya kilala kakauwi ko lang kahapon galing bukid. Ang kapatid ko ang naiwan dito sa bahay kahapon, ang kapatid ko na pipi at bingi ang mahilig magpatugtog sa umaga. Dahil daw kapag malakas ang musika, para daw may naririnig siya. Kasiyahan niya iyon at hindi ko p'wede alisin sa kapatid ko. Ang lalaking g'wapo ay siya pala ang nakatira diyan sa magandang kubo sa tabi namin. May nakatira na pala ilang buwan ko ring nakikita ang pag gawa sa kubo. G'wapo sana pero ang sungit-sungit pala ng may ari. Nagulat ako sa lalaking bumungad na lang bigla kanina sa may pintuan. Ngayon lang ako nakakakita ng g'wapong lalaki sa harapan ko at ang katawan nito parang kagaya sa modelo ng brief sa avon pero mas maganda 'yung katawan noong lalaki. Grabe ang abs, pande-dandesal. May nakita na akong ganoon sa plaza, minsang may pa contest sa piyestahan. May tattoo siya sa braso at gilid ng kanyang tiyan, bagay na bagay sa kanya. Hindi ko maiwasan ang mapangiti at mapakagat labi. Tila ba, kinikilig ako sa nilalang na nakita ko kanina. Sumulyap ako sa kabilang kubo pero wala ang lalaki, saan kaya nagpunta? Tumaas na lang ang leeg ko, hindi ko pa rin makita ang lalaki. "Nanay gutom na po si Mika," reklamo ng anak ko habang hila-hila ang laylayan ng bestidang suot ko at panay himas sa kanyang tiyan. Yumuko ako para pantayan ang taas ng aking anak, inipit ko sa likod ng tenga niya ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mukha na mataba gamit ang mga daliri ko. "Hinatayin lang natin si Tito nagpabili ako noodles," nakangiting sabi ko sa bata, tumango-tango naman ito at yumakap sa akin. "Laro muna ako sa labas Nanay," paalam niya sa akin ng bumitiw sa pagkayakap sa akin. Tumango ako at tumakbo na ito palabas ng bahay. Lumalaki na si Mikaela mag-aanim na taong gulang na ito sa darating na linggo. Wala man lang ako maihanda sa birthday niya hindi bale ipapasyal ko na lang siya sa bayan after namin magsimba. Hahayaan ko siyang maglaro sa mga arcade sa mall. Kahit doon man lang mapaligaya ko ang aking anak. Hindi sapat ang mga kinikita ko sa pagtitinda ng mga kakanin para maipaghanda si Mika sa kanyang kaarawan pero kapag nag seven na siya talagang pagiipunan ko ang kanyang seventh birthday. Ilang minuto lang ay dumating din ang kapatid ko at sumenyas siya sa akin sa pamamagitan ng sign language. Bakit daw wala siya naririnig? Kaya sinabi ko sa kanya na galit yung kapitbahay. Kita ko ang pagtatampo ng mukha niya pero wala ako magawa. Baka bumalik nanaman yung lalaki at aawayin kami. Nagsasalubong ang mga makakapal na kilay nito. Nagluto na lang ako ng noodles para makakain na din si Mikaela at Junjun Darating sila Nanay at Tatay mamaya. Sasama akong maghahatid ng paninda naming gulay sa palengke. Kapag ako kasi ang magbenta wala pang isang oras ubos na, magaling ako sa sales talk. Pagkatapos kung lutuin ang noodles tinawag ko ang dalawa para kumain. "Nanay! Sino yung lalaki kanina? Bad siya nanay sigaw niya ikaw!" inosente nitong tanong sa akin. Pinisil ko lang ang tungko ng ilong nito matangos kasi ang ilong niya at ang mga mata nito ay kulay brown. "Kumain ka na lang at 'wag muna isipin kung sino iyon. Di 'yun importante," paliwanag ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin. Senyas naman ng senyas sakin si Junjun nagagalit din ito. Sixteen years old lang ito at naawa ako sa kapatid ko hindi nakakapag aral dahil sa sitwasyon niya. Nabubully ito sa school kaya pinahinto na lang nila tatay at nanay. Pagkatapos naming kumain ay naghugas ako ng pinagkainan namin. Naglinis narin ako ng bahay para pag uwi ng magulang ko mamaya malinis na itong munti naming tahanan. Pinaliguan ko narin si Mika pati si Junjun inutusan ko na ring maligo. Hihintayin ko lang din ang pinsan kung si Amanda maaga itong umalis kanina para ihatid 'yung kakanin na ginawa niya sa bayan. May mga suki kasi kami doon. Isa sa pag gawa ng mga kakanin ang pinagkikitaan ko para pang tustos sa gastusin dito sa bahay at para kay Mika. Di na ako nakapagtapos mag aral dahil sa hirap ng buhay namin kulang na kulang ang gastusin sa araw-araw. Tapos dumating pa si Mika sa buhay ko. Mahirap nung una pero nakayanan ko naman na itaguyod siya kahit ako lang mag isa. "Ninang Amanda," sigaw ni Mika ng makitang pababa ng jeep ang pinsan ko. Napaka-arte nitong maglakad patungo sa amin, dala-dala ang supot na may tatak ng Jollibee. Aspiring beauty queen na palaging talo sa pa contest sa plaza. Kitang-kita ko ang tuwa ni Mika, patalon-talon siya, mukhang mabubusog na naman siya. "Yehey!" sigaw ng anak ko. "Pasalubong sa batang mataba," aniya, itinaas ang dalang supot, pinaswing pa ito sa ere. Tumawa lang ako sa reaksiyon ni Mika. Tumakbo ito papalapit sa Tita Ninang niya at kumiss sa pisngi na tinuro ni Amanda. "Bella, may order tayo sa linggo, puto at lumpia. Nagustuhan ng customer natin na nagtatrabaho sa Construction Site ng mga Hayes. Yung may ari mismo ang nakatikim, walastik talaga ang lumpia mo, girl. Tatlong bilao order niya at ganoon din sa puto banana mo," masayang balita nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. Laking tulong nito sa'min. Kahit papa'no may pandagdag ako sa birthday ni Mika sa linggo. "Bat ang tahimik ata ng bahay, wala bang tugtog diyan?" nagtataka nitong tanong sa akin. Itinuro ko 'yung kubo sa tabi namin. "Bakit?" sabay tingin niya doon. "Andiyan 'yung may ari at pumunta rito kanina at galit na galit," sabi ko sa kanya. Maya-maya lang ay lumabas ang lalaking tinutukoy ko sa veranda ng tinitirhan nito. Nagkakape ata dahil may bitbit itong tasa. Ganoon parin ang ayos niya, magulo ang buhok at walang paring suot na pantaas. Natutop ni Amanda ang sariling bibig ng makita ang lalaki. "Oh, my God! Cuz, ang gwapo niya saka 'yung katawan yummyliscious. Kapitbahay na pala natin si Malakas," kagat labi nitong sabi na parang sinasilaban ang pwet, hindi mapakali. "Ang g'wapong nilalang mabuti at naligaw siya dito sa atin." aniya na tila kinikilig. Napatingin sa direksiyon namin ang lalaki, ang sama ng titig nito. Nagbawi ako ng paningin, pero si Amanda ay nakatingin pa rin dito, parang na-engkanto. Gwapo naman kasi talaga ito at rare lang sa bayan namin ang ganyang looks, lalo na dito sa barangay namin. Lahat ng kalalakihan dito sa amin ay sunog dahil narin siguro sa mga trabaho nila sa bukid. Ilang saglit lang dumating si Denver, mas lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki sa kabilang kubo. Tulad sa araw–araw na ginagawa ng binata, may bitbit itong bulaklak at tsokalate. Kahit hindi ako kasing ganda ni Catriona Gray at kasing sexy ng katawan ni Pia Wurtbach, habulin ako ng mga kalalakihan dito sa amin. Itong si Denver ang pinaka–matiyaga sa lahat ng mga manliligaw ko kahit ilang beses ko ng binusted. Wala akong panahon sa mga lalaki. May pinangakuan ako at hihintayin ko ang pagbabalik niya at ibibigay ko lang sa kanya ang katawan ko. Sa kanya lang ako kahit marami pang kamukha ni Brad Pitt, Tom Cruise , Leonardo Di Caprio at Henry Cavil. Ang ama ni Mika. Ang lalaking nangako na papakasalan ako. Saan naba ang lalaking iyon, pitong taon na akong naghihintay. "Vince!" Nasaan kana?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD