CHAPTER THIRTY-ONE

1396 Words

NATIGILAN si Liza nang makita si Mike. Kaagad niyang napansin ang band aid sa mukha nito. Napakunot noo siyang nagtataka. Kanina pa siya paikot-ikot sa garden pero ang totoo ay inaabangan niya ang pagdating ni Mike. Kanina pa siya sa sala at hinihintay ang pagdating nito at nang mainip ay tumungo siya sa gardem. Si Tita Sarah kasi ay maagang nagpahinga at ganoon din si Lola Katerina. Gustuhin niya man na matulog ay hindi niya naman magawa lalo pa at wala pa si Mike. Gustuhin n’ya naman na tawagan ito ay nahihiya naman siya. Hanggat maari ay ayaw niyang iniistorbo ito sa trabaho. Napangiti ito nang makita siya. "Anong nangyari sa'yo?" tanong niya sa lalaki na nag-aalala. Kaagad niyang hinaplos ang mukha nito. Inabot nito ang kanyang kamay at hinalikan. “I’m fine. Bakit gising ka pa?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD