Chapter 5

2573 Words
CHAPTER 5 ------------------- GED POV ------------------- Ang pangalawang palapag kasi ay puro mga silid na kaya walang choice na ginalugad ko pa isa isa ang mga lugar na nakabukas. "Tang ina!" Hindi ko napigilan ang mapamura nung buhat sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Greg na nasa may ibaba na. Nasa likod na bahagi na sya ng bar sa may gawing eskenita at tumatakas na. Kasalukuyan kasi akong nasa balkonahe ng isang silid nung masilip ko ang gawing kalsada. At ganoon na nga lang ang pagkagulat ko nung makita ko nga yung gago na naroon na. Nung matanawan nya ko ay nag "dirty finger" pa nga sya sa akin. "Ulol! Magpakasaya ka na ngayon!" Inis na bulong ko. Dahil kahit anong mangyari ay hindi ko sya hahayaang makatakas sa akin. Inilibot ko ang aking paningin. Sinukat ko ang aking tatalunin. Buhat sa kinalalagyan ko ay halos dalawampung talampakan ang taas mula dito. Kung hindi ako maglalakas loob na bumaba agad ngayon ay baka tuluyan ng makatakas ang hinahabol ko. Huminga ako ng malalim at walang pag aalinlangan na tumalon ako. Sanay ako sa mga training na katulad nito kaya nagawa ko lang yon ng maayos. Nung makita ni Greg na para akong ninja na lumanding sa sahig ay nanlaki talaga ang mga mata nya. Lalo na nung tumakbo na ko para habulin sya. Hindi naman sa pagmamalaki pero mabilis at maliksi akong kumilos. Nagtatakbo sya at naghabulan kami. Iyon nga lang ay hindi ko inaasahan ang susunod nyang gagawin kaya nag lie low na muna ako. Ang gago kasi ay sinalubong lang naman ang mga police mobil na nagpa-patrolya sa lugar. At upang hindi ako malagay sa alanganin ay hinayaan ko nalang muna syang makatakas. Bago ko iwalay sa paningin ko si Greg ay sumumpa ako na yayariin ko na sya sa susunod na magkita kami. Huminga ako ng marahas. Inis na inis man ako ay wala akong pamimilian kung hindi ang bumalik na muna sa bar. Naglalakad na ko sa may eskenita pabalik nung mapansin ko ang isang umpukan sa di kalayuan. "Ano ba? Let me go! Don't dare touch me again or else magsisisi ka talaga!" Narinig kong galit na sigaw nung babae sabay sampal nya don sa kausap nya. Ang tapang nya para gawin iyon samantalang mukha syang isang biktima. Hindi naman natinag sa tapang nung babae ang apat na lalaking nakapaligid sa kanya. Bagkus ay lalo pa ngang mga nagsaya ang mga ito. Kahit may kalayuan pa sila sa akin ay nakilala ko agad yung babae. Sya lang naman kasi yung bar girl na nakipag usap sa akin kanina. Nakilala ko sya dahil sa tindig at sa damit na suot nya. Bumuga ako ng hangin. Ayaw ko na sanang tumuloy na bumalik pa ng bar. Pero dahil wala naman kasi akong ibang daraanan maliban dito ay nagpatuloy nalang din ako sa aking paglalakad. Inayos ko ulit ang aking sumbrero at bahagya akong yumuko. Ayaw ko ng gulo kung wala rin naman akong mapapala kaya tahimik akong dumaan sa tapat nila. Ang balak ko ay hindi ko nalang sila papansinin. Kaya lang... "Hoy!" Narinig kong sigaw nung babae. Hindi ako sigurado kung ako yung tinatawag nya. At kahit ako pa iyon ay wala rin naman akong balak na humarap. Kaya nga nagulat nalang ako nung bigla nya kong harangin at kausapin. "Hoy malaki ang atraso mo sa akin kanina ha! And now you have to make bawi! Gulpihin mo nga itong mga panget na to!" Narinig kong sabi nya. Isang utos iyon kaysa sa isang pakiusap. Hindi ako nakakibo. Naisip ko na.. lakas tama naman ng babaeng katabi ko para mag utos. Baka naka batak ng drugs! "Ano na?" Inip na singhal na naman nya sa akin. "Don't just stand there! Sabi ko gulpihin mo sila!" Utos nya ulit sa akin na tinuro pa yung apat na lalaki sa harapan namin na pawang hindi masasaya. "Pare huwag kang maki alam dito ha? Away mag syota ito!" Warning sa akin nung lalaki na parang leader nung grupo. "Babe don't be like this! Please huwag ka ng magalit!" Baling nya sa babae. "Babe ka diyan!? What are you saying? Are you crazy? Huwag mo nga akong tawaging babe! You're so nakakakilabot!" Nanlalaki ang mga matang sagot sa kanya nung babae na bahagya pang nagpunta sa gawing likuran ko. "Come on! Umalis na tayo dito!" Kulang sa pasensyang sabi nung lalaki tapos ay kinambatan nya yung mga kasama nya na kunin yung babae. "Bitiwan nyo ko! Huwag nyo kong hawakan! Ayokong sumama sa inyo!" Inis na inis naman na sabi nung babae habang apura ang pagpupumiglas nya. Basta sa sobrang daldal nya ay walang tigil ang bunganga nya sa pagsasalita. "Sandali!" Hindi nakatiis na sabi ko. "Bitiwan nyo na sya, ayaw naman nya sumama sa inyo e. Hindi nyo ba alam? Masama ang namimilit ng babae," dagdag ko pa. Sa mga sinabi ko ay tinignan ako ng masama nung kaharap ko. Sa inis nya sa pakiki alam ko ay inilang hakbang lang nya ang pagitan namin at mabilis na hinatak nya ang aking damit. "Bakit ba nakikialam ka? Papalag ka ba ha?" Galit na tanong pa nya sa akin. Ang tapang nya dahil alam nya na marami sila. Siga din sya dahil maliban sa magkasing tangkad at magkasing katawan kami ay mukha syang mapera. Akala nya siguro ay wala akong ibubuga. "Hindi naman brad. Siguro mas mabuti kung---." Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin ko dahil nakita ko na bigla nalang umigkas ang kamay nya para suntukin ako sa mukha. Mabilis akong umilag, hinuli ko ang braso nya tapos ay pinalipit ko yon sabay tulak. "F*ck!" Mura nya habang pinipigilan nya ang sarili nyang ma-out of balance. Hawak hawak nya ang nasaktang braso tapos mura sya ng mura. "Pasensya na Brad... ikaw kasi, huwag mo kasi akong ginugulat!" Kunyari ay apologetic na sabi ko. "Kurt pare nasaktan ka ba?" Nag aalalang tanong sa kanya nung kasama nya. "Huwag ka ng magtanong gago!" Inis na sagot nung tinawag na Kurt tapos ay kinambatan nya ang mga kasama nya na sabay sabay akong sugurin. "Yaaahh!!" Sigaw naman ng mga uto na parang mga asong sumunod sa amo nila. Halatang mga anak mayaman kaya ang lalambot nila. Mga ni hindi man lang marunong sumuntok. Yung isa nga na sumugod sa akin ay iniwasan ko lang at itinulak tapos dapa na agad. Yung isa kinanti ko lang ng suntok sa sikmura, ayon at agad na napaluhod sa lupa. Yung isa naman sa takot nya ay hanggang amba nalang. "Tumigil ka at itaas mo ang kamay mo kung hindi ay pasasabugin ko ang ulo mo," narinig kong galit na sigaw ng isang lalaki buhat sa aking likuran. Nung makita ko ang shock na reaction nung babae sa harapan ko ay naisip ko na may dala talagang baril ang taong iyon na sa malamang ay nakatutok sa may ulo ko. Mula sa kinatatayuan ko ay pasimple akong tumingin sa may salamin ng sirang sasakyan na nahagip ng aking mga mata. Nakita ko buhat sa repleksyon niyon ang isang malaking bulto ng lalaki na palapit sa akin. Nasisiguro ko na isa sya sa bodyguard ng mga lalaking narito. Iba kasi ang awra nya pati na ang dating ng tono ng boses nya. Yung tipong hindi lang basta nagbabanta. "Itaas mong kamay mo!" Sigaw ulit nung lalaki. Nung marinig ko yung sinabi nya ay sumunod naman ako. Itinaas ko ang dalawang kamay ko bilang tanda ng aking pagsuko. "Sige Bruno! Barilin mo! Barilin mo na!" Galit na utos nung lalaking Kurt ang pangalan. Hawak hawak pa rin nya ang braso nya na sa malamang ay may pinsala. Alam ko na hindi magdadalawang isip yung lalaki na gawin ang ipinag uutos nung amo nya. Kaya nung makahanap ako ng tiyempo ay mabilis akong umikot paharap sa kanya. Pagyuko ko ng ulo ko ay isang malakas na putok ng baril ang pumailanlang. Napatili pa nga yung babae sa pagkagulat nya. "Tang ina muntik na yon!" Mura ko sa isipan ko. Kung hindi ko naisip ang maaari nyang gawin ay baka isa na akong yumao ngayon. Pagkaiwas ko sa bala ay agad na yumukod ako para sipain ang binti nya. Nung bahagya syang mapaluhod ay agad ko ring sinuntok ang braso nya na may hawak na baril. Dahilan kung bakit lumuwag ang pagkakataban nya don hanggang sa mabitiwan na nya ito. Naging mabilis lang ang pagkilos ko kung kaya't hindi nya inaasahan ang isa pang suntok na tatama sa kanyang mukha. Nung bumulagta yung lalaki ay hindi na ako nagkaroon ng chance na makapag salita. Buhat kasi sa isang eskinita ay nakita ko na may mga kalalakihan pa ang mga parating. Hindi ko na gusto pa ng mas malaking gulo kaya mas pinili ko nalang ang umiwas. "Halika dito tayo!" Sabi ko sa babae sabay hawak ko sa braso nya. Hindi sya kumibo basta nanatili lang syang nakatayo at shock na nakatingin sa mga lalaking kasama nya kanina. "Halika na!" Yaya ko ulit sa kanya. Pero tulad kanina ay para na syang na-estatwa sa kinatatayuan nya. Plano ko nga sana ay iwanan nalang syang mag isa. Tutal naman ay hindi ko naman sya kilala. Pero dahil naisip ko na baka tuluyan na syang mapahamak sa kamay ng mga hudas ay hindi ko naman sya mapabayaan. May mga kapatid din kasi akong babae, natural na gusto ko din na may tutulong sa kanila na tulad ng ganito pagnagkataon. Walang choice na binuhat ko yung babae at isinama kong lumayo. Hindi naman sya pumalag o kumontra man lang. Nanatili lang syang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya ng mga oras na to dahil parang na shock na sya. Shock na hindi naman nagtagal dahil maya maya ay bumalik na sya sa pagiging madaldal at masungit nya. "Put me down! Anong ginagawa mo? Bastos!" Singhal nya sa akin tapos ay nagpupumiglas sya. "Sabi ko ibaba mo ko! Ibaba mo ko!" Sigaw pa nya ng paulit ulit. Nakakabingi! Kaya nga nung makakita ako ng pwede naming taguan ay doon na muna ako huminto at ibinaba ko sya. "Hoy! Oo! Nagpapatulong ako sayo kanina but it doesn't mean na may karapatan ka ng buhatin ako o dalhin ako sa kung saan mo gusto okay? Know your limitations!" Singhal pa nya sa akin habang inaayos yung damit nya. Hindi ako makapaniwalang tinignan ko sya. Sya na nga itong tinulungan ay sya pa itong galit. "Hindi ko alam na may mga tao palang hindi marunong magpasalamat," bulong ko. Bulong na umabot naman sa pandinig nya kaya nakita ko na nagsalubong ang mga kilay nya. "What did you say? Gusto mo pa pasalamatan kita? Excuse me! Pinahiya mo nga ako kanina at hindi pa ako nakaka get over don! So imbis na magpasalamat ako sayo you should be the one to say sorry to me! My God! No one has ever embarrassed me! Sobrang kasiraan yon sa reputation ko and--uhmm.. uhm..." "Huwag kang maingay," bawal ko sa kanya habang takip takip ko ng kamay ko ang bibig nya. Habang putak kasi sya ng putak kanina ay napansin ko ang mga grupo ng mga kalalakihan na pinaghahahanap kami. Buti na lamang at medyo madilim ang part na pinagtataguan namin kaya may chance na hindi nila kami mapapansin. Balak ko sana ay lumusot kami sa kabilang direksyon. Kaso ay napansin ko na may mga tao ding nagkakagulo doon. Tingin ko pa nga ay may mga pulis silang kasama. "Aray!" Impit na daing ko nung bigla nalang akong kagatin nung kasama ko. Napaka pasaway talaga! "Millie! Millie!" Sigaw nya at halos magtatakbo na sya don sa mga grupo ng mga babae na nakita ko din kanina. "Sandali lang!" Pigil ko sa kamay nya. Kung hahayaan ko syang umalis ng katulad nito ay baka masabit pa ko sa gulo. "Bitiwan mo ko! I know isa ka ring masamang tao! I'm sure of it! Kaya humanda kayo dahil babalikan ko talaga ka--." Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya nung bigla nalang syang nawalan ng malay. Wala kasi akong choice kung hindi ang patahimikin muna sya sa pamamagitan ng mabilisang pag chop sa carotid pulse nya. Pero saglit lamang ang epekto nito kaysa sa totoong pagpapatahimik ng isang tao. "Pasensya ka na, ikaw kasi ang daldal mo," sabi ko habang hawak ko sya sa bisig ko. Binuhat ko sya ay maingat na inilapag sa lugar na tingin ko ay madali nalang syang matatagpuan ng mga kasama nya tapos ay iniwan ko na sya. Nasa isang misyon ako ngayon kung kaya't hindi talaga ako maaring mapasama sa isa pang gulo. "Ged nasaan ka na? Nagtagumpay ka ba?" Tanong agad ni Bogs sa kabilang linya. "Hindi. Sa ibang araw ko nalang reresbakan si Greg," mainit ang ulo na sagot ko. "Baka isumbong ka non ngayong alam na nya na may kailangan ka," nag aalalang sabi pa nya. Hindi man nya aminin ay bakas sa boses nya ang takot. "Hindi naman nya alam kung ano ang kailangan ko. Isa pa hindi naman nya ko kilala. Sigurado ko na aakalain lang nya na isa ako sa mga bataan ng mga taong humahabol sa kanya," confident na sagot ko. Kapareho ni Greg ay kasapi ako sa samahan na kung tawagin nila ay Yungib. Ang Yungib ay isang sikretong organisasyon na kinabibilangan ng mga pinaka masasamang tao sa balat ng lupa. Lungga ito ng mga hitman na pumapatay ng mga tao dahil sa presyong nakapatong sa ulo ng mga biktima. Masama man o mabuti ay hindi na mahalaga dahil sa bawat pagbawi ng buhay ay may kaakibat na kwarta. Bago ako maging miyembro nito ay ang aking ama muna. Kung kaya't bata palang ako ay sumailalim na ako sa matinding pagsasanay nya. Sya ang nagturo sa akin ng lahat ng mga nalalaman ko tungkol sa pakikipaglaban. Isa sya sa pinaka mahusay. Pinaka mahusay. Kaya nga hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay hindi pa rin sya muling nagpapakita. Ang huling misyon na tinanggap nya ay ang kahulihulihan sanang misyon na gagawin nya bago sya tuluyang mag retiro. At ngayon narito ako para hanapin sya. At hindi ako titigil hanggat hindi ko sya nakikita. "Ged ang mabuti pa bumalik ka na dito," Narinig kong sabi ni Bogs. Nasa boses na naman nya ang labis na pag aalala. Ewan ko ba naman at kung bakit nagkaroon ako ng kasama na sobrang nerbyoso na katulad nya. Kung hindi ko lang talaga sya napapakinabangan ay baka noon pa ay itinaboy ko na sya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi na ako nakipagtalo kay Bogs at sinunod ko na lang ang kanyang sinasabi. KINABUKASAN Maaga palang ay nasa tapat na ako ng mansion ng mga Imperio. Dito kasi ako naatasang mag trabaho bilang bodyguard ng mayamang negosyanteng si Mr.Enrico Imperio. "Sige tumuloy ka na," sabi sa akin ng guard matapos nyang tignan ang ID at mga gamit na dala ko. Pagpasok ko ng malaking gate ay isang guard na naman ang sumalubong sa akin at sinamahan akong maglakad papunta sa pinaka kabahayan. Sa sobrang laki ng bahay ay parang palasyo na nga ang tingin ko dito. Sa gawing gilid kami dumaan papunta sa may kusina. Pagdating namin don ay naabutan namin na may mga nagkakainan. Nung makita ko ang mga unipormadong katulong ay hindi na ako nagulat sa bilang nila. Anim kasi agad ang mga babaeng nagkakagulo sa may lamesa. "Guada sya si Ramirez yung hinihintay ni sir Ric," endorso sa akin nung guard sa isang babae. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD