Chapter 4

2605 Words
CHAPTER 4 ------------------- GED POV ------------------- "Bakit ayaw mong sagutin ng maayos ang tanong ko?" seryosong tanong ko sa isang lalaki habang nakasalya ang aking braso sa kanyang katawan. Umiling ito na parang takot na takot. "Hindi ko alam ang sinasabi mo! Wala akong alam boss, pakiusap bitiwan mo na ako!" Sagot nya na halos maihi na sa takot. Hindi ako naawa sa kanya bagkus ay lalo kong hinablot ang kanyang kohelyo at hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang leeg. Tapos ay pilit ko siyang idiniin sa kanyang kinalalagyan upang huwag syang makakilos ng maayos. Sa tuwing tatangkain nyang magsinungaling o hindi kaya ay gumalaw ay lalong humihigpit ang pagkakasakal ko sa kanya. "Hindi mo talaga alam ha?!" seryosong tanong ko sa kanya tapos ay ginitgit ko pa lalo ang ulo nya sa may sandalan. "Baka ito alam mo kung ano ito?" tanong ko sa kanya sabay labas ng baril sa taguan ko. Mariin ko iyong hinawakan at itinutok sa ilalim ng kanyang panga, hudyat na hindi ako nagbibiro at kaya ko siyang tapusin anumang oras. Nung makita nya kung ano yon ay lalo syang nahintakutan. Naramdaman ko ang pangangatog ng kanyang katawan dahil sa matinding kaba. "Ano na? Sasabihin mo na ba sa akin ngayon kung nasaan ang bagay na hinahanap ko o tototohanin na nating wala kang alam dahil pasasabugin ko na ang bao ng bungo mo!" pananakot ko pa sa kanya. Ngunit patuloy lang siyang nangatog at hindi na makapagsalita kaya naman mas lalo ko pa siyang binulyawan. "Sagot!!" sa gigil at inip ko ay itinutok ko na ang baril sa tapat ng sintido nya. Kung hindi talaga sya aamin ay balak ko nalang syang itumba. Maya maya ay tila nahimasmasan sya at bumalik sa tamang ulirat, "Huwag mo ako patayin boss! W-wala sa akin yung itim na kahon! Hindi ako yung kumuha! Hindi ako! Hindi ako!" nanginginig sa takot na sigaw na naman nya. Halos maghalo na nga ang pawis, luha, dugo at sipon nya sa mukha. Gagawa gawa ng kasalanan ay duwag naman pala. "Kung ganon nakanino ang kahon? Nakanino?!" Kulang sa pasensyang singhal ko sa kanya habang mas idinidiin ko ang baril sa kanyang ulo sabay kasa dito. "Huwag mong ubusin ang natitirang kabaitan ko sa iyo, gago ka!" Noong marinig niya ang pagkasa ng baril ay lalo siyang nagpanic, dahilan ng kanyang pag-amin, "Na kay Greg! Nasa kanya ang hinahanap mo! Huwag mo akong patayin, maaawa ka sa akin!" "Saan ko makikita ang Greg na 'to? Saan?!" singhal ko sa kanya. Pakiramdam ko ay namumula na ang aking mga mata dahil sa matinding galit. "Nasa isang bar sya ngayon! Sa.. sa.. Imperial Night Palace sa Jacoba! Nandon sya! Makikilala mo sya dahil may makapal syang bigote ngayon at mahabang pilat sa mukha! Kaya paki usap..huwag mo akong patayin! May mga anak ako---." Hindi na nya naituloy ang mga sasabihin nya nung mabilis kong ipinukpok ang baril na hawak ko sa gawing panga nya. Ang parteng iyon ay sensitibo upang mabilis na mawalan ng malay ang isang tao. "Sasabihin mo rin pala ginusto mo pang mabugbog!" Iritadong sabi ko habang patulak ko syang binitawan. Kanina ay dito ko sya inabangan sa loob ng kanyang sasakyan upang paaminin. At ngayon dito ko na rin sya iiwanang nakahandusay. Lumabas ako na parang walang nangyari, pinilit kong maging kalmado at huwag magpadala sa matinding emosyon. "Ged! Nahanap mo ba?" tanong agad sa akin ni Bogs nung sagutin ko ang tawag nya. Hindi man nya sabihin ay halatang halata sa boses nya ang labis na pag aalala. Si Bogs ay ang kaibigan ko na nakaka alam ng lahat ng sikreto ko sa aking buhay. At sya din ang dahilan kung bakit sa wakas ay may lead na akong makukuha tungkol sa pagkawala ng aking ama. Iyon nga ay ang kahon na aking hinahanap. Ayon kasi sa impormasyon na nakalap ni Bogs ay sa gamit na yon namin malalaman ang huling lugar na pinuntahan ng akin ama at kung sino ang iba pang nakasama nya bago sya mawala. Sa loob ng kahon na iyon ay naroon ang mga dash camera na maaring makatulong sa aking paghahanap. Pero sa kasamaang palad nga ay nasa pag iingat ito ng ibang tao. A dash cam is a small, windscreen-mounted, in-car camera recording everything in front and in some instances the rear of a driver. "Sira ka ba? Akala mo ba ganoon lang kadali yon?" paninita ko sa kanya. Gamit ang maliit na device na nakakabit sa tenga ko ay nag usap kami. Isa itong micro communication device na dinesenyo para mas clear at mabilis na access sa mga confidential at secret calls. "Pasensya ka na Ged, hindi ko na kasi nakuha ang pangalan ng nag iingat ng kahon na yon. Kung nakuha ko lang sana ay hindi ka na mahihirapan ng ganyan," dagdag pa niya habang patuloy kaming nag uusap. "Tumigil ka na nga diyan at huwag ka ng mag drama! Alam mo naman na malaking tulong sa paghahanap ko ang impormasyon na nakuha mo. Tsaka isa pa alam mo na hindi ako titigil hanggat hindi ko natatagpuan si tatay!" Seryosong sabi ko sa kanya. Isang buwan na ang nakakaraan simula nung huling nagkausap kaming mag ama. Sino ba ang mag aakala na iyon na rin pala ang huli naming pagkikita. "Alam ko! Basta mag iingat ka! Alam mo naman na mainit ang mga mata ng ibang miyembro ng organisasyon sayo. Baka manganib ang buhay mo at ang masama pa diyan ay pati na rin ang buhay ko!" nag-aalalang sabi pa nya. Hindi ko man sya nakikita ay alam ko na hindi lang ang mga kamay nya ang nangangatog sa nerbyos. Kung hindi pati na rin ang mga taba sa kanyang baba. Chubby kasi sya. Matalino sya oo pero bukod don ay mukha na syang bugbugin. Bumuga ako ng hangin. Tama naman kasi ang sinabi nya. Sa uri ng trabaho na mayroon ako, lahat ng nasa paligid ko ay nasa alanganin. "Kaya nga ang sabi ko maglalayo ka muna sa akin hindi ba?" Naiiling na sabi ko sa kanya. Pero dahil nga parang magkadikit na ang aming mga bituka ay hindi maiiwasan na lagi syang nadadamay sa aking mga problema. "Sabi ko naman sayo tutulungan kita palagi bilang side kick mo," simula pa nya sa mga drama nya. "Sige na! Sige na! Mamaya nalang tayo mag usap," sabi ko sa kanya sabay putol ko sa komunikasyon naming dalawa. Ganito kasi talaga si Bogs pag natatakot, laging nakakaisip ng mga nakakaiyak na dialog. At wala akong oras para makinig sa kanya lalo na ngayon na may iba pa akong importanteng gagawin. Kailangan kong makarating sa bar kung saan naroon si Greg. Mabilis ang mga lakad na tinalunton ko ang daan papunta sa kinaroroonan ng aking motorsiklo. Nung makalapit ako doon ay mabilis kong tinanggal ang suot kong half face black mask. Ito ay for security purposes, sigurado kasi na walang ibang makikilala sa akin dahil mata lamang ang kita dito. Pagkatapos kong isuot ang aking helmet ay pinaharurot ko na agad ang aking motorsiklo. Bente minutos ang lumipas bago ko narating ang lugar na pakay ko. Pagdating ko sa lugar ay hindi ako nag aksaya ng oras. Isinuot ko ang itim kong sumbrero at inayos ko itong mabuti upang matabingan ang aking mukha. Ilang saglit pa ay nakalapit na ako sa maingay na lugar. Hindi pa nga ako halos nakakapasok sa loob ng bar ay halos maamoy ko na ang magkahalong amoy ng alak at usok ng sigarilyo. "Hi pogi! May kasama ka ba? Gusto mo tayo na lang?" Narinig kong sabi ng isang babae na lumapit sa akin. Sa lakas ng tugtog ay halos sumigaw na sya sa akin. Mukhang nakainom na yung babae dahil bukod sa namumungay na ang mga mata nya ay malakas na rin ang loob nyang humaplos sa isang estranghero na katulad ko. "Halika nga ditong babae ka! Nandito pa ako ay kung sino sinong lalaki na ang kinakalantari mo!" Galit na hinatak naman sya nung isang lalaki habang masama ang pagkakatitig sa akin. Hindi ko gugustuhin na magkagulo habang hindi ko nakikita ang taong pakay ko. Kung kaya't nagpasalamat ako na hindi ko kinibo yung babae kanina. Iniwanan ko agad sila at ginalugad ko ang bawat lugar sa lobby para hanapin si Greg. Nung hindi ko sya nakita ay nag desisyon na akong pumasok sa loob. Nung buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin ang mas maingay na lugar. Punong puno ito ng mga taong nagsasayawan. Ang madilim at pakundap kundap na liwanag ay hindi naging komportable sa aking mga mata. Ilang sandali pa ang aking pinalipas bago tuluyang masanay ang mga ito sa paligid. Luminga linga ako upang hanapin ang isang partikular na tao, si Greg. Kasalukuyan akong abala sa paghahanap sa kanya nung may babaeng humarang sa daraanan ko. "Excuse me, are you looking for someone?" Tanong sa akin ng isang boses. Sa ingay ng paligid ay halos sumigaw na nga sya pero yung boses nya ay nananatili pa ring maganda. Nung tignan ko ang babae sa harap ko ay napakunot noo talaga ko. Sa kabila ng patay sindi ang mga ilaw ay masasabi kong napaka ganda kasi nya. Actually ay sobrang ganda nya para sa isang hostess. I mean yung mga babae na kailangan pang lumapit sa mga lalaki para makahanap ng aliw. Hindi ko napigilan ang sarili ko na pasimple syang hagurin ng tingin. Maganda ang mukha nung babae pati na rin ang kanyang kasuotan. Matangkad din sya, kung dahil iyon sa suot nyang sapatos ay hindi ko alam. Basta ang alam ko halos kasing taas ko na sya samantalang anim na talampakan ang aking taas. Narinig ko na muli nyang inulit ang sinabi nya kanina sa pag aakalang hindi ko iyon narinig. Tinanong din nya ako kung may hinahanap akong tao. Nung napipilitan akong tumango, akala nya ay nakikipagkaibigan na ko. "By the way, I'm Brandee and you are?" pakilala nya sa kanyang sarili tapos ay ngumiti pa sya . Inilahad pa nya ang kanang kamay nya upang makipagkamay sa akin. Hindi agad ako naka sagot. Nag alangan ako dahil maliban sa may ibang sadya ako ay napansin ko na maraming tao ang nakatingin sa amin. Pinapanood nila kami at pawang may mga hawak silang cellphone na nakatutok sa amin. Naisip ko na magkakasama sila at mga nagti-trip lang. Kaya nga hindi talaga ako naging komportable lalo na at hindi makakabuti para sa akin ang lumabas sa mga social media. Yumuko ako at muli kong inayos ang sumbrero ko upang mas tabingan pa ang aking mukha. Balak ko ay umalis na agad ngunit nanatiling makulit ang aking kaharap. "Anong pangalan mo?" Narinig kong tanong nya ulit sa akin habang sinisipat sipat ang aking mukha. "Ged," tipid na sagot ko. Ayoko namang mapahiya sya sa mga kasama nya kaya napipilitang tinanggap ko na rin ang pakikipag kamay nya. Narinig kong pinuri nya ang pangalan ko. Tapos ay may sinabi pa ulit sya, bagay na hindi ko na naintindihan. Timing naman kasi na may mga taong nakabunggo sa likuran ko kaya naagaw na non ang pansin ko. Hindi ko na talaga narinig yung sinabi nung babae. "Tumabi ka nga!" Sabi nung barumbadong lalaki sa likuran ko. Nung nilingon ko sya ay ganoon nalang ang pagkabigla ko nung makita ko na nag match sa itsura nya ang pagkakakilanlan na sinabi nung lalaki kanina. Makapal ang bigote nya at may mahaba syang pilat sa kanyang pisngi. Kung hindi ako nagkakamali ay sya na nga ito. Si Greg, ang taong aking hinahanap. May kaakbay syang dalawang babae habang e-ekis ekis ang kanyang paglakad. Tila ba nakarami na talaga sya ng naiinom na alak. Sinundan ko sya ng tingin habang ang depensa at mag mamatiyag ay naroon pa rin. Siguro ay naramdaman nya ang bigat ng aking mga titig kung kaya't napatingin ulit sya sa aking gawi. Nung magtama ang aming mga mata ay mukhang nakaramdam na agad sya ng panganib. Nakita ko kasi na rumehistro agad ang takot sa kanyang mukha kaya nagmamadali syang lumayo. Halos magkandarapa nga sya sa pagtakbo na tila ba ay nawala na ang kanyang pagkalango sa alak. "Tang ina!" Mura ko. Tuluyan ng nawala sa isip ko ang babaeng kausap ko dahil hindi ako nag dalawang isip na tugisin agad si Greg. Halos maghabulan kaming dalawa sa gitna ng maraming tao. Sa kabila ng tinalasan ko ang aking mga mata ay mabilis na nawala sa aking paningin si Greg. Yung tila ba may iba pa siyang mga kasama na tumulong sa kanya upang makatakas. Nung mahagip sya ng mga mata ko ay naroon na ang gago sa pangalawang palapag ng gusali. Syempre ay hindi ako nag aksaya ng panahon at sinundan ko agad sya. Buti nga ay natawan ko agad ang hagdan na inakyatan nila. Dali dali akong pumunta doon pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit nung may tatlong lalaki na agad ang humarang sa akin. Kapwa sila mga naka itim at sa hilatsa ng mga mukha nila ay tila hindi sila gagawa ng matino. At tama ako dahil hindi na nag aksaya ng panahon yung isa at sinalubong agad ako ng kamao nya. Mabilis ang pagsibat ng kanyang atake sa akin gayon pa man ay madali ko itong naiwasan kaya tumama ang kanyang kamao sa gabay ng hagdan Alerto lamang ang aking mga mata, kahit ang pagkurap ay hindi ko ginagawa. Ito ang pangunahing alituntunin sa hand to hand combat, kailangan obserhan ang kilos ng kalaban dahil isang maling galaw ay tiyak na magdudulot ng kapahamakan. Nasa ganoon akong posisyon nung isa pang suntok ang iginawad nya sa akin, at sa ikalawang pagkakataon ay muli ko yung naiwasan. Bilang ganti ay ginawaran ko sya ng isang malakas sipa sa tagiliran. Iyon ang dahilan kung bakit tumilapon sya sa isang sulok at namilipit sa sakit. Dahil sa lakas ng aking pagsipa ay tumumba ang isang kalaban at nasa ganoong posisyon ako noong sumugod naman ang dalawa. Ang isa ay naghawak ng bakal na tubo at ang isa naman ay may hawak na isang maliit na patalim. Halos sabay silang sumugod sa aking kinalalagyan. Wala akong oras para sa mga patapon na katulad nila kaya hindi pa sila kumikilos ay inunahan ko na agad sila. Noong mga sandaling iyon ay nakadilat lamang ang aking mga mata. Unang umatake sa akin ang lalaking may hawak na tubo. Agad kong naiwasan ang unang hagupit ng kanyang hawak na sandata. Nagpadausdos ako sa sahig ng paluhod at mabilis kong kinuha ang aking baril at pinutukan ko sya sa may binti kaya nawala sya sa posisyon at nabitiwan nya agad ang tubong kanyang hawak. Dito ay mabilis na lumipad ang kamao ko sa katawan niya. Nung maramdaman nya ang pagbaon ng kamay ko sa sikmura nya ay agad syang napaluhod sa sahig! Iginawad ko ang isang malakas na tadyak sa kanyang mukha dahilan para mawalan sya ng balanse at mahulog sa hagdan. Sumugod din sa akin ang ikatlong lalaki, winasiwas niya ang hawak nyang patalim sa aking harapan. "Tang ina ka!" pagmumura nya na may halong matinding galit. Mabilis akong umikot patalikod upang umiwas tapos ay hinawakan ko ang kamay nyang may hawak na patalim. At walang pag aalinlngan na isinaksak ko yon sa kanyang sarili. Kahit na may tama na sya ay lumalaban pa rin sya kaya naman isang malakas na head butt sa noo ang iginawad ko sa kanya dahilan ng kanyang pagkahilo. Dito na sumibat ang aking kamao na tumama sa kanyang bibig dahilan para mabasag ang kanyang ngipin at tumilapon sa sahig. Bago ko iwan yung lalaki ay narinig ko pa ang malakas na palahaw nya. Nagmamadaling umakyat ako ng hagdan at sinundan ko si Greg. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD