Betrayal 3
Jade’s POV
“What?” singhal pa sa akin ni Mr. Calpo. Kinilabutan ako sa pagsigaw niay sa akin. Para bang nagising ako sa kahibangan ko ng minutong iyon.
“Niloloko mo ba ako?” muli niyang sigaw sa akin.
“Bakit ka ba sumisigaw?” tanong ko sa kanya.
“Wala kang pakialam kung sumisigaw ako, at isa pa? sa puso? Anong kagaguhan yan Miss De Vera ah?”
“I’m sorry, kinakabahan kasi ako.”
“Well I don’t care kung kinakabahan ka, ano nga pala ang inaaplayan mo? Receptionist? And you are graduated of Computer Science? Sa tingin mo anong maitutulong mo sa kumpanya ko ah?” anong maitutulong ko? Hindi ko alam, malay ko ba? Anong kinalaman ko sa medicine? Kaya nga ako kumuha ng Computer science kasi nga magaling ako sa computer e, tapos tatanungin niya ako tungkol sa saan ba ang tanong niya?
“Wala,”
“Wala?” pagtataka pa niya.
“Opo, Wala. Wala akong ideya kung anong maitutulong ko sa kumpanya niyo kasi wala naman po akong alam sa Medicine, medicol lang ang alam kong gamot at Bio flu, idagdag mo pa yung paracetamol. At clusivol ara-araw.” Leche anog bang pinagsasabi mo Jade? Ano bang nangyayari sa iyo?
“Wala ka naman palang maitutulong, anong ginagawa mo dito ngayon?”
“Sa tingin mo dahil sa maganda ka tatanggapin kita?”
“Uy, sir ikaw ang nagsabi niya ah. Hindi ako.” Pabiro ko pang sabi sa kanya.
“Sumasakit ang ulo ko sa iyo, you can leave now.” Utos pa nito sa akin.
“Pasok na po ba ako?” excited na tanong ko sa kanya.
“HINDI! Caplock yan para intense. Sa bobong taglay mo hindi ko alam kung paano ka nakagraduate sa kurso mo.” Aba nilait pa ang pinag-aralan ko?
“Hoy! Mister Presidente, ang kapal din ng mukha niyong sabihin bobo ako? Hoy for your information matalino ako… hindi nga lang halata pero matalino ako.”
“Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi halata, wala akong oras sa iyo makakaalis ka na.”
Lumuhod ako sa harapan niya.
“Please naman po, kailangan ko po ang trabahong ito. Please lang po pleaseee!” pagmamakaawa ko pa sa kanya.
“Pwes hindi kita kailangan, makakaalis ka na. at wag mong antayin na tumawag pa ako ng guard upang pakaladkarin pa kita palabas ng kwartong ito.” Doon na ako natauhan sa pagmamakaawa ko sa kanya.
“Bakit nga ba ako nagmamakaawa sa iyo? Eh ang kapal kapal ng mukha mo? Ang yabang yabang mo pa tapos feeling mo pogi ka? Pwe! At nasabi ko na bang ang yabang-yabang-yabang mo?” saka ako tumalikod sa kanya.
Mali muli akong humarap sa kanya.
“Wag na wag mo na ako ulit tatawagan pa? kapag manliligaw ka sa akin, Grrr ihanda mo yang sarili mo dahil babastedin kitang hayup ka!” saka na ako tuluyang tumalikod at hindi na muli pang humarap sa kanya. Ewan ko kung ano yung mga pinagsasabi ko sa kanya at higit sa lahat hindi ko alam kung saan nanggaling yung tapang at kapal ng mukha kong sabihin sa kanya yung mga bagay na iyon.
XXXXX
“Whatttt?” isang mahabang what ang sinabe sa akin ni Jessy yung pagkatapos kong ikwento sa kanya yung mga nangyari ngayon araw na ito. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari at sa mga naikwento ko sa kanya sa interview ko kanina. Isang mahabang buntong hininga ang iniwan ko sa kanya bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko. Sumunod naman sa akin si Jessy at kinulit pa ulit ako sa loob ng kwarto ko.
“Ano? Gwapo ba?” pangungulit pa niya sa akin.
“Gwapo siya? Kaso ang yabang! Ang hambog! Ang kapal ng mukha! At ang…”
“Hot?”
Tinignan ko siya ng masama tapos kinulit pa niya ulit ako.
“Oo na, ang hot niya. ang hot hot niya! para siyang demonyo sa sobrang init! No! demonyo talaga siya!”
“Ikaw kamusta ang lakad mo?” tanong ko naman sa kanya.
“Okay naman, as usual approved na yung manuscript ko. Yung isa ah? Pero yung kakabigay ko palang ng MS ay on reading pa raw, antay-antay muna raw. Hmmm ano? Labas tayo?” kumunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya.
“Labas? Wala akong pera.”
“Treat ko,” sabi niya.
“Okay sabi mo e,” pumasok kami sa kwarto ni Jessy at pinahiram niya ako ng mga sexy niyang mga damit. At saka kami pumunta sa isang sikat na bar sa may Quezon City.
“Mukhang sosyal ang mga tao dito, hindi ako bagay dito.” Nahihiyang sabi ko pa kay Jessy.
“Ano ba? Maganda ka at higit sa lahat sexy ka kaya dapat mong gawin ay maniwala ka sa sarili mo na maganda ka at sexy ka.”
“Sige na nga.” Sabay pasok sa loob ng bar. Ipinakilala niya ako sa loob sa mga kaibigan niyang mga sosyal din. At nagulat nalang ako noong bigla nalang naghiyawan ang mga babae noong may isang binatang pumasok sa loob ng bar. Lahat ng mga mata nila ay nasa lalakeng iyon, noong natapatan siya ng ilaw halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita ko.
“Shet! Itago mo ako Bessy,” sabi ko sabay nagtago ako sa likuran ni Jessy.
“Ano bang nangyayari sa iyo?”
“Si Mr. Yabang parating.”
“Jessy, how are you.” Shet! Yung boses niya. ibig bang sabihin ito magkakilala sila?
“Doing great, nga pala may ipapakilala ako sa iyo. My bestfriend Jade,” saka ako hinila sa likuran ni Jessy upang ipakilala kay… Mr. Yabang!
Punyetang araw na ito oh! Ano bang nangyayari sa akin?
Bakit ayaw mo akong tantanan buwisit ka!
Tinitigan niya ako ng husto, hindi ako nakipagtalo sa titigan at nakipagtitigan din ako sa kanya.
“Don’t tell me na kilala mo ang bestfriend ko?”
“Why don’t you ask your bestfriend either?”
Tumingin si Jessy sa akin at ganun din si Mr. Jarvis sa akin.
“Aalis muna ako, hindi kasi ako makahinga dito e,” kunwaring sabi ko sa kanya. Ata saka na ako umalis upang makalanghap ng sariwang hangin. Hanggang sa marating ng paa ko ang Carpark, huminga ako ng malalim dinama ang lamig ng hangin ng gabing iyon. Hanggang sa may marinig akong isang tinig na hindi ko inaasahang marinig ng gabing iyon.
“Ivo, Harder please…” Ivo? Ivo na boyfriend ni Jessy?