Betrayal 2

2870 Words
Jade’s POV Kinabukasan, Ewan ko kung bakit pagkagising ko ang sakit ng ulo ko. Tumayo ako sa hinigaan ko na masakit ang ulo at ginagalaw-galaw ito. Pagkalabas ko ng kwarto ni Jessy ay kulitang ng dalawang magkasintahan ang bumungad sa akin. Kinikiliti ni Ivo si Jessy sa gilid nito habang si Jessy naman ay tuwang-tuwa at tumatawa pa sa pangkikiliti sa kanya ng binata. Busy at kinukulit kasi ni Ivo si Jessy sa pagluluto nito ng umagahan. Tumingin ako sa orasan 6:30 am na pala. Natahimik at natigilan lang sila noong makita ako ni Ivo na nakatayo sa gilid ng pintuan ng kwarto ni Jessy na nakasandal ang likuran at pinagmamasdan silang nagkukulitan. “Oh? Bessy gising ka na pa?” napahinto si Jessy sa pagluluto, naghugas ng kamay nito at lumapit sa akin para makipag-beso. Bumawi din ako nakipagbeso din ako sa kanya. “Ano? Masarap ba ang tulog mo?” tanong pa sa akin ni Jessy. Napatingin ako kay Ivo na busy naman sa pag-aayos ng mga plato na siyang gagamitin namin sa pagkain ng umagang iyon. Ningitian ko si Jessy at sinabe kong… “Oo naman. Ang sarap-sarap ng tulog ko.” Kitang kita ko kung paano mag-iba ang galaw ng katawan ni Ivo ng minutong iyon na para bang kinilabutan sa pagkakabigkas ko ng ‘MASARAP’. Hinila na ni Jessy ang kamay ko at sumabay na ako sa pagkain sa kanila ng umagang iyon. Habang kumakain kami ay hindi ko parin maiwasang mahapwayan ng titig ang boyfriend ng bestfriend ko. Ewan ko ba? Pero kahit na sinusungitan niya ako parang ang hot hot kasi niya. Oo aminado ako, crush ko siya. Pero hanggang crush lang at kailangan kong itago yung pagkagusto ko sa kanya kasi, baka masira ang pagkakaibigan namin ng bestfriend ko lalong lalo na, na utang na loob ko sa kanya ang mga nangyayari sa akin ngayon. Pagkatapos kumain ni Ivo ay kaagad itong tumayo at nagpaalam na sa kanyang girlfriend. Hinalikan nito ito sa labi at saka na umalis, samantala ako patuloy parin ako sa pagkain. Ang bagal ko talaga kumain kahit kailan. “Oh? Bilisan mo.” Sabi pa sa akin ni Jessy. Kumunot ang noo ko sa biglang sinabe noon ni Jessy. “Bakit?” tanong ko sa kanya. “Diba? May interview ka ngayon?” halos matumba ako sa kinauupuan ko sa narinig k okay Jessy. I almost forgot. Oo nga pala ngayon pala yung job interview ko sa inaplayan ko online. Lagot! 9:oo am yung call time ko for interview, bilang receptionist sa isang malaking kumpanya. “Kalma lang, remember nasa Makati na tayo? E diba sa Salcedo lang yung kumpanyang inamplayan mo? Malapit lang yun dito kaya wag ka nang mag-alala.” Doon na ako muling nakahinga ng maayos. Mabuti nalang may kaibigan akong nandiyan para ipaalala na everything will be alright kung magiging focus ka lang. hays! Nasaan na ba kasi ang focus mo ngayon Jade? “Tank you bessy.” XXXXX Calpo Empire. Kilala ang Calpo Empire bilang isa sa brand na pinagkakatiwalaan ng mga tao sa buong mundo when it comes to health and medicine. Nandito ako ngayon upang mag-apply bilang receptionist nila. Maaga akong nakarating at ang sabi ng Guard na siyang nagpapasok sa akin sa malaking building na ito na sobrang aga ko raw sa mga usual na nag-aaply dito. Ningitian ko siya at sabay sabing, ganito po talaga dapat ang nag-hahanap ng trabaho. Sa isang kwarto ako dinala ng guard. Dito muna inilalagay ang mga aplicante nila. Medyo sosyal ah? Di katulad sa ibang naririnig ko na nasa labas lang sila nag-aantay ko sa gilid ng reception area nag-aantay at nakatayo, pero dito sa Calpo Empire. Aircondition pa ang mga aplicante. Muli kong binasa ang resume ko, at mataimtim na ipinikit ang aking mga mata at nagdasal na sana patnubayan ako ng panginoon na sana matanggap ako sa inaaplayan kong ito. Maya-maya ay bumukas ang pintuan. “Miss De Vega?” bungad pa sa akin ng isang babae. Tumayo ako. “Yes po?” “Follow me,” utos pa nito sa akin. Akala ko sa loob ng kwartong ito na ako iinterviewhin pero hindi pa pala sa isang maliit na kwarto ako ininterview ng babaeng nagngangalang Chelsea. Umupo ako ng maayos sa harapan niya. Inayos pa niya ang folders ko na siyang naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa akin, ganun din ang mga papeles na nagpapatunay na nakapagtapos ako ng kolehiyo. Tahimik niyang inisa-isa ang mga ito at maya-maya ay tumingin na ito sa akin. Tinanggal pa nito ang suot niyang antipara. At nagsimula na siyang magtanong. Para akong nasa isang police station o di naman nasa isang husgado sa mga tanong ng interviewer na iyon. Halos madrain ang utak ko sa kakasagot sa mga tanong niya, lumabas akong parang nireyp sa sobrang ginulo-gulo ko ang buhok ko ng minutong iyon. Hindi kasi ako proud sa mga sagot ko, ewan ko pero sobra akong kinakabahan sa mga tanong niya, idagdag mo pa yung pagiging mataray niyang magtanong at yung pagiging sarcastic niya. Hays goodluck sa iyo Jade. Lumabas ako ng kwartong iyon nang biglang nakaramdam ako ng hilo. Mabuti nalang at may nakasalo sa akin. Tumingin ako sa taong nakasalo sa akin, nakatingin ito sa akin at may pagtataka sa kanyang mga mata. “Are you okay Miss?” tanong pa nito sa akin at saka inalalayan ako ng maayos upang makatayo ng maayos. “Yes. Sorry,” nahihiyang sagot ko. “No. that’s okay, by the way are sure you’re okay?” paninigurado pa niya kung okay nga lang ba talaga ako. Okay ba talaga ako? Feeling ko hindi. Kasi feeling ko sa first interview ko na ito uuwi akong luhaan. “Opo, pasensya na po sa istorbo.” Sabi ko pa sa kanya at aakmang tatalikod na pero muli niya akong tinawag. “Miss…” lumingon ako sa kanya. Nasabi ko bang ang gwapo niya? Oo! Yung typical na parang may-ari ng isang kumpanya, yun ang peg niya sa suit and tie na suot niya ng minutong iyon. Napalunok pa ako noong lumingon ako sa kanya. “Kumain ka na ba?” tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot ko. “Sayang naman,” malungkot na sagot niya. ‘sayang naman?’ anong sabi niya? “I’m sorry?” gulat na tanong ko sa kanya. “Yayayain pa naman sana kitang mag-coffee muna sa may coffee shop sa may labas ng building, pero sabi mo kumain ka na e.” “Niyayaya mo akong kumain sa labas?” “Maganda ka sana kaso nga lang bingi ka. Epekto ba yan ng pagkahilo mo kanina?” ang yabang pala nitong mokong na ito. “No thanks sir. Kaya kong bumili ng kape kahit anong brand pa yan.” Sabi ko saka ako tumalikod. “Miss…” muli na naman niya akong tinawag. Kainis ano bang trip niya ah? “Ano?” pasigaw kong sagot sa kanya. “Yung folder mo,” sabi pa nito. Wala na akong choice kundi ang muli lumapit sa kanya at pabalabag na kinuha ang folder sa kamay niya at tumalikod. Bastos na kung bastos ewan ko pero hindi ko gusto ang ugali niya, masyado siyang mayabang at mapagmataas, Grrr ayaw ko pa naman sa ganung lalake nakakabawas pogi points. XXXXX “Kumusta ang interview?” nasa harapan ng laptop nito si Jessy at busy ata sa pag-eedit ng manuscript niya na siyang ipapasa niya sa publisher niya. Kaya kinakausap niya ako, pero busy ang kamay nito sa pagtatype at pag-eedit ng sinusulat nito. “Ayun, tatawagan nalang raw ako. Pero feeling ko hindi ako nakapasa, kasi naman…” huminto siya sa ginagawa niya. “Kinabahan ka? Normal lang naman yun e, don’t worry bessy marami pa naman diyang iba e. try and try until you succeed. Diba?” ngumiti ako sa fighting spirit ng bestfriend kong ito. Mabuti pa siya yung trabaho niya nasa loob lang ng bahay niya, kahit anong oras pupwede siyang magpahinga at kahit anong oras pwede siyang magtrabaho, kakaiba nga raw ang buhay ng isang writer, Masaya pero nakakastress raw sabi pa ni Jessy lalong lalo na kapag na-reject o return yung manuscript mo. Kahit na sabihin mong dinugo ka na sa pag-eedit nito at kahit ano-ano nang mabulaklak na salita ang inilagay mo dito, iiyak at iiyak kapag nangyari yun. Rejection! XXXXX Kinabukasan. Wala akong gana na gumalaw, wala si Jessy dahil sa maaga siyang umalis at pumunta doon sa quezon city para ipasa ng personal yung manuscript niya at para iupdate kung naka-line up na raw ba yung susunod niyang novel ngayon buwan. Nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at kaagad na sinagot ang tawag. Babae ang nagsalita sa kabilang linya. Sinasabe niyang kailangan ko raw bumalik ngayon sa Calpo Empire para sa interview ko sa may-ari ng Calpo. Like what? May ari ng Calpo Empire? Bigla akong pinagpawisan noong natapos ang usapan namin ng babaeng iyon. Halos hindi parin nagsisink-in sa utak ko yung mga sinabe niya hanggang sa muli na namang tumunog ang phone ko. Si Nanay ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag. “Anak kamusta ka na diyan?” tanong sa akin ni Nanay na may pag-aalala sa tono ng boses niya. “Ayus naman po Nay, may mga mababait na taong tumutulong sa akin rito. Kayo ho?” napalunok ako ng minutong iyon ng laway ko noong marinig ko ulit ang boses niya. hanggang ngayon hindi parin nawawala yung takot ko sa tuwing naririnig ko ang boses niya. 5 years? Halos limang taon na pala akong hindi umuuwi sa bahay simula noong mangyari ang pangyayaring hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan. “Nay, may interview po ako ngayon. Kailangan ko na pong umalis, tatawag ko nalang po kayo ulit mamaya.” Pagkukunwari ko. Saka ko pinatay ang cellphone ko. Napayakap ako sa phone ko ng minutong iyon. Huminga ng malalim at saka ako pumasok sa banyo upang maligo na at ihanda ang sarili ko sa pagharap ko sa may ari ng Calpo Empire. XXXXX Tatlo. Tatlo kaming pinabalik para last interview kuno na sinasabe nila. Kinakabahan ako, samantala na parang wala lang yung dalawa kong kasama na nag-uusap tungkol sa natapos nila noong kolehiyo. BS in Computer Science. Yan lang naman ang natapos ko, sa totoo lang guro talaga ang gusto ko kasi yung ang pangarap kong propesyon kaso nga lang sa unibersidad na kung saan ako libreng nag-aaaral at nakagraduate ay wala yung kursong hinahanap ko. Siyempre nalungkot ako, kasi yun ang pangarap ko pero natutunan ko rin naman mahalin ang kurso kong ito at pagbutihin ang pag-aaral sa abot nang aking kinaya. Hanggang sa makapagtapos nga ako. Nasabi ko bang libre ang pag-aarala ko sa mamahaling unibersidad na pinag-aralan ko? At simula first year college ay pinag-aaral na ako ng isang Mr. Tan. Pero sa totoo lang? hindi ko pa nakikita yung taong iyon sa tanang buhay ko. “Next… Miss De Vera.” Kaagad akong napatayo noong tinawag ng isang babae ang apelyedo ko. Kinuha ko ang bag at ang folder ko, huminga akong malalim saka ako sumunod sa babaeng iyon. Nasa 30th floor raw kasi ang office ng presidente ng Calpo Empire. Nangangatog at panay ang kabog ng dibdib ko sa bawat floor na nadadaanan ng elevator na sinasakyan namin paakyat sa pinaka-tuktok na floor ng Building na ito. Noong bumukas ang pintuan ng elevator, sinabe ng babae sa akin na sundan ko raw siya. Binuksan nito ang pintuan na kung saan ako iinterviewhin ng may ari ng Calpo Empire. Simula noong tumayo ako doon sa kwartong pinanggalingan ko, hanggang sa pagkakatayo ko sa kwartong ito ay hindi parin nawawala yung kaba sa dibdib ko. Panay parin ang kabog nito at nahihirapan na akong makahinga dahil dito. Pinaupo niya ako sa sinabeng antayin ko lang raw na pumasok ang Presidente ng Calpo. Shet! Bakit ba kasi ako kinakabahan? Kasi nga presidente na yung kakausapin mo, hindi yung pipitsuging assistant lang o interviewer nila duh? Inhale… Exhale… Inhale… Ex… “Anong ginagawa mo?” biglang tanong sa akin ng isang… “Ikaw?” sabay turo ko pa sa kanya. “Kilala mo ako?” tanong nito sa akin. “Wag mong sabihin na ikaw ang may ari ng Calpo Empire. Huh! Asan na yung boss mo?” iniling-iling pa nito ang ulo nito saka siya umupo sa shivel chair niya at tinaas pa ng bastos na lalakeng ito ang paa nito sa desk niya saka niya pinaharap sa akin yung pangalan niya. Mr. Jarvis Kiefer Calpo. “President.” Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Bigla na naman ako napalunok ng laway ko ng dis oras. Pinagpawisan kahit na sobrang lamig sa loob ng opisina iyon. Tumayo ako. “Where do you think you’re going?” ang boses niya. halos nagsitayuan lahat ng mga maliliit na balahibo ko ng minutong iyon sa boses niyang iyon. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. “I just want to remind you, na nandito ka sa harapan ko ngayon dahil kailangan mo ng trabaho right? Miss…” “Miss De Vera,” nahihiyang sagot ko. “So I’m asking you again, saan mo balak pumunta?” shet ano bang isasagot ko? “Sa… sa…” nauutal na sagot ko. “Saan?” inaantay niya ang sagot ko. “Sa puso mo.” Boom Panes. Boom Lagot. Boom Hays ewan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD