Roxanne Ilang ulit akong napalunok at napakurap habang nakatitig sa mahabang mensahe na 'yon ni Claude sa akin. "A-Ahm..." Kaagad kong ibinalik sa bag ko ang phone ko bago ko hinarap muli si Adam. "How's your back? Okay na ba? Magaling ka na? Are you free of fractures?" nakangiti niyang tanong sa akin. "O-Oo, h-hindi na sumasakit. Nakakaya ko na ngang buhatin si Crystal, eh." Nilingon kong muli ang kinaroroonan nila Claude at hanggang ngayon ay madilim pa rin ang anyo niya habang nakatitig sa amin. Maging si Athena ay nakita ko ring nakatanaw na sa amin ngunit naroroon ang mga ngiti niyang tila hindi mapagkakatiwalaan. Para siyang demonyita! Muling lumipat ang paningin ko kay Claude. Para na siyang manunugod anumang oras! Muli akong napalunok. Medyo mabilis ang aking paghinga dahi