Roxanne Pinaulanan ni Claude nang sunod-sunod at malalakas na busina ang kotse ni Adam na ngayo'y nakaharang sa gate ng subdivision kahit nagsisimula naman na itong umandar upang makaalis. Umikot ito hanggang sa mawala na siya sa harapan namin. Saglit na nagtama ang aming mga mata hanggang sa tuluyan na niya kaming malampasan. Kaagad din namang pinasibad ni Claude ang kotse niya papasok sa loob ng subdivision. Hiyang-hiya ako sa inasal ni Claude sa kanya. Gusto kong humingi ng dispensiya sa kanya pero paano ko gagawin 'yon? Sana ay makauwi siya ng ligtas sa bahay nila sa Laguna. "Ang galing mo rin namang sumilo ng lalaki. Kunwari ay iniligtas mo ang anak niya para kaawaan ka niya at mahulog siya sa iyo. Tsk. Tsk. Tsk." Napalingon ako kay Claude sa sinabi niyang 'yon. At hayan na nam