Roxanne "Anak, makinig ka sa akin. Makakaalis lang tayo dito kapag naibalik na natin sa kanya ang baba--" "Crystal." Napahinto ako sa pagsasalita at kaagad napalingon sa pinto ng bus namin nang bigla na lamang pumasok sa pinto si Claude. Kaagad na bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatitig sa kanya na ngayon ay naglalakad na palapit sa amin. Si Crystal ay kaagad ding lumingon sa kanya habang yakap ko siya at nakaupo naman ako sa gilid ng kama. Kanina kasi ay naglulupasay siya sa sahig at nagpaikot-ikot naman dito sa ibabaw ng kama. As in nagwawala talaga siya. Ayaw ding kumain lalo't alam niyang dala ng mga kasambahay ang mga pagkain naming naririto. Ayaw na rin niyang maligo sa pool o sumakay sa duck kahit sinabi na ng mga ito na p'wede na siyang maligo doon. Kaagad kong pinunas