Roxanne "Alright. Let's sleep." Pinatay na ni Claude ang ilaw sa kisame kaya tanging ang lampshade na lamang ang naiwang naka-on sa magkabilang table ng kama. Dinala na niya si Crystal sa kama. "Saan mo gustong pum'westo?" malambing niyang tanong sa aming anak habang patuloy niya pa rin itong hinahalikan. Ako naman ay nananatili lamang sa kinatatayuan ko at pinagmamasdan sila. Malakas ang buga ng aircon at nanonoot ang lamig nito sa balat ko. "Sa gitna po ako, daddy! Tabi ko kayo ni nanay," kaagad din namang sagot sa kanya ni Crystal. "Alright. Sa gitna ka." Hindi ako makapaniwalang tumitig kay Claude. Talaga bang matutulog kaming tatlo sa iisang kama lang ngayong gabing ito? Parang... parang... wala akong maintindihan. Naguguluhan ako. Bakit gusto niyang matulog kaming tatlo s