Chapter 1-Jilliane The Poorita Girl°

1767 Words
Third Person's POV Nagkakagulo na naman sa parking lot ng Alekzander High. Nagsama-sama ba naman ang mga MEAN GIRLS, IT GIRLS at FAN GIRLS isama mo pa ang mga TEAM T-DRAGONS. Riot! "Haay! Nakakasuya na. Hindi ba nila alam na noise pollution na ang ginagawa nila? Tilian ng tilian akala mo ngayon lang nakakita ng mga lalake! Kailan pa naging exclusive school for girls ang Alekzander High? Ang pagkakaalam ko Co-Ed ito, ah! Pigilan mo ako Criselle makakatikim sa akin ang mga chipipay na 'to!" inis na sabi ni Jilliane. Habang nakamasid sa mga estudyanteng hindi magkamayaw sa paghabol sa sikat na triplets ng kanilang eskuwelahan. "Sige, go ahead,” sagot naman ni Criselle na bising-busy sa pagkalikot ng kanyang mamahaling cellphone, ni hindi man lang tinapunan nang tingin ang kaibigan. "Huh! Grabe naman, oh! Gagawin ko na ba?" Napatapik pa siya sa kaniyang noo. "0ne..." "Two..." "Three.." Inhale/exhale. "Magsitigil kayooooooooooo!" malakas na sigaw ni Jilliane. Parang nakarinig ng kung ano ang mga nagkakagulong kababaihan at nagsipagtigil ang mga ito. Nasa kaniya ang spotlight ng mga sandaling iyon. Tumahimik ang lahat, parang iisang taong tumingin sa kinaroroonan ni Jilliane. "What's the problem with you, Poorita Girl?" tanong ng isang miyembro ng Mean Girls. Parang napahiya naman si Jilliane. Hindi niya lubos maisip na ang nasa isip lang niya kanina ay nasabi niya sa lahat. Nasisi niya ang kaibigang si Criselle, sinabi naman kasi niya dito na awatin siya nito ngunit mas lalo pa siyang ipinagtulakan na gawin ang sana ay sa isip lang niya. Bakas sa mukha nang lahat ang pagkainip naghihintay nang kasagutan mula kay Jilliane. "Agaw atensiyon kasi si Ate, eh!" pasigaw na sabi nang isa. "Sige nga, mag paliwanag ka ngayon sa mga estudyante ng Alekzander High," segunda naman ng isa pa. Naalarma si Jilliane ang mga tingin ng kapwa niya estudyante sa kanya ay para bang nagbabanta ng shoot to k*ll. "Anong gagawin nila sa 'kin?" histerikal na tanong niya sa sarili. Nagsisi siya sa kan'yang ginawa, hindi niya akalain na ganito ang magiging reaksyon ng mga maarteng estudyante ng Alekzander High. "AH... EH... MAGSITIGIL KAYO KASI... UUTOT AKO," mahina at halos pabulong na sabi niya. Ang lakas nang naging tawanan, dumadagundong sa buong eskwelahan ang halakhakan ng mga estudyante. "Yuck!" sabay-sabay na sabi ng mga, It Girls "Eeeeeew,"sabi naman ng mga Mean Girls. "May sayad ka, teh?" tanong ng isang Fan Girl na may halong pang-iinsulto. "My gosh! hindi na nahiya pati ba naman pag utot niya kailangan pa talagang i-broadcast. The nerve!" nandidiring sabi ng isang miyembro ng Team T-Dragons na akala mo ay nakakain ng isang dakot na sili kaya nangapal ang nguso sa inilagay na liptint na alam namang ipinagbabawal sa eskuwelahan ay siya parin nilang ginagawa. Pakiramdam ni Jilliane kasing liit na siya ng langgam ng mga sandaling iyon. Tanga-tanga naman kasi, bakit ba iyon ang pumasok sa isip niya? Pero totoo namang kanina pa niya gustong maglabas ng masamang hangin dahil mukhang nalamigan ang kanyang sikmura, hindi kasi siya nakapag almusal ni hindi man lang nakainom kahit maligamgam na tubig, diretsong ligo na pagkagising. "Ah, eh... joke lang po 'yon, huwag n'yo pong masyadong dibdibin," sabi niya sa mga ito sabay peace sign. "Poorita, 'wag ka ngang KSP, pa bida ka, eh!" inis na sabi ng It Girl na naniningkit pa ang mga mata. "Eeeeehhhhh!" tili nang isa. "Paalis na ang T-Dragons," sigaw ng mga Fan Girls. Nagmamadaling lumakad ang mga ito papunta sa direksyon ng T- Dragons. "Daliii... bilisan nyo ang cellphone ko! Kailangan makuhanan ko ang moment na 'to. B'wisit kasi 'tong Poorita Girl na 'to nakaalis na tuloy si Clark ko!" sigaw ng isang miyembro ng IT'Girls na parang uod na binuhusan ng asin sa sobrang likot ng katawan kilig na kilig ito habang nakatunghay sa T-Dragons. "Clark... " "My super duper gwapo prince charming, Iñigo... " "Grabe, wait lang naman, Brix baby! Come to mama!" "Naku po! Ang lakas ng tama n'yo! Ilang katol ba ang nasinghot n'yo?" asar na tanong ni Jilliane habang nakamasid sa mga nagkakagulong kababaihan. "Hayaan mo na nga sila Jilliane," saway ni Criselle sa kaibigan, masyado narin siyang naba-bother sa ikinikilos nito. "Ikaw talaga, parang wala ka talagang paki alam sa mga nangyayari sa paligid mo!" baling ni Jilliane sa kaibigan. "Huh! At bakit naman ako makikialam sa kanila? As if namang may paki alam din sila sa akin," walang ganang sabi nito. "Hay... maghanap ka na lang ibang kausap, Criselle," dismayadong sabi niya. "Tsk! Kunwari ka pang asar sa T-Dragons. Ikaw nga ang presidente ng Fans Club nila, fangirl!" pambubuska ni Criselle. Gusto niya lang na lalong asarin ito dahil hindi niya alam ang kung ano ba talaga ang ipinaglalaban ng kaniyang kaibigan? "Hay naku! Tigil-tigilan mo nga ako Criselle hindi naman ako mahilig sa mga gwapo, noh!" singhal niya rito, hindi niya nagustuhan ang sinasabi nitong fangirl daw siya ng T-Dragons. "So, bakit ka ba naiinis sa kanila?" naguguluhang tanong nito sa kanya. "Wala.... wala naman, sobrang OA na kasi nila, friend. Simula first year hanggang senior high ay wala pa ring kasawaan." "Eh, hindi naman talaga makatarungan ang kagwapuhan nila 'di ba, aminin mo?" nanunudyong sabi ni Criselle na pangisi-ngisi pa. "Kung makatarungan o hindi wala akong pakialam ang kailangan ko lang ay katahimikan, Criselle."pikon na sabi niya naman dito. "Huwag ka ngang OA d'yan, kung gusto mo nang tahimik do'n ka sa sementeryo mag-aral! Dalawang beses lang naman sa isang linggo pumapasok ang T-Dragons kaya hayaan mo na silang lahat mag-baliw-baliwan." "Oh, kaya nga, Monday at Thursday lang naman sila pumapasok. Bakit hindi na lang sila nag-home study? May matutunan ba sila sa dalawang araw na pagpasok sa isang linggo? Palibhasa transfer lang itong si Jilliane sa Alekzander High kaya naman hindi pa niya alam kung ano ang kalakaran sa eskuwelahang ito. Dalawang buwan na mula ng magsimula ang klase at apat na beses palang daw na pumapasok ang T-Dragons. Nakita na niya ang mga ito ng isang beses sa malayuan nga lang dahil lagi itong pinagkakaguluhan ng mga estudyante at talaga namang hindi maitatanggi ni Jilliane na sobra ang kagwapuhan ng mga ito. Hindi maipagkakaila at angat na angat talaga sila sa iba. Partida, sa malayuan pa lang niya iyon nakita, what more kung sa malapitan pa? "Malas mo nga dahil sa cream section sila at hindi natin sila classmate!" Sampu lang naman ang mga estudyante ng cream section ito ang special section for VIP students. "Kagaya ng T-Dragons na may ari ng eskuwelahan at anak ng presidente ng bansa. Ang apo ng Senate President, anak ng Speaker of the House, apo ng Ombudsman. Ang sikat na sikat na love team, ang teen actress na si Bridget Scott at teen actor na si Seb Peralta ng Chanel 1 ( GAV Network) na pag aari rin ng mga Vander. Ang pinakahuli ay ang sikat na modelo at kambal na anak ng PNP Chief of Police. Silang sampu ang bumubuo ng cream section. Noon nga ay may seperate silang class room at saka 'yong principal pa ang teacher nila. Mabuti na lang ay pumayag na sila ngayon na makisama sa ibang mga estudyante," mahabang paliwanag ni Criselle "Huh! Hindi nga? Gano'n ba talaga sila ka-espesyal?" tanong ni Jilliane na hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ng kaibigan, bahagya pang napaawang pa ang bibig nito sa pagkamangha. Tumango -tango naman si Criselle na para bang sinasabing totoo ang lahat ng iyon. "KAYA WAG KA NGANG EPAL D'YAN JILLIANE!MASYADO KA EH, ALAM MO BA NA ANG T-DRAGONS LANG ANG PINAKA MAGANDANG NANGYARI SA ESKUWELAHANG ITO?" Kahit hindi naman gusto ni Criselle ang T-Dragons dahil may isa sa kanila ang kinaiinisan nito ay hindi naman niya maipagkakaila na nagkakaroon lang ng buhay ang kanilang eskuwelahan kapag dumarating na ang triplets na Vander. "Lahat ng mga teenager sa buong bansa ay nangangarap na makapag-aral sa paaralang ito, alam mo ba 'yon? Mga anak ng politiko, negosyante, mga artista at model dahil gustong-gusto nilang makita at mapansin sila nang T-DRAGONS at alam mo bang maswerte ka dahil tinanggap ka sa paaralang ito nang walang kahirap-hirap? 'Yong iba nga handang magbayad ng milyon-milyon para mapabilang sa mga estudyante ng Alekzander High," dagdag pa ni Criselle. Nanlaki ang mga mata ni Jilliane sa narinig. Maituturing nga ba siyang suwerte o malas dahil isa siyang malaking OUT CAST? Walang gusto makipag kaibigan sa kan'ya bukod kay Criselle dahil itong bruha niyang kaibigan ay wala namang pakialam sa mundo. Walang grupong kinabibilangan at loner dati ng hindi pa niya ito nakikilala. First day palang ng school ay nabansagan na si Jilliane ng "Poorita Girl". Pa'no ba naman, hindi pa nga siya nakakapasok sa classroom ay natanggal na agad ang swelas ng kanyang sapatos. Pinaglumaan na kasi niya iyon, noong third year pa siya sa Masambong High School ay gamit-gamit na niya ito. Isang pares palang kasi ng uniform ay ubos na ang perang padala ng kanyang Tita Sylvia. Ginto ang presyo ng uniporme sa eskuwelahang ito. Hindi naman pwedeng wash and wear sa kanya dahil sa dalas ng pambu-bully ng mga walang magawang estudyante ay palagi siyang umuuwi ng basa o marumi. Ang kapatid ng kanyang ama na si Tita Sylvia ang nagpumilit na mag aral siya sa Alekzander High dahil pangarap niya ito rati na hindi natupad at dahil hindi naman mabiyayaan ng anak sa asawa nitong briton kaya siya ang napagdiskitahan. No'ng una ay ayaw niya talagang lumipat ng eskuwelahan, kasi naman nasanay na siya sa dating pinapasukan. Panibagong kakilala, panibagong pakisama, panibagong pakikipagsapalaran. Ngunit, sa kapipilit ng kaniyang Tita Sylvia ay napapayag narin siya, naisip niya na malaking tulong sa naghihikahos nilang buhay ang buwan-buwang allowance na ipinadadala nito sa kanya kahit papaano sa pagtitipid na rin at tamang pagba-budget ay nakakapagtabi pa sila ng pambayad sa kuryente at tubig buhat dito. "Marami ka pang hindi alam sa Alekzander High at sa T-Dragons," sabi ni Criselle, na kanina pa pala siya pinagmamasdan. "At ano naman ang mga 'yon?" walang ganang tanong niya. "It's for you to find out," pambibitin nito. "Halika na, pumasok na tayo sa classroom," aya ni Criselle kay Jilliane, tumayo na ito at nauna nang lumakad. Naiwan namang nakatulala parin si Jilliane, napa isip siya sa mga sinabi ni Criselle. "Ano ba kasing meron sa Alekzander High at sa T-Dragons? Tsh! Pakialam ko ba!" Pailing-iling na lumakad siya. "Hoy, Criselle antay naman! Pambihira kabibili lang ng sapatos ko sa divisoria baka bumigay na naman ito!" Hindi niya namalayan na nakalayo na pala ng husto ang kaniyang kaibigan, lakad takbong sumunod siya rito.Iniingatan niyang huwag masira ang kabibili lang niyang sapatos. Lagi nga niyang ipinapanalangin na umabot ito hanggang graduation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD