Jilliane's POV
Waaaaaahhhhhh...!
"Oh, bakit? Ano'ng nangyari sa 'yo?" tarantang tanong ni mama ng makalapit ito sa akin, kasalukuyan kaming nasa kusina.
"Mama...mama!" sabi ko habang pumapadyak halos maiyak na ako. Talagang hindi ko tinigilan si mama, hinatak-hatak ko pa ang suot niyang duster.
"Ano ba kasi 'yon? Puro ka mama... mama d'yan!" sabi niya na medyo napipikon na sa akin.
Kasi naman nakita ko ang limang pirasong itlog sa ibabaw ng lamesa. Kadarating ko lang galing eskuwelahan at dumiretso agad ako sa kusina para uminom ng tubig.
"Mama, huwag mong sabihing 'yang mga bilog na naman na 'yan ang ulam natin? Napupurga na 'ko d'yan, eh!" reklamo ko.
"Anak naman, unawain mo muna. Hindi pa ibinibigay ang sweldo ng tatay mo ngayon, kasi wala raw banko, kaya bukas na lang daw. Ang ate Jessica mo naman ay sa lunes pa ang sweldo. Ang kuya Julius mo ay nagbayad ng tuition fee sa eskwelahan. Pero, huwag kang mag-alala, anak, bumili naman ako ng sardinas gawin nating torta 'yan para mas masarap," paliwanag ni mama sa akin.
Ang totoo naman hindi ako mareklamo sa pagkain, kung ano'ng nakahain ay siya ko namang kakainin. Ipinagpapasalamat ko nga at may grasyang dumarating sa amin sa araw-araw. Kaya lang kapag naaalala ko ang nangyari kanina ay parang gusto ko nang isumpa ang itlog.
"Okay po, Mama," malungkot na sagot ko.
"Sige, umakyat ka na sa itaas at magpalit ka na ng damit. Habang nagluluto ako magwalis-walis ka muna sa sala," utos pa sa akin ni mama.
"Opo," walang ganang sagot ko.
Dumiretso na ako sa aking kwarto.
Payak ang aming pamumuhay.
Si Papa ay machine operator sa pabrika ng mga delata. Si Mama naman para makatulong kay Papa, paminsan-minsan ay tumatanggap ng labada. Ang Ate Jessica ko ay working student, she's now in third year college taking up secondary education. While, Kuya Julius is a graduating student. Soon to be, Engineer Julius Cesar Sandiego, proud ako sa kuya ko dahil pursigido sa buhay. Nagtatrabaho rin ito habang nag aaral.
Makalipas ang isang oras, sunod-sunod ng nagdatingan ang mga kapatid ko at si Papa. Sabay-sabay naming pinagsaluhan ang pagkain.
Masarap ang tortang sardinas, naparami ang kain ko kaya busog na busog ako. Dahil pare-parehong pagod, ako na ang nag boluntaryong maghugas ng pinggan.
Huh! Ito nga pala talaga ang papel ko sa bahay na ito. Isa akong dakilang dishwasher.
_
Lunes. Dismissed ang first subject namin dahil wala ang teacher namin na Ms. Sanchez at ipinagpasalamat ko iyon.
I hate math talaga!
Minsan nga iniisip ko magagamit ba talaga sa araw-araw na pamumuhay ang calculus? Basta marunong kang mag plus, minus at multiply mabubuhay ka naman sa mundo hindi ba? Pero, kasama talaga 'yon sa pag aaral kaya wala akong magagawa.
Lunes na lunes hindi pumasok si Criselle kaya naman para akong tangang mag isa dahil wala naman pumapansin sa akin sa school.
I am Jilliane and I am a nobody sa Alekzander High. Parang hindi ako nag e-exist sa eskwelahan na ito. Gusto ko ng maawa sa sarili ko but I have to get used to it. Isang taong pagtitiis. After this, malaya na ako sa mapanuring mata ng mga tao at baluktot na pananaw nila sa buhay.
I know there's a discriminations from the very start. Hindi ako pwedeng makipagsabayan sa kanila at ayoko namang magpanggap. What you see is what you get, mahirap kami pero wala kaming inaagrabyadong tao.
_
Dahil gusto ko muna ng katahimikan at may isang oras pa naman ako. Napadpad ako sa 12th floor ng school building. Hindi sinasadyang napagawi ang mata ko sa asul na pinto. Nang tingalain ko iyon ay may nakita akong karatula na may nakasulat na CVV. Na- curious akong tingnan ang loob niyon dahil napansin kong medyo nakaawang ng konti ang pinto at parang sinasabi sa aking "halika pumasok ka" kaya naman sinunod ko ang binubulong ng isip ko.
Sobrang namangha ako ng makapasok sa loob. Parang nakita ko na ito sa lifestyle magazine ni Ate Jessica. Mukhang bahay sa loob, kumpleto sa gamit at ang ganda ng pagkaka-style, very manly and yet may touch of class ang interior decorations.
Tingnan mo nga naman. Saan ka ba makaka kita ng bahay sa loob ng eskwelahan?
Ang mga kagamitan sa loob ay puro makabago.
Ito kaya ang pahingahan ng principal?
Napansin kong may nakabukas na libro na may nakapatong na reading glass sa ibabaw ng itim na babasaging lamesa.
Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid ng biglang may tumikhim.
"Ahemmmm...!"
Bahagya akong napaatras at pagkatapos ay lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.
To my surprised, talagang hindi ko inaasahan ang makikita.
Clark Vincent Vander is standing right there in front of me na para bang may malaking question mark sa mukha.
"I thought I'm all alone here. I just left for awhile and when I got back..." sabi nito sa akin na hindi na natuloy pa ang sasabihin.
Nataranta ako at hindi nakaimik.
"Excuse me, do I know you? This is my private place and no one is allowed in here." Seryoso ang mukha niya na nakatingin sa akin pero hindi naman mukhang galit.
"I'm sorry!I just passed by and I saw the door was open, I got curious what's inside. Sorry for invading your privacy but honestly, it is not my intention." Napa- ingles tuloy ako ng bongga .
Maya'y nakaramdam ako na parang nag uuntugan ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko bibigay na sila any moment. Paano ba naman grabe makatingin si Clark, hindi ba niya alam na napakaganda ng mga mata niya?
Oh, gosh! Parang gusto kong himatayin, mata pa lang 'yon, ah!
Huwag ka lang ngingiti please!
Kasi pag ginawa mo 'yon bibigay na talaga ako.
Tumingin ito sa may pinto and then tumingin sa akin. Sabay ngiti.
"Oh stupid! It's my fault then, I forgot to lock the do__"
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi niya dahil bigla na lang nagdilim ang paligid.
_
Nagising ako sa mabangong amoy.
Amoy ng pagkain iyon, bigla tuloy kumalam ang sikmura ko.
Pagdilat ng mga mata ko ay hindi pamilyar ang nasa paligid ko. Ang buong akala ko ay nasa bahay ako namin ngunit hindi naman pala.
"Thank God, you're awake now!"
Bigla akong napabalikwas ng bangon. Hindi ito ang kama ko, it's a black sofa bed and the voice a while ago is so familiar.
Nang maalala ko ang nangyari.
OMG! Si Clark Vander, his beautiful eyes and
his smile!
"You fainted," sabi ni Clark habang naglalakad papunta sa couch na katapat lang ng sofa bed na kinahihigaan ko.
"Don't force yourself. I think you're already hungry. Anyways I ordered foods for the two of us. Come on, join me for lunch," sabi ni Clark sa akin ng nakaupo na ito sa couch, sabay turo sa Japanese foods na nakahain sa center table.
Huh! Lu-lunch?
Nag-sink in agad sa utak ko ang sinabi nito.
Waaaaahhh!
"You mean twelve o'clock na?" may pag aalala sa tanong ko.
"Well, almost." Nakatingin ito sa suot na Rolex watch.
"11:45 am to be exact," nakangiting sabi niya sa akin.
"Naku naman! Dalawang subject na pala ang na-missed ko!" Problemadong napaupo ako sapo-sapo ang aking ulo.
Ngumiti na naman si Clark sa akin. Dahil magkaharap kami ay talaga namang kitang-kita ko ang kabuuan niya as in isang dipa lang ang layo namin sa isat-isa.
Huh! Hobby na ba talaga niya ang pag ngiti? Lalo kasing na e-emphasize ang maganda niyang mga mata kapag ngumingiti siya. Kulay gray kasi ang mga mga iyon. Hindi ko sigurado kung totoo o contact lens lang.
"Don't worry you're excused for today," sabi nito.
Natigilan ako at tiningnan ko siya na para bang nagtatanong. Nakapagtataka naman kasing na-excused ako sa klase.
Waring nabasa naman niya ang nasa isip ko .
Iyon lang, binigyan na naman niya ako ng pamatay at makalaglag panty na ngiti.
Shit lang talaga, oh!
Ano hihimatayin na naman ba ako?
Take it easy Jilliane. Sobrang OA na pag inulit mo pa. Obvious kanang masyado girl.
Kanina may palusot pa ako nang isipin n'ya na hinimatay ako dahil sa gutom.
Sa pangalawa ano na kaya ang iisipin nya?
Gosh! masasanay ka rin lalo na't mukhang hobby na yata talaga niya ang pag ngiti.
"I called up the faculty and I told them that you are sick and you need to take a rest," paliwanag nito sa akin.
"But, how did you do that? In the first place you don't know me. I mean you don't know my name," nagtatakang tanong ko wala akong ma-alalang nagpakilala kami sa isa't isa. Hay, nakakahawa ang ingleserong gwapo na ito, hindi ko namamalayan napapa-ingles na rin ako kahit barok.
Okay, granted na si Clarck Vincent Torres Vander ay kilala sa buong bansa pero ako, I am nobody kaya paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Nakita ko sa ID mo. You are wearing an ID aren't you, Ms. Jilliane Rose Sandiego?"
Ay, ang tanga ko talaga, bakit ba hindi ko naisip 'yon?
Ngumiti na naman ng isang malupit sa akin si Clark sabay lahad ng kanang kamay for a shake hands.
"By the way, I am Clark Vincent Vander," pagpapakilala nito sa sarili.
Naku naman, papatayin mo ba talaga ako sa kilig?
Shit lang again...
Medyo nanginginig ang aking kamay ng makadaupang palad kami.
Napakalambot ng palad nito, parang bulak. Hindi uso ang kalyo sa kaniya.
Sabagay ikaw ba naman ang ipinanganak ng may gintong kutsara sa bibig. Wala kang gagawin kung hindi ang kumain at matulog lang.
Bigla tuloy akong nahiya sa mga kamay ko na tadtad ng kalyo kahuhugas ng pinggan sa bahay.
Nang matapos kaming mag-shake hands ay binalingan ni Clark ang pagkain sa lamesa.
"I think we need to start eating bago pa lumamig ang pagkain. Lets go, mallows," sabi nito habang kumukuha ng chopsticks. Aabutan niya sana ako kaso tumanggi ako at sinabing kung pwede fork and spoon na lang dahil ang totoo ay hindi ko alam kung paano gumamit ng chopsticks . Ito ang unang beses na kakain ako ng Japanese foods.
Alam niyo naman na itlog lang afford kong kainin.
Ang sarap kumain. Parang patay gutom lang talaga ang peg ko.
Hindi na ako nahiya kahit si Clark ang kasabay ko. Lamon pa more!
Sushi, Tempura, Shabu-shabu, Tonkatsu at Yakitori ba naman ang nakahain sa harapan ko. Idagdag pa ang dessert na black forest cake.
Para akong nanalo sa lotto, extra price na lang ang pagkain. Ang jackpot talaga ay iyong kasama ko sa iisang silid si Clark Vander na para bang nagde-date kami sa bahay.
Napakabait pala niya sa personal. He looks snob at laging naka poker face but now he's very different.
Ito ang pinapangarap ng mga babae sa campus, ang maka date si Clark.
KUNG MALALAMAN LANG NILA ANG NANGYAYARI NGAYON AY BAKA I-FIRING SQUAD NILA AKO OR WORST KIDNAPIN NILA AKO AT PAGKATAPOS AY ISILID SA SAKO AT ITAPON SA ILOG.
Nyaaahahay!
Erase...erase...
Ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin, to think na ako naman lahat ang naka ubos. Masaya lang na nakatingin sa akin si Clark kanina habang kumain kami para kasing sumasabak ako sa eating contest sa sobra kong katakawan.
Sinamantala ko na'to kasi minsan lang malamanan ng ibang putahe ang tiyan ko.
~
Magpapaalam na sana ako kay Clark para makahabol pa ako sa afternoon class ng pigilan niya ako.
"Just stay here, mallows!" sabi niya na para bang nangungusap ang mga mata.
"Mallows?" takang pag-uulit ko.
Tinawag na niya akong ganun kanina pero hindi ko lang pinansin.
Tumango ito.
Dyoskoday! Bakit ba may ganitong nilalang na nabuhay sa mundo?
Kaya pala halos mamatay na ang mga Mean Girls, It Girls, Fan Girls at Team T-Dragons dito eh! Ganung reaksyon palang talagang hihimatayin ka na.
"Mallows, co'z it's sounds cute,"
sagot naman niya sabay ngiti sa akin.
"The truth is I saw marshmallows all over your hair when you fainted. I'm sorry I tried to clean it up when you're asleep coz it's kinda' messy but I don't think I've done enough, go check your hair if it's still sticky."
Nag-panic naman ako at hinagod ko ang buhok ko. May mga parte pa ngang malagkit.
Naalala ko na, ang bruhang si Sofie. Siya lang naman ang nakita kong kumakain ng marshmallow sa likuran ko, pinagtripan siguro at idinikit sa buhok ko.
Tumayo si Clark, sinundan ko ito ng tingin at nakita ko siyang pumasok ng c.r.
May c.r. sa loob ng silid na iyon, may kitchen din at kwarto. Mukha siyang condominium to be exact.
Paglabas ay may dala na siyang puting face towel na basa. Nagulat na lang talaga ako ng umupo siya sa tabi ko at hawakan ang buhok ko.
Parang nagririgodon ang puso ko sa bilis ng t***k, halos mabingi ako sa lakas nito.
Nanaginip ba ako?
Kung panaginip ito sana hindi na 'ko
magising, ever!
He's so sweet, pinunasan n'ya ng basang towel ang ilang parte ng buhok ko na malagkit pa rin.
Sa sobrang lapit niya sa akin, amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango.
Dyoskoday!
Ito na siguro iyong end of the world na sinasabi nila. Okay lang, keri lang, kasama ko namang matsutsugi si Clark Vander. Ako pa rin ang pinaka swerteng nilalang sa mundo.
I am willing to surrender my life today. Echos!
"I'm done. I think it's okay now. "
Kung pwede lang 'wag na siyang tumigil sa ginagawa niya. Nalungkot naman ako nang ipatong niya sa side table ang towel.
"You're excuse and you don't need to attend our next subject for today. Just stay here, let's watch a movie!" excited na sabi niya sa akin.
"Pe-pero hindi ka ba papasok ngayon?" interesadong tanong ko.
He shook his head. "No," he answered.
"Why?" tanong ko ulit.
"Because, I don't feel like learning today."
Then he winked at me.
Shocks! OMG! Lubayan mo na ko sa mga pa-cute mo sa akin, mamatay na talaga ako sa kilig. I swear!
Clark Vander is a genius, he's a gifted child, talented in all aspects. He's the future president of the country according to some political analysts.
Iba na talaga level ng utak niya, pero hindi ko naisip na Clark can cut classes, considering the fact na two times a week lang naman pumapasok ang T-Dragons sa eskwelahan.
What should I do? a part of me wants to stay and enjoy the day with him.
In the end pumayag din ako sa gusto niyang mangyari.
So, we watched a movie. I don't know why he choses horror among the others. It seems like he's enjoying it.
"So, you like horror movies?" I asked.
He nodded. "Yes. It's like an adrenaline junkie. When you're scared and nowhere to run. I like the feeling." Ang sabi habang nakatuon parin ang mga mata sa 75 inches flat screen LED tv na nakadikit sa dingding.
4:30PM when I spotted the time sa wall clock.
Natapos na rin ang movie.
"I'll give you my spare key, when you feel like you want to be alone, use my place, but don't tell anyone, this is a secret between you and me. It's the only privacy that I have and I want to share it with you because we're friends now," sabi nito sabay kuha ng kanang kamay ko at ilagay doon ang susi na may key chain na miniature model ng isang sports car na kulay blue.
Hindi niya favorite ang color blue feel ko lang. Hehehe!
Sumaludo pa ito sa akin.
"Chiao!" sabi niya ng makalabas kami ng CVV room. Then he winked at me.
Kyaaaaaaaaaaahhhh...!
Kinikilig ako.
Tubeeeg...tubeeg! Bigyan n'yo ako ng tubig. Please lang, ibuhos niyo narin sa pagmumukha ko para magising na ako sa kalandiang ito na sumasapi sa katawang lupa ko.
Ngayon ko lang na gets, CVV-stands for Clark Vincent Vander, pala.
This is the best day of my life. He completes me...