Clark's POV
I should have attended a feeding program for the orphans today but Her Excellency, I mean my mom insisted that we should go to school and I am not in the mood because I don't want to see Iñigo's face, not even his shadow for a while. That stupid brother of mine, he is so annoying. Ang dami talaga naming differences mga bagay na hindi pinagkakasunduan.
I just followed them.
Iñigo in his white convertible Ferrari.
Oo nga pala, we're triplets. Hindi ako pwedeng umangal, we (three) have the same car magkakaiba lang ng kulay. Brix choses black while mine is royal blue.
Heading to our school naka convoy sa amin ang mga body guards namin appointed by our overprotective mother, isa sa unahan na may tatlong sakay, the other one ay nasa likuran namin na may apat na sakay. Nakakasuya na, kasi kahit saan kami magpunta ay nakabuntot sa amin kulang na lang pati sa restroom ay sumama.
Hahaha!
Ang pilyo kong kapatid na si Brix, bigla na lang nag overtake sa mga body guards namin.
Tsk...
Mom will get mad if she knows about this.
On the other side, mukhang si Iñigo will do the same.
Tsh! Ang mga kapatid ko talaga puro pasaway, kung gagayahin ko pa sila wala ng matitirang matino sa amin.
They knew me as a good boy.
Ayoko sanang pangatawanan, minsan nakakasawa na rin ang maging mabait.
Hindi magkandamayaw ang mga bodyguards namin sa paghabol sa kanila, naiwan tuloy akong mag isa sa kalsada, binagalan ko pa lalo ang pagpapatakbo ko. Ayokong makipag paligsahan sa kanila. Bahala sila sa buhay nila.
Again, pinagkaguluhan na naman kami sa school. Nang makarating palang ang sasakyan namin sa parking lot ay halos magwala na ang mga estudyante, ang lahat ay gustong makita kami. Dapat masanay na ako pero hindi talaga. Minsan kasi sa kagustuhan nilang makalapit sa amin ay nagkakasakitan na sila sa pag uunahan. Dito talaga maasahan ang mga bodyguards namin sa paghawi ng mga fans. Para naman kasi kaming nasa mall show tuwing papasok ng school. Tsk.
"Claaaarkkkkk...!" sigaw ng isang estudyante sa akin, may dala pa talaga siyang poster ko. At saan naman kaya niya nakuha 'yon?
Hay! Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis, kaya kinawayan ko na lang ito sayang di kasi ang effort niya.
Hala! Ang reaksiyon niya. Mukhang pagsisihan ko pa ang pagkaway ko lalo kasi siyang nag hysterical na para bang hihimatayin pa yata sa tuwa.
Pinauna ko na ang dalawa kong kapatid na sumakay ng elevator. Umiba ako ng daan, sa pinakadulong elevator ako sumakay. I have no plan to attend any of my subjects for today.
I have been obedient all my life. I'll try the other way around this time, maiba lang.
CVV room dito ako dinala ng aking mga paa. A secret room just for me.
I requested it to my dad, six months ago. Even my brothers doesn't know about this. Nang makapasok sa loob, I immediately off my cellphones dahil ayoko ng istorbo.
I enjoy reading. Ang sarap na ng pagkakahiga ko sa sofa bed habang nagbabasa ng nakaramdam ako ng uhaw.
I go to the kitchen para kumuha ng tubig sa ref. Sobrang exagged naman ni Dad, I only want a little space for myself pero pinagawan pa niya ako ng condominium. Kumuha pa ng interior designer para pagandahin ang CVV room ko. Thanks anyway, I feel much comfortable here.
But, to my surprise, when I got back.
May isang babaeng estudyanteng nakapasok sa room ko.
Who is she?
The face is not familiar. Sabagay hindi naman ako matandain sa mukha, lalo pa pagdating sa mga babae. I am not a woman hater or whatsoever as they used to call me. It's just that I don't want to associate myself with any girls inside or outside the campus. There's an unforgettable incident that made me distance myself from them.
"I'm sorry! I just passed by, I saw the door is open I just got curious what's inside but honestly it is not my intention," natataranta na sabi ng estrangherong babae sa akin.
Hindi naman ako galit sa ginawa niya, it's my fault anyway dahil iniwan kong bukas ang pinto, ngunit ng ngumiti ako't sabihin sa kaniya na ako pala talaga ang may kasalanan, she just fainted. Nataranta ako, medyo malayo ako sa pwesto niya kaya hindi ko siya nasalo, mabuti na lang carpeted ang sahig ng aking sala kaya hindi siya nasaktan ng bumagsak.
Binuhat ko na lang ito at inihiga sa sofa bed.
Oh... s**t! Napansin kong ang daming marshmallow na nakadikit sa buhok niya. I decided to clean it up kasi pag hindi ko ginawa iyon, that sticky thing will mess around my sofa.
Matagal-tagal din siyang walang malay. Ewan ko ba, alam ko hinimatay lang siya, pero bakit parang dineresto na niyang matulog? Nasarapan yata sa pagkakahiga, nakakatawa nga siyang pagmasdan kapag tulog, akala mo bata, ang likot-likot pa, hinarang ko na nga lang 'yong side table sa tabi niya baka kasi mahulog.
Dahil malapit na ring mag-lunch, nagpa-deliver na ako ng pagkain sa isang sikat na Japanese restaurant. Idinamay ko na rin itong malikot na babae, hahaha!
Napansin ko ag school ID na nakasabit sa kanyang leeg. When I checked it, I found out that her name is Jilliane Rose Sandiego, just like me senior na rin siya.
Much better kung tawagin ko siyang mallows, cute kasing cute niya.Hahaha!
I called up the faculty who handles senior students and asked them to excuse, Ms. Sandiego for today's classes. Funny it is, trying to modulate my voice a little bit I made them believe that I am her father.
Finally, nagising din siya, nagpakilala ako and then inaya ko siyang mag-lunch.
Grabe, ang dami niyang gutom. Ang lakas kumain akala mo bibitayin.
But I like her, walang kaarte-arte, hindi pa- demure. Hindi man lang nako- conscious kahit pumuputok na ang pisngi sa katakawan.
After eating we watched a movie.
I love watching horror.
After an hour we decided to go out.
We went our separate ways, but before leaving I gave my spare key of the CVV room to her.
This is the very first time that I entrusted my property to someone else. I don't know why, pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya, feeling ko we've known each other a long time ago pa.
_
Nauna na ako sa classroom. I don't know kung nasaan ang mga kapatid ko. But, after I guess thirty minutes dumating si Iñigo na mainit ang ulo.
Hahaha! Ang itsura niya ay parang basang sisiw. Bago pa man siya dumating sa class room kumalat na ang balita na may nambato raw ng swelas ng sapatos sa kaniya at sapul sa ulo nito, kaya siguro hindi maganda ang timpla ng kapatid kong 'to.
Kung ano'ng kunot ng noo ni Iñigo ng dumating kabaliktaran naman ng kay Brix. Ang aliwalas ng mukha nito todo pa ang ngiti.
"What's that smile for?" takang tanong ko kay Brix.
"Nothing!" sagot naman nito sa akin na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.
Tsk! Ang wi-weird talaga ng mga kapatid ko, grabe.
Nasobrahan yata sa vitamins, noong mga bata pa kami.
_
As usual, nang matapos ang klase ay nagkanya-kanya na kami ng uwi. Nag-tuloy muna ako sa opisina ng foundation na itinayo ko since kailangan ako doon to check some papers and to finalize some quotations na kailangan i-update para ma-aprubahan ni mommy ang mga proposals ko para sa budget ng improvements ng mga facilities ng foundation. I know I have enough money kung iso-shoulder ko ang lahat ng expenses doon. Marami pa rin namang mababait na tao na willing mag-donate para sa foundation. Sa tulong na rin ng mga magagaling at hardworking kong staff, thanks God ten years na ang Angels Home Foundation and still counting.
I tried my very best not to give my parents a hard time. I want to support my mom in all of her advocacy.
But, sometimes napapaisip din ako. I'm not perfect and nobody's perfect, okay lang naman magkamali minsan.Hindi naman siguro masama kung minsan ay lalabas din ako sa comfort zone ko.
Ako si Clark Vincent Vander, I live in a luxurious and comfortable life. Pero, kaya kong ipagpalit ang lahat, maranasan ko lang kahit isang beses na mabuhay ng simple.