"Hindi naman. Pero kapag nakita ka ng ibang maharlika rito sa academy, ihanda mo na lang ang sarili mo sa gagawin nila," aniya bago ako sinabayan. "Alam mo naman kung gaano kalaki ang agwat ng natin sa kanila, 'di ba? Parang langit at lupa."
"What do you mean? I thought hierarchy doesn't exist inside the school grounds?" kunot-noo kong tanong. "Etherial Academy promotes fairness, right?"
"Ano ba ang definition mo ng fairness, Olivia? Kasi sa mga maharlika, matatawag lamang na fair ang isang bagay kapag pabor sa kanila," aniya. Damang-dama kong may pinaghuhugutan si Reslyn sa bawat salitang sinabi niya. For the first time, I heard her talk in a serious manner.
"Speaking of nobilities, bakit wala yata akong nakikita sa dorm?"
Reslyn puffed before she hissed. "Mayroon silang sariling dormitory. To be exact, nagpatayo sila ng sarili nilang dormitory. Doon namamalagi ang lahat ng maharlika. Bihira ka lang makakita ng maharlikang hindi roon nakatira."
Napatango ako. So that's what my father is talking about. Mabuti na lang at hindi ako pumayag na siya ang mag-asikaso ng dormitory ko. Good thing at hindi rin ako ipinatapon ng headmaster doon. Well, hindi talaga. He doesn't consider me a noble after all.
"Kaya ikaw, Olivia, huwag mo ng pangarapin na mapalapit sa mga maharlikang 'yon. Liban sa mga hambog, mapang-abuso rin sila," matigas niyang.
I wanted to defend the nobles' side, but Reslyn has a point. A number of nobles use their power and status for their own, selfish goals even if it means harm to others. These kinds of nobles are the stain in the hierarchy-undesirable yet irremovable. Maging sa angkan namin ay may mga ganoon din. But my father is trying his best to get rid of them.
"Meron din naman sigurong mababait, hindi ba?" sabi ko na lang.
"Meron, panigurado," mabilis niyang sagot. "Pero kahit gaano pa sila kabait, kung hindi naman nila pipigilan ang mga maharlikang mapang-abuso, ano ang pinagkaiba nila?"
Her statement struck me frozen. Hindi ako nakapagsalita. Wala akong makapang sagot. Napaisip ako.
Ano bang nangyari sa kanya at bakit ganito na lang kalaki ang galit niya sa mga maharlika?
"Oh, tingnan mo, ang haba na ng pila!" malakas niyang reklamo kaya napatingin ako sa kanya. Nameywang siya sa harap ko at tinaasan ako ng kilay. "Saan na 'yong sinasabi mong kaya mong magmadali ng hindi tumatakbo, ha?"
Napatingin ako sa pila at tama nga siya. Masyado ng mahaba ang pila. Paniguradong mangangalay ang mga paa ko sa kakatayo nito.
"Tara na, pumila na tayo. Bad trip naman, o," naiiling niyang sabi bago ako hinila para pumila.
"Reslyn, bakit kailangan pang isahan tayong pumunta rito sa Sanctuary? We can perform the summoning anytime, right?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ka ba talaga naka-attend ng orientation?" tanong niya. Tumango ako bilang tugon. "Pero nag-request ka ba ng listahan ng mga na-miss mong activities?"
Natigilan ako sa tanong niya. And that's when I remembered the papers that my roommate handed me.
Hilaw kong nginitian si Reslyn. "Actually, meron akong listahan pero hindi ko nabasa."
Nasapo niya ang mukha niya nang marinig ang sagot ko. "Mahabagin, mas tanga ka pa pala sa akin, eh."
How dare her insult me!
Maiinis na sana ako sa kanya pero nagsimula na siyang magpaliwanag kaya kinontrol ko na lang ang emosyon ko.
"Ganito, kaya pinatawag ang lahat ng first year ay para matukoy agad ng mga professor ang kabibilangan nating echelon. Mayroong tatlong echelon: copper, the lowest; silver, the average; and gold the highest."
"How can they determine each student's echelon?"
"Hindi pa ako tapos mag-explain," sagot niya sabay tapat ng palad niya sa mukha ko. "Kaya shut up ka muna. So, 'di ba magsa-summon tayo ng etherial spirit? Susukatin ng mga professor ang lakas ng summoned spirit mo gamit ang isang device na hindi ko alam."
"Pero p-" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil itinapat niyang muli sa mukha ko ang palad niya.
"Kung may tanong ka pa, sa professor na ka magtanong. Pagod na ang dila ko. Ayos ba?" sabi niya sa akin sabay thumbs up.
Hindi na ako nagtanong pa dahil baka mainis na sa akin si Reslyn. Sapat na rin naman ang sinabi niya para maintindihan ko ang nangyayari.
---
HINDI ko alam kung ilang minuto or oras na ang lumipas na nakatayo ako. Ramdam ko na ang pangangalay ng mga paa ko; at ang p*******t ng tainga ko dahil sa walang tigil na pagsasalita ni Reslyn. Gusto ko tuloy kurutin ang dila niya at ng matigil siya. Ganito ba ang pagod ang dila?
"Ang cute ng spirit ko!"
Napatingin ako sa babaeng kakalabas lang sa Sanctuary, ang building kung saan matatagpuan ang Spirit Tree. She look so happy and satisfied with her summon. Well, marami silang ganoon ang reaksyon. Pero may iilan ding bagsak ang balikat dahil siguro hindi nila nagustuhan ang etherial spirit na sumagot sa tawag nila.
Pero ako, kahit anong klaseng etherial spirit pa man ang sumagot sa tawag ko, mamahalin ko ito at papahalagahan. I will treat it as my equal. I will make it feel loved and valued.
"Sa wakas makakapasok na rin tayo sa Sanctuary!" nagagalak na sambit ni Reslyn nang tuluyang umusad ang pila papasok sa Sanctuary.
Gasps filled the whole place. Lahat ay namamanghang napatingin sa Spirit Tree na nasa harapan namin. Ganoon din ako. My jaw literally dropped in awe. I know how a Spirit Tree looks since I once read and saw it in a book.
But I never imagined it to be this majestic in real life-crystal-clear, shining trunk and leaves, towering height, and surrounded with nebula-colored, glowing orbs that I believe to be etherial particles.
"With the blessing of ether vested upon me..."
Napatingin ako kay Reslyn na kasalukuyang nagsa-summon. Nakayuko siya habang magkadaop ang dalawang kamay. Sa sobrang pagkamangha ko sa paligid ay hindi ko napansin na siya na pala ang magtatawag ng spirit.
"Being of great power, hear thy call of your master..."
The runes surrounding the tree begin to emit a luminous light as the etherial particles surrounding it circle around Reslyn.
"Cross the Ether, and serve me forever."
After finishing the chant, the etherial particles moved in a swift, circular motion around her. The runes shone brightly and so as the Spirit Tree. Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na liwanag. At nang maglaho ito ay bumungad sa amin ang isang kulay pula at pabilog na spirit. Its two big round crimson eyes look at Reslyn with admiration. May pakpak ito ng parang sa paniki at paa ng gaya sa kuneho.
It's so adorable!
"Olivia Albilon, you're next."
Napalunok ako dahil sa kaba at excitement. I wonder what kind of spirit I will be able to summon