NAGISING ako dahil sa walang tigil na pagtapik sa aking pisngi. Kunot-noo kong iminulat ang mga mata ko at binalingan ang lapastangang gumising sa akin. I was about to burst out of anger when I saw an unfamiliar face. And there, it hit me. Nakalimutan kong wala na nga pala ako sa kastilyo.
"Sorry kung pinilit kitang gisingin, ha, baka kasi ma-late ka sa klase mo," nakangiting sambit nito bago nag-peace sign. "Ako nga pala si Resha, Resha Ashbluff," pagpapakilala niya kasabay ng paglahad niya ng kanyang kamay.
Marahan akong bumangon at nagkusot ng mata. Pagkatapos ay inabot ko ang kamay niya. "I am Olivia, Olivia R-" natigilan ako nang kamuntik ko ng masabi ang apelyido ko. "Olivia Albilon," ulit ko gamit ang apelyido ng namayapa kong ina. "Nice to meet you, Resha."
Mabuti na lang at pumayag ang headmaster na gamitin ko ito. Well, pabor sa kanya na hindi ko gamitin ang pangalang Olivia Runebraid.
"Nice to meet you, too," nakangiting tugon niya.
We shook hands and exchanged greetings. Pagkatapos ay nagpaalam na siya na aalis na dahil malayo pa ang classroom niya. Pero bago siya umalis ay may ibinigay muna siya sa aking iilang piraso ng papel.
"Para sa 'yo iyan. Kagabi, may babaeng pumunta rito at hinahanap ka, pero dahil mahimbing ang tulog mo ay ako na lang ang tumanggap niyan. Sabi niya, iyan daw ang mga bagay na na-miss mo sa dalawang araw," aniya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
That was probably Rosa. Siguro ay inutusan na naman siya ng aking ama na tulungan akong asikasuhin ang mga nalaktawan kong activities ng academy. If that's the case, mukhang wala talagang balak ang ama kong hayaan akong gawin ang gusto ko nang hindi siya nakikialam.
Agad akong kumilos. I stripped my clothes off and wore a bathrobe. And when I entered the bathroom-which happens to be located in another room-I can't help but to feel disappointed. There are no bathtubs around. All I can see is a big rectangular flowing pool. And there are already a couple of girls taking a bath together.
Nag-alanganin tuloy akong maligo. I have never tried taking a bath together with anyone, kaya hindi ko maiwasang maasiwa.
Aalis na sana ako nang bigla akong tinawag ng isa sa kanila. She has this short, boyish auburn hair. Dahil doon ay napatingin sa akin ang lahat ng naliligo. Then I found myself in an awkward moment. I don't know what to do. Should I just pretend I didn't hear her? But our eyes met!
"Ikaw 'yong bagong student, 'di ba?" tanong nito sa akin.
"Y-Yes," sagot ko habang nag-iisip ng pwedeng palusot para lang makaalis ako.
"Ano pang ginagawa mo riyan? Halika na rito at sabay na tayong maligo; at para na rin makilala natin ang isa't-isa," she offered with such a warm smile.
Hilaw akong napangiti. I wanted to turn around, but I found myself walking towards the pool. Nang nasa gilid na ako ng ay sinabihan nila akong hubarin ko na ang suot kong roba. Naiilang man ay wala na akong nagawa.
Napansin kong napatitig sila sa akin. Their eyes are gleaming while staring at my bare skin. Mas lalo tuloy akong naasiwa. Pasimple kong niyakap ang katawan ko bago ako lumusong sa tubig.
I thought the water would be cold, but it's not-it's comfortably warm.
"Naiilang ka ba sa amin?" tanong niyang muli.
"Anong klaseng tanong 'yan, Reslyn? Malamang naiilang pa siya sa atin dahil hindi pa niya tayo kilala," naiiling na saway sa kanya ng kasama niya.
"Tama pala!" aniya at nagkamot ng batok. She then extended her hand and smiled at me. "I'm Reslyn Dudras. Nice to meet you!"
Tinanggap ko ang kamay niya at nagpakilala na rin, "Olivia Albilon. Nice to meet you, too."
Nagpakilala na rin sa akin ang iba pang kasama ni Reslyn, pero hindi ko na maalala ko ang mga pangalan nila. Si Reslyn lang ang tumatak sa isipan ko dahil sa kaingayan nito at kalakasang tumawa.
Pagkatapos kong maligo ay nagpaalam na ako sa kanila na aalis na ako. Pero pinigilan ako ni Reslyn.
"Olivia, first year ka pa 'di ba?" tanong niya sa akin.
Tumango ako.
"Nice. Kung gano'n hintayin mo ako sa lobby ng dormitory. Sabay na tayong pumunta sa Sanctuary," sabi niya dahilan para matigilan ako.
I looked at her with creased forehead, eyebrows almost meeting each other. "What do you mean?"
"Blessing talaga na nakilala mo ako, Olivia," naiiling niyang sabi bago nameywang. "Ngayon ang araw ng summoning, kaya lahat ng first years ay required na pumunta sa Sanctuary para mag-summon ng kani-kanilang spirit."
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. This is the aftermath of not being able to attend the orientation. Nakakainis. Kung alam ko lang na ngayon ang araw ng summoning, I should have prepared myself.
GAYA NG napag-usapan ay hinintay ko si Reslyn sa lobby ng dormitory. Ilang minuto rin akong naghintay bago siya dumating. Just like me, she's wearing the academy's uniform-white long sleeves with red ribbon, red above-the-knee skirt, black boots, and a black cloak. Her auburn hair suits the color of the uniform, making her look really good.
"Tara?" bungad niyang sabi sa akin nang makalapit siya.
"Saang floor ka ba at bakit ang tagal mo?" may bahid ng inis kong tanong. Hindi kasi ako sanay na pinaghihintay.
"First floor. At huwag ka ng magtanong kung ano ang ginawa ko. Tara na, baka mahaba na ang pila sa Sanctuary," aniya at mabilis akong hinila.
Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. Never in my life I was dragged like this!
I couldn't keep up with her speed kaya binawi ko ang kamay ko. I halted to take a deep breath-to compose myself.
Napatingin si Reslyn sa akin na nakakunot ang noo. "Ano pang ginagawa mo? Kailangan na nating tumakbo para hindi tayo mahuli sa pila."
Umiling ako. "Kaya kong magmadali ng hindi tumatakbo," kumpiyansang sabi ko bago nagsimulang maglakad ulit. My steps are bigger and faster, but still graceful. I can feel my cloak floating in the air because of how fast I walk. Nang lingunin ko si Reslyn ay napapailing ito habang ngumingisi.
"Sa paraan ng paglalakad mo iisipin ko talagang kinokopya mo ang mga maharlika."
"But I am-" Naisara ko ang bibig ko. "Oo, kinokopya ko sila. Masama ba?" sagot ko bago nagpatuloy sa paglalakad.