[Kisha's POV]
Matapos ang nangyare kila Paolo at Sheron. Ibinalita ni Dr.J sa buong kampo na ang dahilan ng kanilang pagkamatay ay naging isa silang Zombie.
Nakikita ko sa mga mukha ng mga tao ang takot at pangamba. Kahit na isang kasinungalingan lang iyon at isa pa nasa liblib kaming lugar sa gubat pero ganun pa man hindi pa din masasabi kung hanggang kailan magiging ligtas ang lugar na ito.
Kami ng mga kasamahan ko ngayon ang naging tagapagbantay sa buong kampo.
"Kisha! Any sign?" Rinig kong sigaw ni Ranz mula sa baba. Nasa isang watchtower nga pala ako ngayon.
Sumilip naman ako sa binocular at inikot ang buong paligid. Sumenyas naman akong wala.
Umupo na ulit ako sa upuan. Mas gusto ko na din magbantay gayun nga lang hindi ito laro tulad ng sa Video games dahil nasa isang actual situation ikaw, na kung saan isang maling galaw mo lang tapos na ang lahat.
Nakaramdam ako bigla ng pagkalam ng tiyan ko. Tiis tiis lang Kisha makakakain ka din mamaya.
"Oh kumain ka muna." Napatingin ako sa nagsalita.
Si Marc pala. Inaabot niya sa akin yung tinapay na hawak niya.
Wala ng pagaalinlangan ko itong kinuha. Ayoko din tumanggi sa grasya noh.
"Bakit pala nandito ka" tanong ko habang kumakain. Dapat kasi nagbabantay siya ngayon.
"Nakipagswitch muna ako kay Niel sa pagbabantay." sabi niya habang nakatingin sa paligid ng gubat.
Panggabi si Niel ah bakit naman kaya ito nakipagswitch.
"Salamat nga pala." sabi ko.
"Sa tingin mo ba ligtas pa tayo?" Hindi ko alam kung ano nga ba dapat kong isagot sa tanong niya.
Dahil sa bawat araw na dumating sa amin yung isang paa namin nasa hukay na.
Humarap naman siya sakin "Alam kong mahirap sagutin ang tanong ko. Dahil para lang tayong pasyente sa isang ospital na kung saan 50/50 ang chance para mabuhay." Tama nga naman siya.
Napatingin naman ako sa hawak kong baril. Hanggang kailan ko kaya maipaglalaban ang sarili ko?
"May pag-asa pa kaya ako?" rinig kong tanong ni Marc. Napatingin naman ako sakaniya na naguguluhan sa sinasabi niya.
"An---"
"Una na ako." hindi pagtapos ni Marc sa sasabihin ko at bumaba na ng watchtower.
Ang weird niya din eh. Hindi ko siya maintindihan.
Bumalik na lang ako sa pagmamanman sa paligid.
Mukhang ayos naman yung paligid. Nahagip ng mata ko yung isang pamilya na nagkakasiyahan. Nakakatuwang isipin na kahit sa ganitong sitwasyon magkakasama sila. Kamusta na kaya sila papa at mama? Ayos lang kaya sila? Sana nga...
Napatigil ako sa pagninilaynilay ng maramdaman kong may umakyat. Tinignan ko naman kung sino ito.
"Oh Sheila, bakit?" tanong ko.
Humiga lang siya sa kawayan na sahig. "Dito na lang ako matutulog. Hilik kase ng hilik si Johnrey hindi ako makatulog ng maayos sa tent." Gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.
"Alam kong gusto mong matawa. Pinipigilan mo pa." sabi ni Sheila habang nakapikit na.
Napailing na lang ako. Umidlip na lang din ako sandali sa upuan ko.
"Kisha."
"Kisha."
"Kisha." nararamdaman ko naman yung pagyugyog sakin. Agad naman akong napadilat.
"Uhmm a-anong oras na ba?" tanong ko habang naguunat ng aking katawan.
"6:00pm na kaloka ka. Hindi ka na kumain pa ng tanghalian huwag mo sabihin na pati hapunan di ka na kakain?" sabi ni Tasha.
Grabe halos 8hrs pala tulog ko. Uhm siya na pala ngayon yung magbabantay.
"Sige baba na ako. Ikaw na bahala diyan ah." sabi ko at bumaba na.
Medyo madilim na din ang paligid, dahil palubog na yung araw.
Makapunta nga muna sa tent para makapagpalit na ako ng suot.
Habang naglalakad ako nahagip ng mata ko si Ranz na nakaupo lang sa damuhan habang nakatingin sa sapa.
Ikinagulat ko ng bigla kong nakita yung hawak niya. Isang alak yun ah. Kakagaling niya pa lang sa tama ng baril. Tapos magiinom na siya agad.
Naglakad ako palapit sakaniya. Kukunin ko na sana yung hawak niyang alak ng bigla siyang tumingin sakin. Umiiyak ba siya? Kasi puro luha yung mata niya.
"A-ayung genagawa mu deto." Napailing na lang ako. Lasing na nga talaga siya. Haiysst!
"Ano ba kasing! problema mo at naglalasing ka!" Hindi ko napigilan pangmagtaas ng boses.
Nagulat naman ako ng bigla niyang binato yung hawak-hawak niyang bote sa lupa at tinignan ako sa mata. May kung anong sakit ang nakikita ko sa mata niya. "IKAW!"
Napabuka ang bibig ko dahil sa narinig ko. Ano?! Bakit naman ako? Naguguluhan naman ako sa sinasabi niya.
"Bakit naman ako? Ano ba ginawa ko sayo?" Pilit kong pinapakalma yung sarili ko.
Wala naman ako ginagawa sakaniya para magkaganyan siya ngayon.
"G-gusto kita!!" Bigla naman siyang bumagsak sa lupa. Natigilan naman ako sa pwesto ko. Gusto ko siyang sampalin para magising. Pero hindi ko magawa.
Bakit? Bakit! naman niya ako magugustuhan? Alam kong lasing lang siya kaya niya nasasabi iyon.
"Gusto kita!"
"Gusto kita!"
"Gusto kita!"
Parang sirang plaka na paulit-ulit sa aking isipan yung sinabi niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Napatigil naman ako sa pagiisip ng makita ko si Rhaniel at Johnrey. Agad ko kinuha yung atensyon nilang dalawa.
"Rhaniel! Johnrey!" Napalingon naman sila sa akin. Nung una nagtataka kung bakit ko sila tinawag pero ng makita nilang nakahiga sa lupa si Ranz agad din silang lumapit.
"Anong nangyare kay Ranz?" Pagtatanong ni Johnrey habang inaalalayan nilang dalawa si Ranz.
"Pre, amoy alak. Mukhang naginom si Ranz." Sabi naman ni Rhaniel.
"Sige dalhin na namin siya, Kisha." Napapailing na lang si Johnrey. Habang buhat nila sa braso si Ranz.
Gusto ko munang matulog. Hindi ko pa din alam kung ano nga ba talaga dapat kong maramdaman.
Gusto ko na lang kalimutan yung nangyare. Alam kong dala lang ng alak iyon kaya niya yun nasabi.