[Ranz's POV]
Pagdilat ko. Naramdaman ko agad yung pagsakit ng ulo ko. Ano bang nangyare kahapon?
Pilit kong inaalala lahat ng nangyare. Simula nung uminom ako at yung pagami-- Tangna! Ano ba pinagsasabi ko?!
Ang tanga ko! Ano pa kayang mukha ang maihaharap ko sakaniya!
Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Bakit ko ba kase ginawa yun.
"Buti naman gising ka na." Napatingin naman ako sa nagsalita si Johnrey.
"Ang tanga ko!" tama nga sila nasa huli ang pagsisi. Aghh!!
"Buti alam mo." Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Hindi ko na alam kung ano gagawin ko ngayon. Para na akong lutang sa mga nangyayare.
"Tama na yan tara kakain na." Sabi ni Johnrey at umalis na.
Hindi na muna ako lalabas. Dito lang muna ako sa tent.
Matutulog na lang ulit ako. Gusto kong makalimot. Gusto kong kalimutan lahat ng ginawa ko. Iba talaga magagawa kapag sa alak ka kumapit.
--------
Nagising na lamang ako ng may narinig akong alarm. Hindi to basta basta. Dahil napagusapan namin na papatunugin lang yung alarm kung sakaliman nasa isang panganib ang buong kampo.
Napatayo naman ako sa pagkakahiga ko at kinuha yung baril at balisong ko.
Pagkalabas ko nakita ko yung mga tao nagkakagulo at nagsisitakbuhan na.
Kumilos na ako para hanapin ang mga kasama ko.
"TULONG!!!" Rinig kong sumigaw sa loob ng tent.
Agad ko naman pinasok yung tent at nakita ko naman yung Zombie na hinahabol yung isang dalaga.
Binunot ko naman yung balisong ko at hinila yung Zombie at ginilitan sa leeg.
"Tumakbo ka na bilis!" Sigaw ko sa dalaga na agad naman niyang sinunod.
Kailangan kong makita mga kasama ko. Tumakbo na ako sa labas para hanapin sila. Nakita ko naman si Niel at Angela na tumatakbo din. Agad ko naman kinuha yung atensiyon nila.
"Nasaan sila?" tanong ko.
"Di ko din alam." sagot ni Niel.
"Sige mauna na kayo sa Bus hahanapin ko lang sila" Di ko na hinintay pa sagot nila at tumakbo na ako.
Nasaan ba kayo! Haiysst. Tumakbo lang ako ng tumakbo.
"TASHA!!!" Napatigil naman ako sa pagtakbo. Kilala ko kung kanino galing yung boses na yun. Hinanap ko naman agad kung saan ko narinig yung sigaw.
Nahinto naman ako sa pagtakbo ng makita kong kinakagat na ng Zombie si Tasha. s**t! Andaming Zombie. Hinanap ko naman si Kisha. Nakita ko din siya kaagad. Nakatingin lang siya kay Tasha. s**t! Wala siya sa sarili niya!
Nakita ko naman yung mga Zombie pagtakbo na sakaniya. Tumakbo na ako papunta sa pwesto niya.
Agad kong binunot yung baril ko at sinimulang pagbabarilin yung mga zombie na lumalapit kay Kisha.
Nang makalapit ako hinila ko na siya palayo sa mga Zombie.
Patuloy lang kami sa pagtakbo. Naririnig ko yung pagiyak niya. Naiintindihan ko naman siya na masakit talagang mawalan ng kaibigan pero hindi ito yung oras para magluksa. Niligaw ko muna yung mga Zombie matapos kong mailigaw. Nagtungo na kami sa gate kung nasaan yung Bus.
"Ranz!" Napatigil naman ako sa pagtakbo ganun din si Kisha. Pagtingin ko kung sino tumawag sa akin si Dr. J Pala.
"Kailangan ko ng sabihin ito sayo bago pa mahuli ang lahat. Patayin mo ang kakambal ko. Ang tunay kong pangalan ay Dr. Jimuel H. Chua ang kakambal ko ay si Dr. Jinghin H. Chua. Ang may kagagawan nitong lahat. Gusto kong patayin mo siya." May papel siyang inabot. Nakita ko naman yung kagat ni Dr. J. Sa kanang kamay.
"P-Paalam." Pinutok niya na yung baril sa ulo niya na siyang ikinabagsak niya sa lupa.
Agad ko naman kinuha yung baril sa kamay ni Doc. J. at binigay kay Kisha. Nung una ayaw niya pa tanggapin pero sa huli kinuha niya na din.
Naramdaman ko naman yung pagdaloy ng luha sa pingi ko kaagad ko naman itong pinunasan.
Binulsa ko na yung papel na binigay ni Doc. J. Nagsimula na ulit kaming tumakbo palabas ng Kampo.
Paglabas namin. Bakit ganun walang Bus na nakaabang? Nasaan sila? Nilibot ng mata ko ang buong paligid pero wala pa din akong nakitang Bus. s**t! Iniwan nila kami.
"Nasaan sila?" tanong ni Kisha. Kita ko naman sa peripheral vision ko na palinga-linga din siya.
"Iniwan na nila, tayo." sabi ko.
"A-ano?" Nauutal niyang tanong. Hindi ko na pinansin pa yung tanong niya at hinila ko siya papasok ng Kampo.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya. Halata sa boses niya ang takot at pangangamba.
Napatigil naman ako sa paglalakad at ganun din si Kisha ng makita ko si Jamea na nakatalikod sa amin. Mukhang naiwan din siya.
"Jamea!" Pagtawag pansin ko. Pero hindi man lang ako nito nilingon. Anong problema nito?
Binitawan ko muna yung pagkakahawak ko sa braso ni Kisha at lumapit kay Jamea. Lumuhod naman ako para maging kapantay ko siya.
"Jamea? Kuya Ranz mo ito." Sabi ko at hinawakan ko siya sa balikat. Humarap naman ito bigla. Pagtingin ko sa mata niya puti na lang ang nakita ko at wala ng itim na bilog na makikita. s**t! Patayo na sana ako ng bigla ako nito tinalunan at pilit ako nitong kagatin sa leeg. Pilit ko naman itong pinipigilan makalapit. Napatingin naman ako sa mata ni Jamea may nakikita pa din akong itim alam kong lumalaban siya! Aghh! Di ko na kaya panghawakan! Nakarinig naman ako ng putok ng baril. Naramdaman ko na hindi na gumalaw pa si Jamea.
Inihiga ko na sa lupa yung katawan ni Jamea. Paalam.
Paalam jamea. Paalam
May tumulo nanaman galing sa mata ko. Nakakainis isipin bakit pati yung bata dapat magkaganito!
Pinunasan ko naman yung mga luha sa mata ko at tumingin kay Kisha. "S-salamat." sabi ko at tumayo.
Inilagay muna namin sa maayos na pwesto si Jamea bago kami umalis.
Habang naglalakad kami ni Kisha hindi mawala sa isip ko na lima na ang nawala sa amin. Sana huwag ng madagdagan pa.
May nakita naman akong motor na naiwan. Nakasusi pa din ito kaya sumakay na ako. Pagtingin ko kay kisha halatang nagaalangan pa siyang sumakay.
"Sakay na." Tinignan niya lang ako.
Bumuntong hininga naman ako.
"Sasakay ka o papakain tayong dalawa?" Nakita ko naman sa mata niya ang takot. Bigla na lang siyang sumakay. Napailing na lang ako.
Agad kong pinaandar yung motor at tinatahak namin ngayon yung kahabaan ng kagubatan.
Sana hindi pa sila nakakalayo.
Nagdidilim na din yung paligid mukhang maggagabi na.
"Kailangan na muna natin magpahinga dahil maggagabi na." sabi ko habang nagdadrive. Nakita ko naman sa side mirror na tumanggo siya.
Naghanap na lang muna ako ng ligtas na lugar pero mahirap makahanap niyan ngayon. Lalo na nasa gubat pa kami ngayon. Teka ano yun?! May nakita akong lumang bahay. Agad kong pinaandar yung motor papunta sa lumang bahay.

Pagpark ko ng motor bumaba na din kami. Nilabas ko naman yung balisong ko.
Pumunta na kami sa pintuan at kumatok.
"Tao po! Tao po!" Wala naman akong narinig na sumagot. Binuksan ko naman yung pinto ng dahan-dahan. Ang dilim sa loob nito mukhang wala na nga nakatira dito.
Naghanap naman ako ng kandila para sa ilaw ng makakita ako sinindihan ko na. Luma na nga talaga dito. Pwede na din ito para sa pansamantalang tutulugan.
Nagpunta na ako sa kusina para makapaghanda ng kakainin. Naghanap ako ng pwedeng lutuin kaso wala ng de-lata o kahit ano. Nahagip naman ng mata ko yung bintana at nakita ko dito yung mga pananim. Lumabas naman ako para kumuha ng gulay na lulutuin.
Okay na din ito panglaman tiyan. Matapos kong magluto inihain ko na sa lamesa yung pagkain.
"Kain ka na. Pasensiya kung puro gulay." sabi ko at lumabas na muna para magpahangin.
Umupo ako sa damuha . Pagtingala ko Wow! Ang gaganda ng bituin. Di mo aakalain nasa delikado kang lugar. Gayun nga lang napakatahimik ng paligid. Nasaan na kaya yung mga kasama namin. Sana nasa maayos lang sila. Gustuhin ko man magalit sa ginawa nilang pagiwan. Ano pa magagawa ko eh nangyare na.
Napahikab naman ako bigla. "Uhmmm. Inaantok na pala ako." tumayo na ako at pinagpagan ko yung pwetan ko.
Pagpasok ko sa loob di ko na nakita pa si Kisha sa hapagkainan. Mukhang nagpapahinga na siya. Pumunta muna ako sa silid niya. Nakita ko siyang nakahiga na. Naglakad naman ako papunta sa bookshelf at kumuha ng libro. Umupo ako sa nakita kong upuan sa silid.
Habang nagbabasa ako pakiramdam kong may nakatingin sa akin kaya naman binaba ko muna yung libro.
"Oh bakit gising ka pa?" tanong ko kay Kisha ng makita kong nakaupo lang siya sa kama.
"H-hindi kasi a-ako makat-tulog." sabi niya na nauutal. Mukhang naiilang yata siya eh.
Sinarado ko na muna yung libro at tumayo. "Labas na muna ako para makatulog ka na." sabi ko at lumakad na palabas.
"Wait! Ang ibig kong sabihin natatakot ako." napatigil naman ako bigla.
Bumalik na lang ako sa upuan ko. "Matulog ka na.. Babantayan kita." sabi ko habang binibigay ko ang 100% assurance ko.
Humiga naman na siya. Binasa ko na lang ulit yung hawak-hawak kong libro
Huwag kang magalala Kisha. Hindi ko hahayaang may mangyareng masama sayo dahil gagawin ko ang lahat para hindi ka lang mapahamak. Kahit buhay ko pa ang maging kapalit nito.