[Rhaniel's POV]
Wala na siguro akong ginawa buong maghapon kung hindi tumambay na lang dito sa training room.
Hawak hawak ko ngayon yung cross bow. Hindi naman ito gaano kabigat. Ito ang first time kong gumamit ng Cross bow.
Pumuwesto naman na ako sa target area at kinasa ko na yung cross bow na hawak ko.
Nagpakawala na ako ng ilang sunod-sunod na pana. Napatigil naman ako ng may marinig akong pumalakpak.
Pagtingin ko kung sino si Asha lang pala. Hindi ko maiwasan na mapagkamalan siyang si Tasha dahil magkahawig na magkahawig sila. Oo Rhaniel hindi niya kakambal no? Nababaliw na yata ako. Lumapit naman si Asha sa pinagtamaan ng pana ko.
"Bull's eye!" rinig kong sigaw niya.
Naglakad naman na siya papunta sa direksiyon ko. "Hindi ko akalain na magagawa mo yun. Ikaw pa lang ang nakakagamit niyan na sa unang gamit pa lang Bull's eye agad." pagkamangha niyang sabi. Napangiti naman ako.
Binalik ko na sa lagayan yung cross bow na hawak ko. "Nga pala kaya ako nandito kase pinapatawag ka ni Rhyan." Napatingin naman ako sakaniya. Na nagtatanong kung bakit.
Nagkibit-balikat lang siya.
"Sige pakisabi papunta na ako sa office niya." sabi ko at tumango naman siya.
Nakita ko naman na naglakad na siya palabas.
Matapos ko ligpitin yung mga ginamit ko. Pinatay ko na yung ilaw at lumabas na ng training room.
Medyo kabisado ko na din yung lugar na ito. Hindi naman pala ito gaano kalaki sadyang napapagkamalan lang itong malaki dahil na rin sa hindi mo pa alam ang pasikot-sikot pero kahit tatlong araw pa lang ako dito nakabisado ko na yung lugar.
Tumigil naman ako sa harap ng pinto ng office ni Rhyan at pinihit ko na yung door knob at pumasok.
Napansin ko naman yung matandang lalaki na nakaupo sa tapat ng desk ni Rhyan.
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam bigla ng takot ng makita ko yung matanda.
"Oh, Rhaniel nandiyan ka na pala. Maupo ka." sabi ni Rhyan kaya naman umupo ako sa katapat na upuan nung matanda.
"Eto nga po pala si Rhaniel bago naming member." Pagpapakilala sa akin ni Rhyan. Napatingin naman ako sa mukha nung matanda. Ewan ko ba bakit ako nakakaramdam ng takot.
"Ako naman si Mr. Yansha bata. Ang tinaguriang the oldest scientist in the world." Mas kinalibutan ako ng marinig ko na isa siyang scientist.
Isa lang ang naiisip ko ng mga oras na ito. Maaaring isa siya sa mga masasamang scientist o baka naman iniisip ko lang yun pero ang totoo ay mabuti naman pala siya.
"Nga pala Mr. Yansha, saan na tayo?" Dinig kong tanong ni Rhyan kay Mr. Yansha.
Napatingin naman ako kay Mr. Yansha. Mukhang nasa 60s na siya dahil na rin sa itsura niya.
"Gusto ko lang sana tulungan niyo akong pabaksakin si Jinghin. Kapalit naman neto ay ang kaligtasan ng mahal niyo sa buhay." hindi ko alam pero wala akong tiwala sa sinasabi nito. May pakiramdam akong hindi maganda dito.
Napatingin naman ako kay Rhyan. Mukhang ang lalim ng iniisip niya.
Bigla naman tumayo si Rhyan at ganun din si Mr. Yansha.
"Okay deal." sabi ni Rhyan habang nakalahad ang kamay at inabot naman ito ni Mr. Yansha.
"Hindi ka nagkakamali sa naging desisyon mo Rhyan." sabi ni Mr. Yansha habang nakangiti. May kakaiba sa ngiti niyang iyon eh. Hindi ko lang masabi kung ano iyon.
Nagpaalam na si Mr. Yansha at lumabas na. Napatingin naman sa akin si Rhyan.
"Uhm. Rhaniel gusto ko lang sana itrain ka. Para sa ganon maging handa ka sa lahat." Umiling naman ako dahil hindi ko na gusto pa yung ginagawa niya.
"Ayoko." Nakita ko naman sa mukha ni Rhyan ang pagkagulat sa desisyon ko.
Una sa lahat hindi naman ako isang sundalo niya para ano? Itrain? What a fck.
Nag-iba naman yung itsura niya. Naging seryoso bigla. "Siguro umalis ka na dito. Akala ko pa naman magiging isa ka na sa amin. Pero nagkamali pala ako. Sige bukas ang pinto at umalis ka na. Ayoko na makita pa yang pagmumukha mula mamayang hapon!" seryoso niyang sabi habang tinuturo yung pinto.
Tumayo ako sa upuan ko at lumabas na ng silid. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko.
Akala ko okay lang dito ako magstay. Hindi din pala. Napaka makasarili niyang magisip. Paano naman yung ibang tao na walang kamalay-malay. Ano mamatay na lang ba sila ng basta-bas---
Napatigil naman ako sa pagmumuni-muni ng may makabangga ako.
"Hindi ka ba tumitungin sa dinadaanan mo!?" napatingin naman ako sa nakabangga ko. Si Jian pala.
"Baka ikaw yun." sabi ko at nilagpasan na lang siya.
Naramdaman ko naman na hinawakan ako ni Jian sa braso kaya naman napatigil ako sa paglalakad. "Huwag kang bastos! Kinakausap pa kita!" Inalis ko naman yung pagkakahawak niya sa braso ko.
"Ikaw!? Umayos-ayos ka baka di kita matansya at baka sayo ko pa ibuhos lahat ng inis ko!" nakita ko naman yung pagkuyom ng kamao niya.
Susuntukin na sana niya ako sa mukha pero nailagan ko naman ito kaagad. Kaya naman sinikmuraan ko siya sa tiyan dahilan para mapaupo siya sa sahig.
"Aghh..." Daing niya.
"Sa susunod humanap ka ng taong kaya mo!" sigaw ko sakaniya at tinalikuran ko na siya.
Naglakad na ako papunta sa silid ko. Pagpasok ko nilagay ko na lahat ng mga gamit ko sa bag.
Naramdaman ko naman na para bang may nakatingin sa akin mula sa likod. Paglingon ko. Si Asha lang pala nakasandal sa may pinto.
"Oh. Ano buo na ba desisyon mo diyan?" tanong niya. Tumango naman ako.
"Hindi naman na kita mapipigilan pa diyan. Pero eto. Sayo na ito." sabi niya habang inaabot sa akin yung Cross bow at pati yung isang pistol at kutsilyo.
Kinuha ko naman ito. "Salamat."
"Tinakas ko lang yan sa training room. Huwag ka magalala ako na bahala kung sakaliman na hanapin nila yan." Lumapit naman ako sakaniya at yinakap siya.
"Salamat talaga Asha."
"W-walang A-anuman." sabi niya. Kumalas naman na ako sa yakap. Nagulat naman ako ng makita ko siyang namumula.
Napailing naman ako. "Namumula ka oh." Pangaasar ko sakaniya habang tinuturo yung pisngi niya.
Bigla naman niya ito tinakpan yung pisngi niya ng dalawa niyang kamay. Tumawa lang ako.
Nilagay ko na sa bag ko yung binigay sa akin ni Asha.
"Saan ka na pala pupunta ngayon?" tanong niya sa akin.
"Iisa lang nasa isip ko ngayon. Ang hanapin sila Ranz." sabi ko sakaniya.
"Ranz? As in Ranz Frein Quilliam?" nagulat naman ako ng malaman kong kilala niya si Ranz. Dahan-dahan naman akong napatango.
Ngumiti naman siya. "Paki kamusta na lang ako sakaniya." sabi niya. Napatango na lang ako. Dahil hanggang ngayon gulat na gulat pa din ako.
Hinatid naman na ako ni Asha palabas. "Ingat ka." sabi niya at nagpaalam na din ako.
Umakyat na ako at sinarado ulit yung butas.
Sana makita ko kayo ulit.... Nagsimula na akong lakbayin at tahakin ang daan...