Chapter 27

956 Words
[Marc's POV] Nagising naman ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Pagtingin ko sa orasan halos 9:00 na pala ng umaga. Tumayo na ako sa kama at lumabas ng kwarto. Narinig ko naman na biglang tumunog yung tiyan ko. Kaya naman naisipan kong pumunta na muna sa Cafeteria para kumain. Bigla naman ako napatigil sa tapat ng isang pintuan. Naisipan kong sumilip sa salamin ng pintuan. Nakita ko si Kisha nasa gilid ng kama ni Ranz habang nakaupo siya sa upuan at yung ulo niya ay nakapatong sa kama ni Ranz. Nakaramdam naman ako ng sakit na hindi ko malaman kung ano ang dahilan. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Bakit ganun parang sumasakit. Inalis ko naman na yung tingin ko sa salamin. Nagulat naman ako ng makita ko sa gilid si Niel na nakasandal sa dingding . "Dude halata ka na. Nagdedeny ka pa." sabi niya. Huh? Anong pinagsasabi niya? Nakita ko naman na umiiling-iling siya. "Ewan ko sayo." sabi ko at naglakad na palayo. "Deny pa!" rinig kong sigaw ni Niel pero hindi ko na siya nilingon pa. Dumiretso na ako sa Cafeteria. Pagkapasok ko. Kumuha na ako ng tray at pumila. Matapos ko kumuha ng pagkain. Naghanap naman na  ako ng mauupuan. Nilibot lang ng mata ko ang buong Cafeteria at nakita ko naman si Shiela na kumakaway. Mukhang ngayon palang sila kumakain. Naglakad naman na ako papunta sa table nila Shiela. Narinig ko naman yung usap-usapan nila. "Nasa critical stage na daw si Ranz." rinig kong sabi ni Johnrey. Umupo naman ako sa upuan at nilapag yung pagkain sa table. "Sana nga umayos na yung kalagayan ni Ranz  eh." sabi naman ni Angela. Ewan ko ba't parang halo-halo na yung nararamdaman ko ngayon. Lalo na kapag naririnig ko yung pangalan niya. Naawa na nagagalit. Ewan hindi ko na alam nababaliw na yata ako. "Hoy Marc!" naputol naman bigla yung pagiisip ko. "B-bakit?" tanong ko. "Kanina ka pa namin tinatawag pero tulala ka pa din diyan. Mukhang ang lalim ng iniisip mo ngayon." sabi ni Shiela. "H-hindi." sabi ko at sumubo na lang ng pagkain ko. Kumain na lang din sila. Bigla naman kumaway si Angela. Pagtingin ko kung sino yung kinawayan niya si Niel pala. Nakatingin naman si Niel sa akin habang umiiling. Ano naman kaya problema nito sa akin. Naglakad naman na si Niel papunta sa table namin at umupo para  makakain "Ano palang plano natin. Gayon na nakatakas si Jinghin?" tanong ni Niel Napatigil naman kaming lahat sa pagkain namin. Oonga pala hindi pa napapatay si loko. Saan naman kaya magtatago yun? "Sabi ni James papatawag na lang daw tayo kung sakaliman na may plano na sila." seryosong sabi ni Johnrey. Napatango na lang kami sakaniya. Nagpatuloy na kami sa pagkain namin. Napansin ko naman na tapos kumain si Shiela. "Guys, Una na ako." sabi ni Shiela at tumayo na.  Napansin ko naman yung hawak niyang plastic. Ano kaya laman nun? Mukhang napansin ni Shiela na nakatingin ako dun sa plastic. "Pagkain to. Dadalhin ko kay Kisha mukhang kahapon pa hindi iyon lumalabas ng kwarto ni Ranz eh." sabi niya. May kung anong kirot naman akong naramdaman. Tumango na lang ako. Umalis naman na siya.Pinagpatuloy ko na yung pagkain ko. Matapos kong kumain. Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko, dahil mga magkwekwentuhan muna sila. Nagtungo na muna ako sa roof top. Gusto ko muna magpahangin. Ewan ko naman kung bakit. Sarap naman ng hangin dito sa roof top. Pinikit ko na muna yung mata ko at dinama yung hangin na tumatama sa mukha ko. "K-kuya Marc?" napadilat naman ako ng mata ko ng may tumawag sa akin. Pagtingin ko kung sino yung tumawag sa akin. Si Renz pala yung kapatid ni Ranz. Mukhang kahapon pa ito iyak ng iyak ah. Dahil sa mata niyang namamaga na. Lumapit naman sa akin ito at yumakap. Narkrinig ko naman yung pag-iyak niya habang nakayakap sa akin. "Hayaan mo magiging ayos lang kuya mo." sabi ko. Naawa naman ako kay Renz na wala na ang mga magulang niya. Tanging si Ranz at Dr. Claveria na lang ang natitira niyang kamag-anak. Patuloy lang si Renz sa pag-iyak. Hinayaan ko na muna siyang umiyak ng umiyak. Naramdaman ko naman na parang hindi na siya umiiyak pa. Pagtingin ko kay Renz tulog na. Napailing na lang ako. Dahan-dahan ko naman ito binuhat at dinala sa kwarto ni Ranz. Nakita ko naman na natutulog pa din si Kisha at halatang hindi niya pa din ginagalaw yung pagkain niya sa mesa. Inihiga ko na muna sa isang couch si Renz. Matapos kong maihiga lumabas na din ako kaagad. Para bang gusto ko muna magpahinga sa kwarto ko. Nagtungo na ako sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto nagulat ako sa nakita ko dahil may batang tumatalon-talon sa kama ko. "Sino ka!?" tanong ko sa bata. Napatigil naman ito sa pagtalon. Hindi naman sumagot yung bata at halata sa mukha niya yung pagkatakot niya. "Bata anong pangalan mo?" mahinahon kong tanong dito. Pero hindi pa sin siya nagsasalita. "Andrei? Nandiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." napatingin naman ako sa nagsalita. Si Shiela? Kilala niya yung batang ito? "Shiela, kilala mo yan?" tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at mukhang nagulat din siya pero tumango naman siya. "Siya si Andrei, nakasama namin yang batang iyan sa kulungan." napatango na lang ako. Tumakbo naman palapit si Andrei kay Shiela. "Sige alis na kami. Pasensiya na dito kay Andrei ah." sabi niya habang hawak-hawak si Andrei. "Sige. Wala yun." sabi ko. Lumabas naman na sila ng kwarto ko kaya naman sinarado ko na yung pinto at humiga na sa kama ko. Nakaramdam naman ako kaagad ng pagkaantok. Kaya naman pinikit ko na yung mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD