Kabanata 30 MATAPOS NAMIN MAG-SIMBA AY AKALA ko sa mall kami pupunta ngunit hindi pala kundi sa divisoria. Pumupunta pala dito ang tiyahin ko, hindi ko alam. Akala ko sa mall lang siya pumupunta pero dito rin pala. Napansin kung masama ang mukha ni tiya Veronica habang naglalakad at ang arte pa kapag nilalapitan siya ng mga batang pulubi kaya lihim ako natatawa sa kanya. Ang arte naman, parang pulubi lang eh. Inis kung sabi sa isip. " Mila." Mataray na tawag sakin si tiya Veronica kaya napapitlag ako. " Po?" Tugon ko naman sabay lapit dito habang nasa tabi nito ang asawa. " Mamili kana para makaalis na tayo dito sa mabahong lugar na 'to." Mataray na sabi nito pero hindi ko agad nakuha ang gusto niyang ipahiwatig. Anong mamili? Anong pipiliin ko? Mas lalo namang nainis si tiya Veron